Epilogue

3.2K 115 19
                                    

Kaia's POV

"K-Kai, a-anong ginagawa mo?" magkandautal-utal na tanong ko nang makita ang aking kapatid na may hawak na scalpel. Nakasuot siya ng puting surgical gloves, blue sterile gown, pink cap at blue face mask.

"Filipino time," dismayadong saad niya matapos sumulyap sa orasan sa itaas. "I almost lost my patience. A few more minutes of tardiness and I would have deprived you of the opportunity to open your gift."

Oh, my God! Psycho ata ang anak ni Dad.

Pinapunta niya ako dito sa kanyang isla dahil may ibibigay raw siyang regalo sa akin. Wala si Kai sa kasal namin ni Livv na siyang hindi ko na ikinagulat. Mas nagugulat pa ako sa aking nasasaksihan ngayon.

May isang lalaking hubo't hubad na nakabitin nang patiwarik habang nakatali ang mga kamay sa kama na hugis krus. It's an inverted cross. Iyong mukha lang ng lalaki ang tinakpan niya. Sa kalagayan ng katawan ng lalaki ay mukhang maayos naman ito at humihinga. Wala ring bahid ng pasa o anumang pisikal na pang-aabuso. 

Nasa loob kami ng clinic ng kanyang isla. Hindi ko nga alam na may operating room pala rito. Ito ang mismong isla kung saan niya ako panandaliang itinago habang hinihintay namin ang kasal ni Livv sa lalaking sumalangit nawa ang kaluluwa.

Napalunok ako nang lumapit si Kai at walang babala niyang hiniwa ang braso ng lalaki mula sa kaliwang palasingsingan nito na umabot pa hanggang sa balikat. Agad na bumuka ang balat ng lalaki at dumaloy ang masaganang dugo nito.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Iyong puso ko ay biglang bumilis ang tibok dahil sa kabang nararamdaman. I'm not used to seeing graphic image like this. Pakiramdam ko ay anumang oras ay babaliktad ang sikmura ko. Worse, baka mahimatay ako. 

Tumikhim ako bago tumitig sa aking sapatos, "Sa l-labas na lang kita hihintayin, Kai."

Tumalikod na ako para sana lumabas pero saktong pumasok ang babaeng naghatid sa akin papunta rito. Nang magbaling ako ng tingin sa pintuan ay nakita kong nakasarado na ito nang maayos.

"A-Ate Hya," nahihintakutang saad ko nang makita ang madilim na ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatitig sa aking likuran.

God, she's scary.

"Did you kill him, Carvajal?" mahinahon pero malamig niyang tanong sa taong nasa likuran ko.

"Not yet. I just woke him up from his deep slumber. My little sister hasn't talked to him yet," sagot ni Kai na siyang ikinalaki ng aking mga mata.

'Not yet.'

Papatay si Kai ng tao. She's going to kill whoever this man is. Why?

"She doesn't look like she wants to talk to him," saad ni Ate Hya matapos sumulyap sa akin.

Nakatitig lang ako sa kanya kasi gustong manlambot ng mga tuhod ko sa gustong gawin ng kapatid ko. 

Oh, my God! Babalatan niya ba 'yan nang buhay?!

"Even if this is the same man who manipulated Tiffany into sleeping with another man while you two are already married?" may himig pang-uudyok na tanong ni Kai mula sa aking likuran.

Nakuha niya ang aking atensyon, pati na rin ang aking galit. Muli akong lumingon sa aking kapatid habang iwas na iwas mapatingin sa lalaking tila nakapako sa krus nang patiwarik.

"W-What are you talking about, K-Kai?" tanong ko habang pinipilit na pakalmahin ang aking sarili.

Si Kai ay saglit nag-isip bago biglang hablutin ang telang nakabalot sa mukha ng lalaki. Pareho kaming nanlaki ang mga mata nang magtagpo ang aming paningin. Nakatakip ang kanyang bibig gamit ang duct tape kaya hindi siya makagawa ng anumang ingay.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon