Kaia's POV
I showed up sa family dinner nila kahapon. Nauna nga lang ako kaya nagtaka ang mga magulang niya. Nagdahilan na lang ako na humiwalay ako sa anak nila para mag-asikaso ng something matapos naming pumili ng furniture. Partly ay totoo naman ang sinabi ko. Ako naman talaga ang pumili ng tatlong straw sa mga binili niya. Pagkatapos nun ay sabay na kaming umuwi pero hindi na ako ang driver niya. Dala ko kasi ang kotse ko at umuwi ako sa condo ko.
"The villa is ready. You can start moving your things. That's where we are going to stay starting tonight," pinal na utos niya.
"Okay," malumanay na pagsang-ayon ko matapos ilapag ang kanyang ipinabiling kape.
Yeah, it's workday and I'm back to being her secretary. I'm at her beck and call. Kasama doon ang pagbili sa kape niya.
"Here are the reports with my remarks. Have them machine copied before sending them back to their respective preparer. Review your copy and take notes. You can use that as your guide in learning about how things are done here," utos niya ulit.
"Okay. Thank you," malumanay na saad ko matapos tumango.
Sorry, I had a nightmare kagabi that included her and that kupal guy na X-rated kaya I can't look her in the eyes nang matagal. Ako ang nahihiya kahit hindi naman ako ang pornstars sa panaginip ko. Kakatanong ko kasi ito kung sino ba ang lalaki na iyon sa buhay niya. Ayun, pati sa panaginip hinabol tuloy ako.
"Here's my card. Feel free to use it whenever you need to purchase anything for me. You can also charge your miscellaneous expenses to this card," saad niya ulit bago ilapag ang your-imagination-is-your-limit niyang credit card.
Buti naman. Akala ko ay ako na ang magbabayad ng lahat ng iuutos niya. Willing naman ako kaso huwag na pala. Naalala ko na naman ang panaginip, I mean, bangungot ko kagabi.
"Got it. Thanks," sagot ko ulit matapos kunin lahat ng reports na natapos niya. "Kung wala ka ng kailangan, I'll have these machine copied. I'll be back."
Umiling siya kaya tumalikod na ako para gawin ang utos niya. Nasa labas ang photocopier kaya kailangan ko pa itong buhatin papunta doon. Kung ako na ang nasa pwesto niya, bibili ako ng photocopier na exclusive sa akin para hindi ako maki-share sa iba pang secretary ng ibang executives.
Napangiti ako nang makita na walang tao sa machine. Mabilis lang naman 'to kasi ilalagay mo lang sa feeder ang documents at automatic na gagana. I know how to use this machine kasi kapag intern ka, puro walang kwentang bagay ang pinapagawa minsan.
May pamilyar na babae ang lumapit sa akin habang nagtatago sa likod ng folder ang mukha. Too late. Nakita ko na siya.
"Yes?" untag ko sa kanya kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak.
"Ahm, pwede bang ibigay mo 'to sa boss mo?" Mailap ang kanyang mga mata na parang nahihiya. Nakatabingi pa ang mukha niyang pilit itinatago sa kanyang buhok.
"Sure, Charlotte. Akin na. Isasabay ko na 'yan mamaya," sagot ko na ikinabigla niya.
"You remembered?" gulat na tanong niya bago muling napatakip ng mukha.
"Iyong pagiging lasing mo sa company party? Yup, I remember everything kasi hindi ako lasing. Dinala mo pa nga ako sa bathroom, 'di ba? Then, you did the nasty," panunukso ko sa kanya na may pagtaas-baba pa ng kilay.
"Oh, my God! I didn't do anything wrong to you!" depensa niya na napalakas pa ang boses.
Pulang-pula iyong mukha niya. Oh, this is fun. May makakausap na rin akong iba maliban sa boss ko na laging wala sa mood ang mga kilay.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...