Chapter 17: Night

1.3K 56 1
                                    

Kaia's POV

Pagkatapos kaming ipakilala ni Nanay Ising sa kanyang mga kapitbahay at dalhin doon sa waterfalls nila dito ay bumalik na rin kami ulit sa bahay. Ayaw niyang maabutan kami ng gabi sa daan.

Pumasok na ang dalawang matanda sa kanilang kwarto pagkatapos naming kumain ng dinner. Maaga pa raw ang gising nila bukas. Kami ni Livv ay nandito sa bathroom. Siya lang pala kasi nandito ako sa labas at nilalamok habang naghihintay sa kanyang matapos maghugas ng katawan.

Wala siyang sinabi na hintayin ko siya. Wala rin siyang sinabi na mag-igib ako ng tubig para sa kanya pero iyon pa rin ang ginawa ko kasi naubos ko iyong tubig sa lalagyan sa loob. Nauna akong maligo kanina. Nakonsensya ako kaya heto, naghahakot ako ng tubig sa maliit na balde para ipasok sa may funnel na connected sa loob ng water drum sa loob. Manual water pump ang gamit nila dito. I bet dito rin galing ang tubig na iniinom namin.

Umupo ako ulit sa maliit na upuang kahoy at naghintay sa kanya. May isang solar-powered light bulb na hindi gaano kaliwanag ang nagbibigay ilaw sa banyo. Ako naman ay ginagamit na lang ang ilaw na galing sa kusina. Ang sabi ni Nanay Ising ay tuwing gabi lang nila binubuksan ang ilaw at hanggang alas onse lang daw ng gabi ang itatagal ng solar panel nila.

Ilang minuto pa ang dumaan bago lumabas si Livv na nakatapis lang ng tuwalya. Madilim naman sa paligid pero hindi pa rin ako komportable kapag wala siyang saplot sa katawan.

Wala akong nakitang pagkagulat sa kanyang mukha nang maratnan niya ako doon. Tumayo na ako at hinintay siyang makapasok bago ko isarado nang maayos ang pintuan papunta sa labas. I also turned off the light sa banyo nila para makatipid.

To give her time para magbihis ay tumambay na muna ako sa may living area slash dining area kasi wala silang sofa dito.

Bumukas ang pintuan ng kwarto namin at bumungad sa akin si Livv na nakabihis na ng pantulog. May dala talaga siyang silk na nightie.

"You can come in," hindi makatingin nang diretsong saad niya sa mahinang tinig.

Yan ang unang beses na kinausap niya ako simula ng away namin kanina bago kami umalis nina Nanay Ising.

Tumayo na ako at pumasok. Nakaupo na siya sa kama habang pinapatuyo ang kanyang buhok gamit ang tuwalya. That will take her ages bago tuluyang mag dry ang kanyang buhok.

Kinuha ko ang woven fan na binigay kanina sa akin ni Nanay Ising bago tumabi sa kanya. Nag-iwan ako ng espasyo para maging kumportable siya. Wala siyang imik at tahimik lang na nagpupunas ng buhok. We were facing the open window kung saan makikita ang buwan at mga tala. Maliwanag sa kwarto kahit wala ng nakabukas na light bulb. I can hear crickets which was the perfect sound to fill the silence between us.

Lumingon ako sa kanya at nakitang tumigil siya sa ginagawa. She's now admiring the night sky.

I'll be lying if I tell you that her bare face is not a sight to behold. Livv has long curly eyelashes na bagay sa hugis at kulay ng kanyang mga mata. Iyong ilong niya ay kasingtaas ng status niya sa buhay. She has plump lips which I can guarantee you are soft and kissable. She has fine jawline, perfect for her strong and intimidating aura.

"You're staring," bulong niya nang hindi nagbabaling ng tingin sa akin.

The way the moonlight reflects on her eyes is crazy. It's giving them a distinct spark na talagang magpapadikit sa mga mata mo. Talo pa ang gravity kung makahila ng atensyon. I think that's probably one of the reasons kung bakit marami akong nahuhuli na mga kaklase namin na nagnanakaw ng tingin sa kanya habang siya naman ay nakafocus sa sketch pad niya.

I dared not to look at anything below her chin dahil papunta na sa maling landas ang imagination ko.

I coughed to dismiss the lump forming in my throat. Ang lamig ng hangin na pumapasok mula sa bintana pero parang nag-iinit ang katawan ko. Pinaypayan ko na lang ang sarili ko.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon