Kaia's POV
Halos manlumo ako nang maratnan ang kalagayan ng aking sasakyan dito sa parking area ng school.
My car is totaled.
Walang hangin iyong mga gulong. Basag ang mga bintana. Puno ng gasgas ang katawan ng kotse at higit sa lahat ay may malaking nakasulat na mga salita gamit ang red spray paint.
MAGNANAKAW!
NEPO BITCH!
SLUT!
LOSER!
BITCH!
LESBO!
DYKE!
Tumingin ako sa mga CCTV pero lahat ng mga iyon ay basag rin. Mahirap malaman kung sino ang may kagagawan nito. Ang nakakapagtataka ay marami pang mga sasakyan ang nandito. Marami ring estudyante ang nasa paligid ko. Iyong iba ay nakataas pa ang kanilang mga phone. Hindi ko alam kung kinukunan ba nila ng video at litrato ang aking reaksyon o ang aking kotse. This is definitely not a friendly prank.
This is too much.
Mabilis akong tumalikod at naglakad paalis. Ayoko ng ipahiya pa nang tuluyan ang aking sarili. All I know right now ay kailangan kong umalis sa campus. Kailangan kong makalayo rito. Ang bilis ng heartbeat ko na parang anumang oras ay gusto ng sumabog. Pakiramdam ko ay nag-iinit na rin ang buong mukha ko.
Galit. Poot.
Iyan lamang ang nasa utak ko sa mga sandaling ito. Kung hindi ako aalis ay baka masayang lang ang lahat ng ginawa kong pagtitimpi. Sa oras na may sinumang susubok na mangharass sa akin ngayon ay siguradong hindi maganda ang kalalabasan. I'm too mad right now na kaya kong pumatay ng putangina na bully.
Mommy can't afford to have a murderer daughter to worry about. I won't do that to her.
Tangina. Saktong umuulan pa talaga. Kung minamalas ka nga naman.
I pulled my hoodie up bago lakad-takbo na tinungo ang exit ng university. I couldn't give a damn kahit mabasa pa ako. Basta ang importante ay makalabas ako sa impyerno na 'to.
After less than ten minutes of walking outside ay basang-basa na ako. Wala talagang magpapasakay sa akin sa ganitong hitsura ko. My condo is a freaking thirty-minute walk from here dahil may mga sinaradong daan ngayon.
Binagalan ko na ang paglalakad ko dahil nakalayo na ako mula sa school. May bagyo pa ata kasi kumukulog tapos ang lakas pa ng ihip ng hangin. I can't believe na ang masamang panahon pa ang magpapakalma sa akin.
Pathetic. My life is pathetic.
I just continued walking kahit na may napapansin akong mga napapatingin sa aking direksyon. May mga nakasakay sa motorcycle na tao. Tsk. Pareho lang naman kami ng sitwasyon kaya wala silang karapatan na kaawaan ako. Basang-basa rin naman sila eh.
Ini-enjoy ko na lang ang paglalakad ko sa ilalim ng napakalakas na ulan. No one will recognize me kasi iyong visibility sa daan ay mababa na. Napayakap na rin ako sa aking sarili kasi nagsisimula ng manuot sa aking buto ang lamig.
Napapitlag ako nang may bumusina mula sa aking likuran. Tumabi pa ako kahit na nasa sidewalk naman ako. Malabong masagasan ako dito kasi elevated ang platform na 'to.
Siraulo talaga ang driver na 'to. Tsk.
Muli na namang bumusina kaya napalingon na ako. Tumigil ako sa paglalakad kaya naman ay tumigil din ito sa pagmamaneho. Isang itim na SUV na hindi pamilyar sa akin ang bumukas ang bintana. Nagulat ako nang makita kung sino ang mag-isa sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...