Chapter 14: Email

1.3K 53 0
                                    

Kaia's POV

Livv invited me dito sa hangout place nila. Iyong private den nila na laging may chef na nagluluto.

"Sammie, sigurado ka bang tama ang dinig mo sa sinabi ni Livv? Did she really invite me here?" mahinang tanong ko kay Sammie na nasa aking tabi.

Paano ba naman kasi iyong babaeng kaharap ko ay hindi man lang ina-acknowledge ang existence ko. Akala ko ba nagpapasalamat ito sa paghatid ko sa kanya noong nakaraan? Bakit ni tapunan ako ng tingin ay hindi nito magawa?

"Yes, why?" takang tanong ni Sammie bago sumulyap sa babaeng tinutukoy ko. 

Kanina ko pa napansin ang pananahimik niya. Iyong pagkain ay pinaglalaruan lang habang bored na bored na nakatitig doon.

"Nothing," sagot ko na lang at nagpatuloy sa pagkain.

"What?! They were really blocklisted?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Milana na ibinaba ang sushi na dapat sana ay kakainin niya.

Tumango naman si Renée.

"I expected them to be kicked out, but to be blocklisted? Isn't that too much? No school will accept them," pagpapatuloy ni Milana.

Tumingin na rin ako kay Renée na nagkibit-balikat lang, "That's a light penalty considering what they did and what they attempted to do." Sumulyap siya kay Livv na ngayon ay nakatingin na lang sa kanyang chopsticks.

Isang school day pa lang ang lumipas ay may desisyon na agad ang school administration tungkol sa nangyari noong nakaraang gabi.

"The incident was bad for the school rep, Milana. You can't expect the higher ups to just let it go and cross their fingers that the same thing will not happen again," paliwanag ni Renée sa kalmadong tinig.

Sa kanilang apat siya yung cool ang aura pero cold din talaga ang ugali. Buti na lang ay maganda ang mukha at katawan. May karapatang magmaldita. 

Magsasalita pa sana si Milana pero agad rin itong natigilan nang marinig namin ang tunog ng nabaling kahoy. Kaharap ko lang iyong pinanggalingan ng ingay kaya madali kong nahuli ang kanyang galit na mga mata na nakatitig sa screen ng kanyang phone. Sunud-sunod rin ang pagtunog ng notification sa kanilang phone kaya kanya-kanya sila ng kuha ng gadget. 

"You gotta be kidding me!" bulalas ni Milana habang nakatitig sa screen ng kanyang phone.

Si Renée ay nakakunot ang noo habang nagbabasa kaya napatingin na rin ako kay Sammie na parang pinagsakluban din ng langit at lupa dahil bagsak din ang kanyang mga balikat.

"They can't do this to us, can they? I mean, we were the sponsors for the open bar, but we absolutely did not want what happened. Why are they punishing us? If anything, they should be blaming their security personnel. They are so hearing from my lawyers," frustrated na saad ni Milana.

Napabuntong-hininga naman si Renée na mukhang binasa lahat ng laman ng kung anuman ang natanggap nila.

"You can't do that, Milana," kalmadong saad ni Renée matapos ilapag ang kanyang phone. Kumuha siya ng tubig at uminom.

"The hell I can't, Renée! I'm calling my lawyers now," protesta ni Milana na nagmamadaling nagdial ng numero.

Well, mukhang di talaga papipigil sa galit itong isa.

"Because we signed up for it and it's part of our subject's requirements," kalmadong paliwanag ni Renée bago kunin ang kanyang chopsticks at kumain ulit.

"I did not sign up for this shit, Renée," pagmamatigas ni Milana.

"The email is from Social Awareness and Community Service Involvement office. Remember our Corporate Social Responsibility class?" sagot ni Renée na sinang-ayunan ni Sammie ng tango.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon