Chapter 4: Anthropology

1.6K 58 10
                                    

Kaia's POV

It's Friday at may elective class akong mas gugustuhin ko pang makinig sa panalangin sa alas tres ng hapon nang paulit-ulit kaysa ang pumasok sa klase na 'to. Pinili ko itong elective na 'to dahil sabi ng mga ka-blockmates ko noon na third year na ngayon ay ayos lang daw na matulog sa klase kapag athlete. Written outputs lang daw lahat at walang quiz.

Umupo ako sa pinakadulo na pwesto, malapit sa may bintana kung saan natatanaw ang malawak na field na may man-made pond para pwede akong magliwaliw. Bawal kasi gumamit ng earphones kapag nasa klase pero pwedeng gumamit ng gadgets para sa lectures. Dahil elective ito ay galing sa iba't ibang kurso ang mga estudyante na kasama ko.

Kanina ko pa napapansin ang mga panaka-nakang pagsulyap ng mga kaklase ko dito sa aking gawi kaya nagpatay-malisya na lang ako. Nakapangalumbabang nakatingin lang ako sa isang estudyante na hinahabol ang mga ibon sa may park. 

Ang saya ni Ate Girl na tumatakbo para bwisitin ang mga ibon na kumakain. Iyong kasama naman niya ay sa halip na kumuha ng litrato ay tawa lang nang tawa. Natuluyan kasi siya sa pond. Tamang babad lang sa tubig dahil maalinsangan ang panahon. Napangiti ako dahil nangyari din yan sa akin noon. Iyong tumawa. Tatanga-tanga rin kasi iyong kaklase ko na dumiretso ng takbo sa tubig. 

"Lapitan mo na, besh. Mag hi ka lang."

"Eh, nahihiya ako."

"Sige na. Sabihin mo na pa-picture ka kasi fan ka ng fencing kahit bakod lang ang alam mo."

"Gaga, ang lakas ng boses mo. Baka marinig ka."

"Girl, wala kang mapapala kung tititig ka lang sa kanya. Dali na. Landiin mo na."

"Baka may jowa yan."

"Eh di agawin mo. Kahit iyong mga kasal nga ay naghihiwalay, 'yan pa kaya na wala namang balita kung may jowa."

"Excuse me. You're blocking my way. Move," narinig kong utos ng isang pamilyar na tinig.

Pati itong classroom ata ay siya rin ang may-ari. Napa roll ako ng eyes sa isipan.

"Excuse me, that's my seat. Move," muli niyang utos sa kung sinuman kaya hindi na ako nakialam.

"I said, that's my seat," muli na naman niyang anunsyo pero dahil hindi naman ako ang kausap ay nagpatay-malisya lang ako hanggang sa pabagsak niyang inilapag ang kanyang bag sa aking table.

Okay, ako pala ang kausap ng brat na 'to.

"Are you deaf, blind, and dumb? I said that's my seat. Move and find another one," muli niyang utos kaya napalingon na ako sa kanyang gawi.

Oh, la lam burger. This bitch knows how to dress to flaunt her assets.

Hinagod ko ang kanyang ayos at napangisi. Mahaba na mukhang makinis at malambot ang kanyang mga legs na nakikita dahil nakasuot na naman siya ng skirt. If we take off the stylish cardigan, paniguradong sleeveless ang suot niyang inner na hapit sa katawan at kalahati lang ang tabas kaya labas ang kanyang flat na tyan. Flat lang at walang abs. Iyong buhok niyang mga isang oras sigurong inayos ay bagay sa kanya.

She's one of those women who can pull off the pretty privilege with ease kahit iyong mga kilay niya ay permanenteng naghahanap ng away. She's not wearing a bloody red lipstick. Light lang make-up niya pero dahil maayos ang hulma ng kanyang mukha, matangos ang kanyang ilong, nakakaakit ang kanyang mga matang mapanghusga at marunong siyang magdala ng sarili ay mapapalingon ka talaga. Katulad na lang ng mga lalaking kanina pa nakangisi habang nakatingin sa kanyang legs. Overall, masama talaga ang kanyang pag-uugali.

Bigla niyang hinablot ang suot kong sunglasses kaya natigil ako sa paghahanap ng mali sa kanya.

"Saan-" inunahan ko na siya bago pa siya magbigay ng utos na akala mo ay alipin niya ang kanyang kausap. Pero hindi pa ako tapos magsalita ay sumingit na siya.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon