Kaia's POV
"Here's your breakfast," saad ko matapos ilapag ang kanyang kape at iyong binili kong breakfast kanina sa drive thru.
Mula sa aking condo ay dumiretso na ako sa opisina. Hindi ako umuwi sa bahay niya katulad ng aking paalam matapos ko siyang sunduin at ihatid sa bahay. I hang out with Charlotte na nagkataong wala ring plans for the weekend. We went to spas and salons to do our nails, our hair, our face, etcetera. We also shopped for her clothes na gagamitin kapag may site visit. I also did some shopping for myself. We basically did things to pamper ourselves. I felt good kahit papaano, although na-miss ko si Sammie kasi siya usually ang humihila sa akin para gawin ang mga bagay na iyan.
"I had breakfast at home," saad niya nang hindi man lang nag-abalang tingnan ang nilagay ko sa kanyang hapag.
Busy siya sa kanyang binabasang report.
"Okay. I'll proceed with your schedule for today," mahinahong saad ko bago buksan ang aking iPad at tingnan ang kanyang calendar para sa araw na 'to. "Your eleven o'clock meeting with Mr. Te was cancelled. His mother passed away this morning. His secretary informed us that they will get in touch for the details of the rescheduled meeting."
"Know the place of the funeral and send flowers," saad niya na hindi man lang nagulat sa ibinalita ko.
"Will do," maikling sagot ko bago tiningnan ang kasunod niyang meeting. "You will be free until three o'clock in the afternoon. That will be your meeting with Mr. Villacosta, a potential client who wants to build a shopping mall."
Hinintay ko siyang tumango bago ako magpatuloy.
"Make sure Architect Torres and Engineer Antonio will be there. I need people who understand what the client wants," sagot niya habang nasa screen pa rin ang kanyang atensyon.
"Copy that," saad ko bago ilagay iyon sa notes.
I'm just praying to all the Gods out there na sana ay nasa office lang iyong dalawang iyon. Last time ay ibang architect at engineer ang gusto niyang isama.
"You only have two business meetings today. The rest would be papers that require your review and approval," sagot ko bago ibaba ang iPad.
Tumango lang siya kaya tumango na rin ako kahit hindi siya nakatingin. "Someone with the name Hanz called and wanted me to ask you if your dinner will push through later. He instructed me to inform you to wear his favorite dress and the lingerie that he bought for you. And also, that he is looking forward to having fun with you at his place afterwards."
Buhat sa narinig ay nagbaling siya ng tingin sa akin. I just gave her a polite smile kahit sa totoo lang ay gusto ko ng ihampas ang screen ng kanyang desktop sa pagmumukha ng lalaki niya.
"Should I confirm your appointment with him or would you like to handle this personal matter by yourself?" tanong ko sa kanya habang nasa likod ang aking dalawang kamay.
Mukhang ang iPad ko pa ata ang mababasag sa pagpipigil ko ng inis. Nasti-stress ang bagong kulay kong buhok.
Speaking of that, parang ngayon lang niya napansin ang pagbabagong anyo ko. She looks like she is in a trance habang paulit-ulit akong pinapasadahan ng kanyang tingin. I saw her visibly gulp.
Yeah, the same reaction I got from the ladies kanina noong pumasok ako sa office. Nothing new.
"Livv, I need an answer. He specifically ordered me to give him a confirmation before ten o'clock," pukaw ko sa kanyang atensyon.
"I'll...I'll h-handle that," pormal na saad niya matapos tumikhim.
"Alright," nakangiting saad ko bago kunin ang kape at breakfast na dala ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...