Kaia's POV
"Taylor, hindi ka ba sasabay sa'min?" tanong ko sa katabi ko na kanina pa tahimik.
Nakakapanibago dahil madalas ay hindi natatapos ang kwentuhan nila nitong katabi kong babae pero ngayon ay wala silang imikan. Nasa gitna kasi ako naglalakad. Eh madalas si Sammie ang nasa posisyon na ito.
Sinundo ako ni Sammie kanina dahil matagal na akong umiiwas na makasama siya sa lunch. Nabanggit kasi niya na mga ka-blockmates rin daw niya ang makakasalo namin kaya palagi ko siyang pinagtataguan. Malamang puro katulad lang din niya ang mga kaibigan niya. Puro make-up at damit lang ang pinag-uusapan. Dapat nag Cosmetology rin ang isang ito. Pero pwede na rin kasi nasa business school siya. Baka fashion company ang gusto niyang pasukin para malihis naman sa negosyo ng mga magulang niya na kilala sa paggawa ng olive oil.
"I can't. Kailangan kong i-meet ang band sa labas. Kulang pa kami ng members," sagot niya na sandaling sumulyap kay Sammie bago namumulang nag-iwas ng tingin.
"Para saan?" pagpapatuloy ko at hindi na pinansin ang pagiging kamatis niya.
"Battle of the bands for the acquaintance party. Kailangan ng representative ang School of Architecture. May kilala ka bang marunong mag drums?" tanong niya na halatang problemado.
Meron kaso bawal pwersahin ang mga braso kasi nakalaan lang sa fencing.
"Wala eh. Try mo sa mga freshmen, baka merong tumutugtog," suhestyon ko na mas lalong ikinakunot ng kanyang makakapal na kilay.
"I already asked the boys, wala daw eh," sagot niya.
"Boys lang? Pwede naman sigurong babae ang drummer ng band ninyo," nalilitong saad ko. "Dapat ba daw all boys ang band members?"
Umiling siya bago sumulyap sa katabi ko na nasa harap lang ang atensyon. Ano bang meron sa dalawang 'to? Nag-away ba sila?
"Sige, I will ask," sagot niya at sa hindi ko malamang dahilan ay biglang bumitaw si Sammie sa pagkakahawak sa aking braso bago dali-daling naunang naglakad.
Nag walk-out ba ang bruhang iyon kahit na nasa labas naman kami?
Kunot-noong napatingin ako kay Taylor na nakatanaw lang sa papalayong pigura ng aking pinsan na mukhang may sapi. Napabuntong-hininga siya bago napailing.
Ayokong mag-assume pero anong meron sa pagitan nitong dalawa na 'to?
"May girlfriend ka ba, Taylor?" diretsahang tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.
Para siyang isdang naligaw sa lupa dahil bumukas-sara na ang kanyang bibig ay wala pa rin siyang nasasabing sagot.
Tumigil ako at humarap sa kanya. Kailangan kong tumingala dahil matangkad talaga ang lalaking ito.
"Let me rephrase my question, may gusto ka ba kay Sammie?" seryosong tanong ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Agad niyang binusalan ang aking bibig bago lumingon sa paligid na para bang may sinabi ako na hindi dapat marinig ng ibang mga estudyante dito sa hallway.
Pinangkitan ko siya ng mga mata dahil ang laki ng kamay niya na halos buong mukha ko na ang natatabunan. Tinapik ko ito dahil hindi ako makahinga. Nagulat pa siya pero nang mapagtanto kung bakit ay agad rin siyang bumitaw.
"S-Sorry," nahihiyang usal niya pero pulang-pula na ang kanyang leeg at mga tainga.
I've never seen a man blushed this red in my entire existence. Naawa ako kaya nagkunwari na lang akong hindi nagulat at nagpatuloy na maglakad.
"Alam na ba niya?" muli kong tanong kapagkuwan.
Umiling siya at napahawak sa batok, "I'm waiting for us to graduate."
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...