Chapter 33: Expectations

863 49 0
                                    

Kaia's POV

"Kaia, boss mo yun, di ba?" untag sa akin ni Charlotte na nakatago ang mukha sa menu. Iyong mata lang niya ang nakikita ko. "Huwag kang lilingon, mahahalata ka. Gamitin mo ang camera ng phone mo. Kunwari gandang-ganda ka lang sa sarili mo."

Kumain kami sa labas kasi gusto ko ng change of environment. Sobrang lungkot naman kung pati lunch time ay sa office ko gugugulin. 10-minute ride lang naman itong resto mula sa office.

Ginawa ko ang suggestion niya at kinuha ko ang phone ko para buksan ang front camera. Nakatalikod sa amin si Livv pero sure ako na siya 'yan. Yung posture nya pa lang ay alam ko na siya talaga 'yan. Tiningnan ko iyong ka lunch date niya na lalaki. Kaya ng phone kong mag zoom para kahit buhok sa ilong nitong lalaki ay makita ko.

Tsk. Siya na naman. Iyong kupal na lalaki na naman ang kasama niya.

Hindi ko matagalan ang kapangitan ng kanyang mukha kaya itinigil ko na ang ginagawa ko. "Bakit ka nagtatago eh nakatalikod naman?"

"Baka mamaya lilingon tapos makita ako," depensa niya bago hawiin ang kanyang buhok para takpan ang kanyang pisngi.

"Eh ano naman ngayon kung makita ka niya? Bakit bawal bang lumabas kahit lunch break? At isa pa, hindi 'yan lilingon ng 180 degrees. Ibaba mo na nga 'yan. Mas mukha kang suspicious sa pinaggagawa mo," saway ko sa kanya.

Tumigil na siya sa pagtatago at tumawag na ng server. Pinauna ko na siyang mag-order.

"Iyon lang ang kakainin mo? Sure ka ba? Soup at water?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Kahit iyong server ay natawa.

"Nakakahiyang mag-order ng mahal kapag libre," nakayukong saad niya na kulang na lang ay magtago sa ilalim ng mesa.

"Sus! Nahiya ka pa pagkatapos ng nangyari sa atin sa bath-" hindi pa ako tapos magsalita ay binato na niya ako ng table napkin.

"Tumigil ka nga. Baka kung ano ang isipin ng ibang makakarinig sa'yo. Walang nangyari sa'tin," mahina pero mariing saad niya.

Namumula na naman iyong pisngi niya.

"Meron kaya," panggagago ko kasi ang sarap niyang tirisin. I mean, inisin.

"Huwag kang makinig dyan, Sir. Ito mga order ko. Ilista mo lahat," tawag niya sa pansin ng server na tumango lang habang nagpipigil ng tawa.

At dahil nainis siya ay ayun, halos orderin na lahat ng nasa menu.

"Sure kang wala ka ng nakalimutan?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Sir, magkano iyong buong restaurant ninyo?" tanong niya sa server habang nakangiti nang matamis. "Bibilhin rin niya."

"Hindi ko po alam, Ma'am. Waiter lang po ako dito," sagot ng server na napakamot pa sa kanyang kilay gamit ang hawak na ballpen. "Pwede ko pong itanong kay Ma'am Livv, iyong isa sa mga nagma-manage nitong restaurant. Nandito po siya ngayon."

Buhat sa narinig ay biglang nanlaki ang mga mata ni Charlotte at nagtago ulit sa likod ng menu. "Nagbibiro lang ako, Sir. Kayo naman. Chill lang tayo dapat. Sige na, kunin na ninyo ang order nitong kasama ko."

Napailing na lang ako. Sa akin na ibinaling ng waiter ang kanyang atensyon kaya ibinigay ko na ang aking order.

"Your order will be ready in fifteen minutes, Ma'am," saad ng waiter bago kami iwanan.

I made a reservation kanina kasi akala ko ay magkasama kami ni Livv na kakain. It turned out, may date pala ang lola niyo.

Eh di sana all priority kahit oras ng trabaho.

"Pinsan niya ba 'yan? Bakit ang touchy naman? May pahawak-hawak pa ng kamay," komento ni Charlotte habang umiinom ng wine na napili ko.

"Hayaan mo na sila. Baka mamaya mapansin ka pa niyan na nakatitig sa kanila," saway ko sa kanya bago kumuha ng complimentary bread mula sa mesa.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon