Kaia's POV
I've been trying to know she-who-must-not-be-named's whereabouts for some time now at wala ni isa sa mga pinagtanungan ko ang may alam kung saan ba nagsususuot ang babae na iyon. I asked Ate Kaela and Mommy pero kahit silang dalawa ay hindi sigurado sa exact location ng magaling kong kapatid. Ang alam ni Mommy ay nasa Europe tapos ang alam naman ni Ate Kaela ay nasa Switzerland.
Oh, paano ko ngayon iyon hahagilapin? God! Ang sarap niyang itali sa poste para tumigil na sa kakagala.
Napabuntong-hininga ako matapos basahin ang report ng private investigator na binayaran ko para hanapin ang kapatid kong iyon. Isang linggo na ang dumaan ay wala pa rin siyang makuhang matinong impormasyon. Isang linggo na rin akong hindi umuuwi sa bahay at dito lang kami sa opisina nagkikita ni Livv na mas lumamig pa sa halo-halo ang pakikitungo sa akin.
Ayoko ngang bumalik sa bahay niya!
May kailangan muna akong malaman dahil malakas ang kutob ko na tama ang hinala ko. Muli akong napabuntong-hininga at napasapo sa aking noo. Sakto namang dumaan si Livv na mukhang lalabas.
Shit!
May inspection pala kami ngayon. Friday na Friday pero gusto niyang sumama sa inspection ng project nina Boss Gen. Isa iyong childcare center at nasa 50% pa lang ang percentage of completion. Kung tutuusin ay hindi naman na siya kailangang pumunta doon.
Alam ko na may inspection ngayon kaya nakasuot ako ng sneakers, pants at itim na collared polo shirt. Iyong boss namin? Ayun, ready na dumiretso sa bar after ng work. Walang dress down Friday sa kanya kasi araw-araw ay mukhang may important meeting na pupuntahan kung makaayos.
She's giving me the cold shoulder kaya ako ang nag-iinitiate lagi ng usapan namin.
"Pupunta na ba tayo sa inspection?" tanong ko habang pasimpleng sinusulyapan ang relo ko.
It's 2:14 p.m. pa lang. Mainit pa sa labas.
Tumango siya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang maglakad na lang sa tabi niya, with one meter distance. Ako ang pipindot ng elevator at ako rin ang magmamaneho papunta sa site.
Katulad ng dati ay naka airplane mode na naman siya sa byahe namin papunta sa site. Masaya ako na medyo naipit kami sa traffic kanina. At least pagdating namin sa site ay pasado alas tres na ng hapon. Isinuot ko muna ang dala kong sunglasses kasi iyong araw ay galit na galit at gustong manakit. Pagbaba ko ay agad na may lumapit sa akin na isang staff at nagbigay ng payong.
Mabuti naman at naabisuhan sila na kasama ko ang boss.
Aalalayan ko na sana siyang bumaba pero tiningnan lang niya ang aking nakalahad na kamay bago lumabas ng kotse at naglakad nang diretso papalayo.
Ugali talaga nito oh.
Lubak-lubak ang ground sa site kaya paniguradong mahihirapan siya sa suot niyang sapatos. Wala rin akong dala na extra sneakers. Mas malaki rin ang size ng paa ko kaya paniguradong mag-iinarte na naman siya kung iyong akin ang ipapasuot ko sa kanya.
Sinalubong kami ni Boss Gen at ni Charlotte na parehong may dalang white hard hat. Kinuha ko na iyong akin na ibinigay ni Charlotte at isinuot iyon.
"Ms. Livv, hard hat po for safety measures," alok ni Boss Gen sa hard hat pero si Livv ay nakatingin lang doon.
"Ako na dito, Boss Gen," pagkukusa ko bago kunin ang hard hat mula sa kanya.
Ibinigay ko na muna kay Charlotte ang dala kong payong bago ko lapitan ang boss ko na alam naman ng lahat na asawa ko.
Marahan ko siyang hinawakan sa dalawang braso na siyang ikinasimangot niya. Pinatalikod ko siya sa mga kasama namin. Alam ko na ang ugali ng babae na 'to. Baka kapag iirapan niya ako sa harap ng mga empleyado niya ay maging tensed pa sila. Takot na nga sa kanya kahit wala siyang gawin, ano na lang kung magtataray pa siya?
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...