Chapter 12: Joke?

1.4K 60 2
                                    

Kaia's POV

Another Friday, another Foreign Language class kasama nitong babaeng katabi ko na ginawang art class ang subject na 'to. Literal na hindi siya nakikinig sa lecture namin. Ganito lagi ang kanyang ginagawa. Papasok ng nakasuot ng earphones tapos ilalabas ang kanyang iPad kapag magsisimula na ang klase at guguhit ng kung anu-anong subject.

Ako? Audience niya. Minsan nakatitig sa mukha niya na focus na focus sa ginagawa pero madalas ay sa kanyang mga kamay na paiba-iba ang kolorete ng mga kuko bawat meeting. Kabarkada nga 'to ng pinsan kong sirena.

Hindi kami nakakaabala sa klase kaya hindi natatawag ang aming pansin ng instructor. At isa pa, iyong mga kaklase namin ay laging may baon na sangkatutak na tanong. Literal na kulang ang oras para sa klase na 'to. Try kaya nilang gumamit ng Google Translate minsan.

"Magkano ang binayad sa'yo para sa painting ko?" pabulong na tanong ko sa kanya nang hindi na makatiis.

Alam kong narinig niya ako dahil tumigil siya sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa akin. Mga two seconds lang. Kasi mas maganda iyong digital art niya kaysa sa mukha ko kaya mabilis din niyang ibinalik doon ang kanyang atensyon.

I'm not offended at all.

"I usually charge ₱1.5M for that kind of art..." sagot niya habang nakatitig sa kanyang stencil. "...but I did yours for free."

"What?!" pabulong na bulalas ko.

Nakakainsulto naman. Wala bang halaga iyong hubad kong katawan? My body is a work of art no!

Muli siyang tumingin sa akin at pinasadahan ang aking katawan ng mapanuri niyang titig bago nagkibit-balikat. "Your body is too generic. I could have drawn you with my eyes closed. Nothing out of the ordinary, to be honest."

Wow. Unbelievable. Para na rin niyang sinabing I'm too basic and dull.

"Ibenta mo na lang sa'kin. Bibilhin ko ng tatlong milyon," naiinis na saad ko sa kanya kahit sa totoo lang ay hindi ako willing maglabas ng kahit na bente pesos.

Pareho sila ng babaeng iyon. They don't have the eyes for art!

"I can't do that, but I can show you the photo of the finished art," mahinang sagot niya bago may hinanap na file sa kanyang drawing pad. "Here."

Kumunot ang noo ko nang makita ang kanyang painting. She's really good pero ganyan ba talaga ang hitsura ko noon? Mukha akong erm... sabik at nang-aakit?

"Tsk. Parang hindi naman ganyan ang facial expression ko," tanggi ko bago inurong ulit sa kanya ang gamit niya.

"That's exactly how you looked like during our first hour. You were eye fucking me. Creep," kaswal lang na saad niya.

"E-Excuse me?" nakaawang ang bibig na untag ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng isang mapanghamong kilay.

"Hindi kaya. Imagination mo lang iyon," mariing tanggi ko bago umiwas ng tingin sa kanya.

Hindi naman talaga ah. Nanibago lang ako sa ayos niya at na-appreciate ko lang na hindi siya mukhang maghuhubad noong araw na 'yon. Unlike her, I know how to appreciate women. It's a good trait, not a creepy one.

"Whatever makes you sleep at night," kibit-balikat na saad niya bago bumalik sa kanyang ginagawa.

Ilang segundo lang ay tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang aming klase. Tahimik lang siyang nagliligpit ng kanyang gamit habang ako ay nag-iinat. Wala naman akong nilalabas sa subject na ito. Iyong bag ko nga ay nakapatong lang sa aking mesa, ready kapag kailangan kong matulog na siyang hindi naman nangyayari dahil... basta.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon