Chapter 24: Controversy

1.2K 53 1
                                    

Kaia's POV

Naglalakad ako sa building ng Communication Arts Department nang masagi ng aking mga mata ang picture ni Dad na nakaflash sa napakaraming screen dito sa kanilang hallway. Iba't ibang news channel pero siya ang laman ng lahat ng balita.

Tinanggal ko ang earphones na nakasaksak sa aking mga tainga at nakinig. It took every once of self-control in me para lang hindi basagin ang pagmumukha niyang naka-flash ngayon.

"Ngayong araw ay pormal ng nagsampa ng kaso ang Office of the Ombudsman ng kasong pandarambong o plunder laban sa kasalukuyang bise presidente ng Pilipinas na si Vice President Conrad Carvajal.

Para sa karagdagang mga detalye, narito si Yna Santiago nag-uulat live mula sa Sandiganbayan. Yna..."

Those pictures were just the beginning of everything going south.

Hindi pa man natatapos ang aking pakikinig ay may humila na sa aking kamay bago ako kaladkarin paalis mula sa aking kinatatayuan.

"Livv?" naguguluhang tawag ko sa kanyang pangalan pero tila wala siyang narinig at dire-diretso lang ang kanyang lakad.

I was still processing the news that I heard. Half of me wanted to believe na puro kasinungalingan lang ang mga iyon. Pero mas malakas ang sigaw ng utak ko na posibleng may basehan nga ang mga paratang sa kanya. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ko kung totoo man ang mga iyon.

"Livv, sandali," awat ko sa babaeng blangko lang ang mukha habang naglalakad.

Sanay na akong pinagtitinginan ng mga tao dito sa campus pero sa pagkakataong ito ay parang may iba. Iba iyong mga titig nila eh. Nagbubulungan pa nga iyong ibang kumpulan ng mga estudyante habang may iba naman na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. 

Is it because Livv is dragging me? Akala ba nila ay may something sa'min ni Livv?

I doubt that was the case kasi never naman silang nagkaroon ng pakialam sa kung sino ang kasama ko. They always stared at me pero sa ibang paraan. Hindi katulad nito na parang may ginawa akong masama.

"Shit. Si Sammie," bulalas ko nang biglang maalala ang pinsan ko na pinagkakamalan ng lahat na anak ni Dad.

She might be getting nasty stares right now. Worse, she could even be in trouble dahil sa news na iyon at sa maling tsismis ng mga tao tungkol sa kanyang relasyon kay Dad. Sammie is the type na hindi marunong makipag-away. Ayaw nya sa pakikipagbasag-ulo o pakikipagsampalan. She's not a fan of catfights.

"Livv, wait. Kailangan kong hanapin si Sammie," pigil ko kay Livv pero ayaw talaga niyang tumigil sa paglalakad.

"She's waiting for us." Iyon lang talaga ang sagot niya bago ako patuloy na kaladkarin.

Oo, kinakaladkad niya ako kasi ang bilis niyang maglakad kahit na ang taas ng heels ng suot niyang sapatos.

Nang sa wakas ay makarating kami sa kanilang den ay binitawan na niya ako. Agad akong sinalubong ni Sammie ng mahigpit na yakap na siyang ginantihan ko.

"Hey, what's wrong? May nang-away ba sa'yo dahil sa news tungkol kay Dad?" mahinang tanong ko sa kanya pero wala siyang sagot at parang nagsisimula ng humikbi sa aking leeg.

Sammie is a gentle soul. Madali siyang umiyak. Madali rin siyang mag-alala.

Tumingin ako sa mga kasamahan namin dito sa may dining area ng den. Lunch time na pero wala ni isa sa kanila ang kumakain. May mga pagkain ng nakahanda pero nakapagtataka na wala iyong mga chef dito. 

Si Taylor ay nakasandal lang sa pader habang nakayuko. Ang lalim ng iniisip. 

Si Renée ay naka cross arms habang nakatitig sa isang article sa kanyang iPad. Poker face lang siya habang mabilis na gumagalaw ang kanyang mga mata. Nagbabasa. 

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon