Chapter 37: Red-handed

1.3K 65 18
                                    

Kaia's POV

Iyong pakikisalamuha ko kay Livv ay nanatiling ganun, civil lang. I didn't apologize for forgetting to wear my wedding ring. Siya nga eh sinasadya niya talagang tanggalin kapag nakikipagkita siya sa lalaki niya.

So, bakit ako magsosorry?

Today is my birthday and it falls on a Saturday. I decided to pay Mommy a visit because I had a lot of explaining to do. Gusto ko sana na doon magbirthday kasama siya pero pinauwi ba naman ako dito kasi daw may asawa na ako kaya dapat siya na ang priority ko. Hindi ko alam kung nagtatampo pa rin siya dahil biglaan ang aming kasal ni Livv o concern lang siya sa asawa ko na iniwan ko raw dito nang walang kasama.

Naipaliwanag ko naman kung bakit ganun ang nangyaring set-up namin pero napagsabihan pa rin ako. Kesyo nakakahiya daw kasi bakit hindi ko dinaan sa tamang proseso iyong anak ni Engineer Kiera. Kesyo bakit daw civil wedding lang sa harap ni judge. Kesyo bakit daw hindi pa ako nagpapagawa ng bahay at nakakahiya na nakikitira lang ako kay Livv. Kesyo kailangan ko pa rin daw magkaroon ng selebrasyon para maimbinta ang angkan namin. Kesyo dapat daw magkabahay na kami bago pa siya manganak.

Hay, naku! Kung alam lang ni Mommy kung ano ang totoong nangyayari sa amin ng mahal niyang daughter-in-law. Ang alam niya ay mahal namin ni Livv ang isa't isa. Ikinuwento ko rin sa kanya iyong mga instances na magkasama kami ni Livv during university days namin. Buti nga at may nahugot ako kaya hindi ko kinailangang magsinungaling. Syempre hindi ko sinabi ang tungkol sa totoong kasunduan namin. 

After a freaking more than ten-hour flight ay para na akong zombie na naglalakad paakyat sa second floor kung nasaan ang nag-iisa naming bedroom dito sa bahay ni Livv. Iyong bedroom ay hindi gawa sa glass. Ito lang ang parte ng bahay na may privacy kahit papaano.

Pagpihit ko ng pintuan ay agad rin akong natigilan sa paghakbang papasok. Iyong mundo ko ay biglang huminto. Literal na iyong katawan ko ay nakalimutan na kung paano gumana. Nakatitig lang ako sa dalawang taong nasa kama.

Iyong lalaki ay hubo't hubad na nakapaibabaw sa babae habang walang humpay ang ginagawang pagbayo. I can hear their moans at gusto kong takpan ang aking mga tainga, but I couldn't move a muscle. Gusto kong ipikit ang aking mga mata pero hindi nakikinig ang mga talukap ko sa sigaw ng aking utak. I want to speak and say something pero nanatili akong nakatitig sa ginagawa nila.

I literally froze hanggang sa mapabaling ng tingin sa pintuan si Livv.

"Oh, my God!" bulalas niya bago takpan ang kanyang dibdib.

Iyong lalaki naman ay natigilan sa ginagawa bago sundan ang kanyang tinitingnan.

"What the fuck?! What are you doing here?!" gigil na sigaw ng lalaki na agad na tumayo.

Kahit gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin ay hindi ko magawa. As he approached me, I saw their clothes littered on the floor in my peripheral vision. Iyong atensyon ko ay nandoon pa rin sa kama.

Sa kama kung saan ako natutulog. Sa kama na dapat sana ay aking pahinga.

"Leave, fucking creep," mariing saad ng lalaki ni Livv bago tanggalin ang pagkakahawak ko sa doorknob at marahas akong itulak palabas.

Pagkatapos nun ay padabog niyang isinara ang pintuan.

I was left standing outside our bedroom trying to process what I saw. My heart started beating painfully in the most excruciating way. It was as if even breathing became hard for me to do.

I blinked once.

Twice.

Thrice.

I wasn't imagining things. I really saw Livv being screwed by someone in the confined of our marital room. I smiled bitterly at napailing.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon