Chapter 46: Katana

1.3K 46 2
                                    

Kaia's POV

Tatlong linggo na ang lumipas simula nung pumunta si Taylor dito sa penthouse para magwala. Tatlong linggo na rin kaming iniiwasan ni Taylor. Kahit pa pumupunta kami sa mansion nila para sumalo sa hapag ay lagi siyang walang kibo o kaya naman ay wala talaga sa hapag. Their parents never confronted us about the issue na siyang lubos kong ipinagtataka. Normal lang ang kanilang pakikitungo sa akin.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang marahang pagtawa ni Livv. Nasa living area kami - nagpipicnic. Sa halip na nasa sofa ay naglatag ako ng picnic mat sa harapan ng malaking smart TV na binili ko noong nakaraan. Gamit ang pera niya kasi siya naman ang nakabasag.

Her cravings for food got weirder as days went by. Ngayon ay gusto niya ng kakaning Pinoy pero dapat dilaw lahat. We have biko, puto, sapin-sapin, suman, kutsinta, palitaw at iba pa na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Masisiraan siguro ako ng bait kung hindi pa niya ipinaalam sa mga magulang niya na buntis siya. Thank God at chef si Tita Sky. Sa kanya ako humihingi ng tulong.

Kung hindi man ako nahirapan sa paghahanap ng pagkain, nahihirapan naman ako sa ginagawa niya. Kailangan ko kasing kagatan muna lahat ng pagkain bago niya kainin. Mas masarap daw kapag ganun. Don't ask me to explain her pregnant brain.

"Say, ah," tawag niya sa aking pansin habang nakataas ang hawak na dilaw na puto.

Gosh. Magkaka-diabetes na talaga ako nito.

Ibinukas ko na ang aking bibig at kumagat nang kaunti. Iiyak kasi yan kapag dadamihan ko ang bawas.

"It's cheese flavored," nakangiti saad niya sabay kain ng natira bago muling ituon ang pansin sa pinapanood.

Yeah, everything here is cheese flavored. Pare-pareho nga ang lasa ng kanyang kinakain. Nakakaumay pero bawal magreklamo.

"It tastes good," pagsang-ayon ko para wala ng away.

I nuzzle her bare shoulder. She smells so good. Livv always smells good. I can freely do this dahil nasa likuran niya ako. Nakasandal siya sa akin habang natatawa sa pinapanood niya. She's watching The Big Bang Theory. I don't get the jokes kaya hindi ako natutuwa, but Livv finds this show amusing. Either that or yung hormones na naman niya ang dahilan.

Ayokong magreklamo. Mas mabuti na 'to kaysa sa huling request niya. Nag marathon kami ng horror movies noong nakaraan. Ang ending ay inumaga na lang ay dilat pa rin ang mga mata ko habang siya ay parang wala lang at ang himbing ng tulog pagkatapos.

Niyakap ko siya nang mahigpit bago halikan ang kanyang ulo. Sana ganito na lang kami palagi. Natigil ako sa ginagawa nang tumunog ang aking company phone. It's a Sunday kaya walang pasok.

Sino ang may kailangan at hindi makahintay ng bukas?

Kumalas na ako mula sa pagkakayakap sa kanya para tingnan ang text na mukhang urgent pa ata.

"I need to check my phone," paalam ko kay Livv matapos siyang halikan sa pisngi. Sinagot niya lang ako ng tango kaya kumalas na ako mula sa pagkakayakap sa kanya.

Tumayo ako bago kunin sa coffee table ang aking company phone na katabi lang ng kay Livv. Dito talaga namin 'to madalas iwanan para hindi kami maabala. Nang makita ko kung sino ang sender ng message ay kumunot ang aking noo.

Ano na naman ang kailangan ng lalaking 'to?

Binuksan ko na ang mensahe.

From: Hanzama ng Mukha
This is Hanz.
We need to talk.
There's something you need to know.
Livv is not listening to me.
She's in danger. You both are.
I need your help please.
Please, meet me at this address today.
I don't have much time.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon