Chapter 22: Bestfriends

1.2K 52 7
                                    

Kaia's POV

Iyong hindi pamilyar na interior ng kwarto ang bumungad sa akin matapos kong imulat ang aking mga mata. Sinubukan kong alalahanin kung ano ang nangyari at paano ako napadpad sa lugar na ito.

Ah, yes. Livv's party.

Tumingin ako sa paligid. Iyong liwanag na nagmumula sa siwang ng kurtina kung saan nakabukas ang bintana ang nagsisilbing ilaw sa kwartong ito.

Umaga na.

I tried to move para sana bumangon pero natigilan ako nang may makapa ang aking palad na malambot at mainit.

Did I have another one-night stand with a stranger? That's strange dahil wala akong maalala na ganoong pangyayari.

Tiningnan ko ang katabi kong babae pero iyong magulo niyang buhok ang sumalubong sa akin. Dahan-dahan kong hinawi ang kanyang buhok para makita ang kanyang mukha. She was still in deep slumber. Umurong siya at mas lalo pang isiniksik ang kanyang katawan sa akin.

Doon na ako nanigas at hindi makagalaw. Underneath the sheets, I can feel her warm body pressed against mine.

Fuck.

I have so many questions. Number one, bakit siya walang saplot sa katawan? I didn't have to look because I can freaking feel it. Number two, bakit underwear lang ang suot ko? Well, that was a given because I usually sleep with only my undies on pero bakit? Bakit hindi ako nagdamit kung may kasama ako? Number three, I remembered sleeping in the guest room. So, paano ako napadpad dito sa kwarto niya?

Naalala ko na dito ko siya dinala kasi nakainom na rin ako. Malayo ang bahay na pinagdalhan ko sa kanya noon sa venue ng party. Tapos missing in action pa si Taylor na hindi ko alam kung saan nagsuot. Sammie was brought home by her bodyguard. Ganoon rin si Milana at Renée na may sinampal pang lalaki na sumubok tulungan siya. They were drunk as fuck. I had no choice but to bring Livv home kasi ako naman ang kasama niya kagabi. This was the address that she gave me. A two-bedroom condo unit.

And I swear to fucking God that I can't remember taking advantage of the situation. I didn't touch her. Tinanggal ko lang iyong suot niya kasi nasukahan na niya. I left her with her underwear on bago siya ihiga sa kama. So, papaano-

"Surprise! Happy birthday, Tiffy! I'm so-"

Nagulat ako sa narinig kong sigaw na nagmumula sa pintuan. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon na pinagmulan ng boses para lang matigilan. Sabay pa kaming nagulat nang magtama ang aming mga paningin.

Kung ako ay parang binuhusan ng malamig na tubig na may kasamang dinikdik na sili, siya naman ay parang tumigil sa paghinga. I saw how her shocked expression turned into a frown before her eyes started to glisten with unshed tears.

"Kaia, what-" hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin dahil parang hindi pa nagsisink sa kanya ang nakikita niya. More like, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

Dahil sa pagkabigla ay mabilis kong inilayo ang aking katawan mula kay Livv at tumayo. I didn't care kung wala na akong saplot sa katawan because this woman before me had already seen me naked countless times.

"Madi, it's not what you think," kalmado at mahinahon kong saad sa kanya bago dahan-dahang lalapitan na sana siya pero umatras siya.

"D-Don't," nanginginig na pigil niya sa akin habang nakataas ang kamay para pigilan akong huwag lumapit sa kanya. Her word was barely audible.

Iyong maliit na cake na dala niya ay nabitawan na niya.

Nandito siya para kay Livv. Magkakilala sila. Pero hindi iyon ang importante. Kailangan kong magpaliwanag bago pa ito mauwi sa hindi pagkakaunawaan.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon