Chapter 42: Her Narrative

1.4K 64 3
                                    

Kaia's POV

After two days, Kai finally sent me a text message from an unknown number. Sigurado naman akong siya 'yun kasi may ibinigay siyang address. May ipinadala rin siyang mga larawan. Sa sampung photos na ipinadala niya, isa lang doon ang location. Iyong iba ay puro pagmumukha na niya. 

Narcissist. 

The location is just a half an hour drive. This is a vacation home na sa tingin ko ay nirentahan lang niya. Papalapit na ako sa pasukan. 

Una kong napansin ang mga CCTV na naka-install. Pagtapat ko pa lang sa gate ay agad na bumukas ito. Pumasok ako at natanaw ang magandang landscape. May isang villa na nakatayo malapit sa lawa. Kahit na malayo pa ako ay natatanaw ko na siyang nakaupo sa may dock habang may hawak na fishing rod.

She's really weird. Pati hobbies niya ay weird.

Itinigil ko na ang sasakyan bago bumaba. Bago ko siya mapuntahan ay kailangan ko munang dumaan sa loob ng bahay. Automatic na nagbukas ang pintuan nang tumapat ako. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko kung hindi ang malaking portrait na nakasabit sa kanyang dingding.

Ito iyong nude portrait ko na iginuhit ni Livv noong nasa university pa kami. Nakita ko rin sa baba noon ang isang fencing sword na may nakalagay na petsa at maikling description. 

"Loser's Nightmare," mahinang basa ko sa nakasulat.

Tsk. Sabi ko na nga ba at hindi pamilyar ang galaw at estilo ng nakalaban ko noon eh. Siya lang pala 'yun. Ngayon ko lang nalaman na naglalaro rin pala siya ng fencing. Paano kaya siya nakapasok sa campus noon? Gusto kong tampalin ang aking noo. Siyempre magkahawig kami kaya malamang ay napagkamalan siyang ako. 

Naglakad na ako papunta sa kinaroroonan niya. Hindi man lang ako nilingon at patuloy pa rin sa pagmamasid sa malawak na lawa habang hawak ang kanyang fishing rod.

Ako na lang ang nagsimulang makipag-usap tutal ako rin naman ang may kailangan sa kanya.

"Do you want my signature on your portrait?" tanong ko na may halong pang-uuyam. "I didn't know you were a fan back then."

"You can use the empty seat beside me. There are beers in the cooler box," mahinahong saad niya nang hindi man lang ako sinusulyapan.

Problema nito?

Bumuntong-hininga na lang ako bago umupo sa kabilang foldable chair. Nasa gitna namin ang cooler box. Umiinom siya ng beer base sa dami ng bote na nasa baba.

"No, thanks. I need to drive home in one piece," tanggi ko sa kanyang alok bago dumikwatro at tumingin sa tanawing nasa harapan namin.

This place is perfect for an R&R. 

"There are also softdrinks in there. The caretaker is currently out to do some errands, so I can't offer you anything to eat," saad niya habang ang atensyon ay nasa harapan pa rin.

Himala ata na mabait ito ngayon.

Binuksan ko na ang cooler at marami ngang softdrinks. Dalawa na lang din ang beer. Kumuha na lang ako ng diet Coke na sobrang lamig.

"I had to check on you to make sure that your doctors were not trying to make you a quadriplegic," sagot niya na ikinatigil ko sa pagbukas ng softdrinks. "Knowing how much you love that silly sport, you would probably kill yourself if you became disabled."

"I didn't know that you cared," I scoffed at her bago tuluyang buksan ang Coke at uminom.

I also didn't know na napadpad siya sa Pilipinas noong mga panahon na iyon. If you are wondering about my career in fencing, hindi na ako bumalik sa paglalaro. I focused on my studies na lang. Kapag kasi naglaro ako, malalaman ng mga tao kung nasaan ako. Iwas na iwas ako sa atensyon ng media para magkaroon ng peace of mind.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon