Chapter 48: Maldives

1.3K 52 0
                                    

Kaia's POV

Today marks our one-month vacation in Maldives. Tama ang naging desisyon ni Livv na huwag kami sa Amerika pumunta. Wala namang magandang makikita doon lalo na't pareho kaming madalas magbakasyon sa bansang iyon. Maldives is way better kasi hindi malamig. I also like the scenery here. Maganda ang kanilang mga dagat. Lalabas lang ako sa patio at pwede na akong lumusong sa dagat anumang oras ko gustuhin.

Kung ako ay totally stress-free, iyong kasama ko naman ay panaka-naka ang pagbubukas ng email at pagrereply. Madalas ay may kausap din siya sa phone niya. Hindi ko marinig kasi sa office siya pumapasok - nakasarado at soundproof. Siya nga itong buntis na dapat magpahinga pero ako ang walang ginagawa.

Kaninang umaga ay may ipinabili siyang mga pagkain sa akin. Gusto raw niyang kumain ng Kulhi Boakibaa, Gulha, Aluvi Boakibaa, Gulab Jamun at Saagu Bondibai. Hindi ako pamilyar sa mga pangalang binanggit niya kaya isinulat ko na lang. Niyaya ko pa ngang sumama sa akin pero sabi niya ay maghihintay na lang daw siya sa water villa namin.

Bilang masunurin na asawa ay umalis na ako para maghanap. Hindi ko naman lubos akalain na matatagalan pala dahil lost in translation kami ng mga lokal na mamamayan dito. Dhivehi ang lenggwahe nila tapos English naman ang gamit ko. Si Livv ang kadalasang nagsasalita sa amin kapag hindi marunong magsalita ng English ang kausap namin. Kaya ayun, natagalan ako sa paghahanap at pagtatanong kasi hindi kami magkaintindihan.

"Livv, I'm here!" masiglang anunsyo ko nang makapasok na sa water villa namin.

Walang sumasagot at wala siya sa sala.

"Livv, nandito na ako. Nabili ko lahat ng gusto mo," muli kong anunsyo habang naglalakad papunta sa kusina.

Inilapag ko na lahat ng aking dala sa may mesa.

"Livv? Nasaan ka?" muli kong tawag habang nilalabas ang mga binili ko.

No response.

Nagtaka na ako kaya hindi ko na tinapos ang aking ginagawa. Madalas naman ay sa kusina o kaya ay sa sala lang siyang tumatambay kapag naghihintay siya sa akin. Dito ko kasi siya mabilis makita.

Her silence is making me worry. Mabilis naman iyong sumagot.

"Livv, nasa kwarto ka ba?" muli kong tanong habang naglalakad papunta sa aming shared bedroom. Kumatok muna ako bago magsalita. "Livv, nandyan ka ba sa loob? Iyong mga pagkain mo nandito na."

Tumigil ako para makinig ng sagot pero wala akong napala. Pinihit ko na ang pintuan. Wala siya sa loob. Nakasarado rin ang mga sliding doors papunta sa patio. Maayos ang kama kaya hindi siya galing dito.

Baka nasa office na naman niya?

Lumabas na ako at isinarado ang pintuan. Pumunta ako sa isang kwarto na para sa office. Nakabukas ang pintuan pero kumatok pa rin ako.

"Livv, I'm home. Can I come in?" paalam ko para hindi makaabala sa anumang ginagawa niya.

Nakabibinging katahimikan ang sumagot sa akin.

"Livv, papasok na ako," paalam ko bago dahan-dahang pihitin ang pintuan para hindi siya maabala sa ginagawa.

Walang tao sa loob at wala rin ang kanyang laptop. Hindi niya 'to ginamit. Medyo kinabahan na ako kaya mabilis akong pumunta sa kabilang dako ng villa para isa-isahin ang bawat sulok. Sa tuwing bumubungad sa akin ang malinis na kwarto ay nadodoble ang kaba at pag-aalalang nararamdaman ko.

Damn it. Bakit kasi ako inabot ng dalawang oras sa paghahanap ng mga pagkain? Sana ay iniutos ko na lang sa mga staff dito tapos nagbayad na lang ako. Sana lang ay walang masamang nangyari sa kanya. Noong nakaraang araw kasi ay bigla na lang siyang nawalan ng malay.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon