Kaia's POV
Pagkapark ko pa lang ng sasakyan ay bumungad na sa akin ang mga taong walang magawa sa buhay kung hindi ang pagkaabalahan ang buhay ng may buhay. Masyado sigurong maraming insecurities sa life at kinulang sa aruga ng mga magulang.
Sumipol ang isang lalaking estudyante na ngayon ko lang nakita ang pagmumukha.
"Ladies and gentlemen, this is where all our taxes go!"
Ang lakas ng pagkakasabi niya kaya kahit iyong ibang walang pakialam ay napatingin na rin sa amin. Naglakad pa ang gago bago umakbay sa akin habang sinisipat ang dala kong sports car.
"Ayos ah. Ang gara. Pasakay namin tutal pera din namin ang ginamit dyan."
"Let go, dimwit," mahina pero mariing utos ko sa kanya.
Inis na tinabig ko ang kanyang kamay bago ayusin ang suot kong jacket at ang aking drawing tube. Ang sarap hampasin sa nguso sa totoo lang. Smoker ata ang gago kasi amoy sigarilyo ang aga-aga. Tsk. Mamamatay rin 'to nang maaga dahil sa sakit sa baga kaya pagbigyan na lang.
"Pwede namang ako na lang ang sakyan mo kung ayaw mong magpasakay dyan," nginisian pa ako ng mokong habang nakatingin sa aking katawan.
Gago. Kinilabutan ako. Parang patay-gutom na animal na ngayon lang nakakita ng karne. Ang bababoy talaga ng mga lalaki dito sa Earth. Sarap sipain papuntang kabilang universe para mabawasan ang mga manyak dito sa Milky Way.
"Ano? Payag ka? Five minutes. My car is just over there." Tinangka niyang umakbay ulit sa akin pero muli kong tinabig nang marahas ang kanyang braso.
"Five minutes. Five seconds kamo, jerk," sagot ko sa kanya bago siya samaan ng tingin. Tiningnan ko iyong inexistent na bukol sa pants niya bago umismid. "Sorry, I'm allergic to baby bananas. "
Nagkantyawan iyong mga barkada niya na mukhang kinulang sa Vitamin D. Kalalaking tao ang liliit maliban dito sa unggoy na ito na may katangkaran at may kaunting muscles sa katawan. Beginner sa gym. Puro muscles lang pero halatang hindi marunong makipagsapakan. Weak.
Pasalamat siya at nag-iingat ako ngayon na masama sa gulo. Ayokong pati ako ay makadagdag pa sa problema ni Mommy na ngayon ay abala na sa kaso ni Dad. Tangina naman kasi ng matandang lalaki na iyon. Daan-daang milyon ang ninakaw kung totoo ang mga paratang sa kanya.
Dahil sa sinabi ko ay nasagi ang ego ng lalaking ito kaya itinulak niya ako nang malakas. I wasn't expecting that kaya napasandal ako sa aking sasakyan.
He started it. When push comes to shove, I stand my ground. Itinulak ko rin siya pabalik na ikinaalerto ng mga kasamahan niya. Tama nga ako na lampa ito kasi napaupo sa sahig.
Mahina.
Dinaluhan siya ng mga kaibigan niya. Tinulungan pa siya ng isa na tumayo pero marahas lang niyang tinabig ang kamay nun. Para siyang toro ngayon na handang sumugod. Bago pa siya tuluyang makatayo at makabwelo ay inalis ko ang aking sarili sa direksyon ng aking sasakyan. Balak ko siyang iwasan at ayokong masira ang anumang parte ng kotse ko.
Saktong pagsugod niya ay ang pagpasok ng sasakyan na may nakabibinging pagbusina.
What the fuck?!
Hindi ba alam ng kung sinumang driver nitong sasakyan na bawal mag blow ng horn sa loob ng campus? Ang lakas pa ng busina kaya lahat ng atensyon ng mga tao ay natawag na niya. Hindi lang iyong mga nasa parking lot, pati na rin siguro iyong nasa karatig building nito.
Sobrang bilis rin ng pagmamaneho na hindi ko man lang namalayan ang pagdating nito. Ang malala pa niyan ay wala pa atang isang metro ang layo niya mula sa nagwawalang unggoy. Iyong dulo ng sasakyan niya ay kaunti na lang sasagasa na doon sa lalaking kaaway ko.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...