Kaia's POV
Livv's morning sickness was a nightmare. Halos araw-araw siyang naduduwal kapag nakakaamoy ng pagkain. Nag-aalala na ako dahil halos wala ng pumapasok na sustansya sa kanyang katawan. Akala ko iyong morning sickness ay sa umaga lang umaatake pero wala palang pinipiling oras.
Lunch time na at kakatapos ko lang buksan ang mga pagkaing inorder ko mula sa restaurant ng Mommy Sky niya nang bigla na lang siyang tumayo at kumaripas ng takbo papunta sa kanyang private restroom dito sa loob ng kanyang opisina. Agad naman akong sumunod para alalayan siya. I held her hair para makasuka siya nang maayos. I tried comforting her by soothing her back.
"I'm sorry," nanghihinang hingi niya ng paumanhin habang nakahawak sa edge ng sink countertop ang dalawang kamay.
"It's okay. Mag-oorder na lang ako ng ibang pagkain," malumanay na saad ko sa kanya bago kumuha ng tissue para punasan ang kanyang bibig.
Kapagkuwan ay bigla niya akong hinawakan sa kamay para tabigin ito dahil muli na naman siyang sumuka.
Pumunta na kami sa kanyang doktor noong nakaraang araw dahil nag-aalala na talaga ako sa kanya. Ang sabi ng doktor ay normal lang daw ang nararanasan ni Livv. Kung susuwertehen kami ay sa unang tatlong buwan lang niya 'to mararanasan. Kung mamalasin ay baka abutin hanggang sa ika-siyam na buwan.
This is the proper time sana para humingi ng advice sa mga magulang niya pero ayaw ni Livv na ipaalam muna sa kanila kaya nirespeto ko na lang. Hindi rin ako pwedeng magtanong kay Mommy kasi paniguradong makararating kay Engineer Kiera ang balita.
Nang sa tingin ko ay tapos na siyang sumuka ay kumuha ako ulit ng malinis na tissue. Nagmumumog na siya ng tubig.
"Do you feel better now?" tanong ko sa kanya habang inaabot ang tissue.
Huminga siya nang malalim bago tumango, "Can you hand me the towel instead?"
Agad kong kinuha ang hand towel na nasa kabila at inabot iyon sa kanya. "Gusto mo bang magpaluto ako kay Chef ng oatmeal? Pwede ring sandwich kasi wala namang amoy iyon. If you want, fruits na lang?"
Natigilan siya sandali bago nag-isip, "I want persimmon and choco chili gelato with black coffee."
That sounds easy to find. Napangiti ako. Akala ko kumplikado na ang hihingin niyang pagkain. I've been reading a few books about pregnancy. Iyong isang nabasa ko ay may mga testimonials ng mga first time mommies. Doon ko nalaman na hindi pala pare-pareho ang nararanasan ng lahat. Meron pa ngang iba na weird combination ng pagkain ang pinaglilihian.
I'm expecting worse for Livv. Kasi kahit nga hindi buntis ay mahilig ng magmaldita, ano na lang ngayon na mahirap tantyahin ang kanyang hormones? Huwag lang siyang humingi ng kulay blue na biik tapos iyon ang gusto niyang katabi sa kama. O kaya naman ay magpahanap siya ng durian na lasang mangga. Nabanggit kasi ni Taylor na ganun daw iyong hinanap ni Tita Sky noon. Sana hindi namana ni Livv.
Erase. Erase. Erase. Huwag tayong mag-isip ng bangungot.
"Just to be clear that's three different food, right? You want persimmon, choco chili-flavored ice cream, and black coffee. Separate food and not mixed as one thing?" paglilinaw ko na sinagot niya ng pagkunot ng kanyang noo.
"No, it's choco chili gelato, not ice cream," pagtatama niya sa akin.
"Choco chili gelato, not ice cream, tapos persimmon and lastly, black coffee. Iyon lang?" pag-uulit ko.
Baka mamaya ay may nakakalimutan pa siya. Mahirap magpabalik-balik lalo na't pwedeng matunaw iyong isa tapos pwede namang lumamig ang kape.
"Yes, I only want those," pagkumpirma niya.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...