Kaia's POV
Pagkagising ko ay wala na iyong katabi ko sa pagtulog. Nasa labas na siguro dahil may naaamoy na akong nilulutong pagkain. Bumangon na ako at bumaba.
Natigilan ako nang makita kung sino ang nasa tapat ng kalan. Akala ko ay namalik-mata lang ako pero si Livv talaga ang nakikita ko. Nakasuot kasi siya ng daster. As in daster na pareho ng style ng suot ni Nanay Ising. Light blue yung color ng kanya. Nakatali ang kanyang buhok kaya nakikita ko ang kanyang batok.
Damn.
Akala ko talaga ay nag time travel ako at bumata si Nanay Ising. Yung daster ay saktong-sakto talaga sa kanya. Iyan ba ang ginawa ni Nanay Ising habang natutulog kami?
Mukhang alam niya yung ginagawa niya kahit hindi stove ang gamit. Base sa nakikita ko ay uling ang lutuan dito. Gawa sa kahoy ang hawak ni Livv na sandok. I'm not surprised na marunong siyang magluto. Her mother is a famous chef. Mas nakakagulat iyong napilit siya ni Nanay Ising na magsuot ng daster.
"Gising ka na pala, hija. Kamusta ang tulog mo?" tawag ni Nanay Ising sa akin na nasa mesa lang pala at naghihiwa ng gulay.
Dahil doon ay napatingin sa aking gawi si Livv kaya ngumisi ako sa kanya matapos pasimpleng hagurin ng tingin ang kanyang suot. Pinanliitan niya lang ako ng mga mata, as if warning me not to say anything about her new style of clothing.
"Maayos naman po, Nay," nakangiting sagot ko kay Nanay Ising bago tuluyang bumaba at lumapit sa kanya.
"Ay, hija. Kung gusto mong magpalit ng damit ay marami akong daster doon. May kakasya naman sa iyo," alok ng matanda matapos tingnan ang aking suot.
Just so you know, pang magsasaka ang wardrobe ko. Puro button-up long sleeve polo ang dinala ko at mahahabang jogging pants na malamig sa balat. Akala ko kasi ay farming ang primary source of living ng foster parents namin. Ready na sana akong magtanim ng palay.
"Ayos na po ako. Kumportable po ako sa suot ko," tanggi ko kay Nanay Ising nang nakangiti.
I saw Livv smirked at me. I know she's starting to create an image of me in Nanay Ising's colorful daster pero sorry na lang siya. I'd rather parade in my birthday suit than be caught dead wearing Nanay Ising's limited edition collection.
Sa kanya kasi bagay dahil feminine ang physique niya. Sa'kin? No. At isa pa, baka maging cocktail dress dahil maliit si Nanay. Sa kanya nga ay hanggang tuhod lang ang length samantalang malapit na sa ankle ni Nanay ang suot niyang daster.
"Saan po ako pwedeng maghilamos, Nay?" tanong ko sa matanda habang dala yung toiletries pouch ko.
"Iyong palikuran ba ang hinahanap mo, hija?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paghihiwa ng aubergine.
"Opo," sagot ko sa kanya.
"Nasa kaliwa, hija." Nagbaling siya ng tingin kay Livv, "Anak, pakituro nga dito sa kaibigan mo kung nasaan ang palikuran natin?"
"Sige po," malambing na sagot ni Livv.
Ay, wow. Ako hija ang tawag niya tapos kay Livv anak? First day pa lang namin pero may favoritism na si Nanay.
Lumapit na ako kay Livv matapos ngumiti kay Nanay Ising. Sinigurado ko munang nakatalikod na ang kasama namin bago ako tuluyang pumunta sa kanyang likuran. Bumalik kasi siya sa pagluluto ng kung anumang sinabawan na pagkain.
Lumapit ako sa kanyang tainga bago bumulong, "Nice dress, Lola."
Napapitlag siya at ang unang reaksyon niya ay hampasin ako ng sandok. I expected her to do that kaya kanina pa ako umatras matapos bumulong sa kanya. Tumingin ako kay Nanay Ising na walang ideya sa nangyayari sa likod niya. Nasalo ko kasi ang kamay ni Livv na may hawak na sandok bago pa niya ako paluin.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...