Chapter 30: Legal Tie

1.4K 66 8
                                    

Kaia's POV

Her proposition might have sounded absurd, but it was too tempting for me to decline. I wouldn't say that I didn't have a choice because I did have one. I actually had excellent options laid before me. Kaya pinili ko kung ano sa tingin ko ang makabubuti para sa akin. It was a win-win for me.

After two years, I will get back my mother's company. This goes without saying that once it becomes profitable under my management, I will have to return everything that this woman had paid. She doesn't need to know that now. Kahit sinabi niya na she will give me the company for free, still my ego won't allow that to happen.

Wala siyang sinabi kung kailan niya gustong magka-anak. I guess that I just need to wait for her na mag-aya na magka baby kami. That really sounded so wrong. Well, everything about this set-up is wrong.

Simulan natin sa kasal namin kahapon sa harap ng judge. We just literally answered some questions and signed papers tapos umalis na kami. Buti nga naisipan ko pang bumili ng wedding rings at the very last minute. The price hurt my pocket a lot. Mga isang araw ko ring tinitigan iyong dalawang singsing. Kung pwede lang sana na iba yung kukunin kong design ng akin ay ginawa ko na. I sold all my cars at nagtira lang ng dalawa. Pero gumastos naman ako ng pagkalaki-laki sa wedding rings.

I glanced at the woman seated beside me. Diretso lang ang tingin niya sa labas. Kasya pa ang isang tao sa pagitan namin. We are in her car at sa pagkakataong ito ay may driver na. Why? Because we are attending a small party hosted by her family to celebrate her success in acquiring my mother's company.

Kanina pa 'yan tahimik at kahit ni isang salita ay walang sinabi matapos niyang mag thank you sa ibinigay kong singsing. Sa halip na 'I do' ay 'thank you' ang natanggap ko. Pesteng buhay 'to.

When I was a child, I didn't dream to be a Disney Princess pero hindi ko naman pinangarap na magkaroon ng madaliang kasal. Shotgun wedding kahit hindi nakabuntis. Panigurado na itong katabi ko ay may dream wedding rin na kailangang pagkagastusan ng milyones. I couldn't give her the luxurious wedding that she deserves kaya bumawi na lang ako sa singsing. Kahit doon na lang sana. Baka hindi niya pa suotin kasi ikahihiya niya ang pagiging cheap kung dyan lang ako sa tabi-tabi bumili. I owe her for helping me, kahit na ang weird ng hinihingi niyang kapalit. The least that I can do is to give her a decent wedding ring.

Ngayon ang problema ko ay kung paano ko haharapin ang buong angkan niya. Wala man lang pamamanhikan na naganap dahil kahit sarili kong pamilya ay hindi ito alam. Walang engagement party. Diretso kasal na agad. Huwag lang sana niyang hingin na bukas ay magsisimula na kami sa pagpunta sa doktor para sa kanyang hinihinging anak.

I'm not expecting them to accept this news right away with open heart. Inihanda ko na rin ang aking katawan kung sakaling kailangang sumalo ng bugbog. Gosh. Babae pa rin ako. They should at least consider slapping my face na lang.

This is going to be a long night for me.

Tumigil na ang aming sasakyan sa kanilang bahay. Iyong puso ko ay dumoble ang pagtibok. Hindi ito kilig, takot ito. Takot para sa aking buhay. Iyong armpits ko parang gusto pa atang magpawis. Being seen as a dugyot isn't really great for a first impression.

I'm wearing a suit specifically tailored for me. Wala lang. Mahilig lang talaga akong magpakita ng kabag. Bakit ba? At saka, advantage 'to kung sakaling ipapakuyog ako ng grandparents niya sa mga tauhan nila. I can defend myself well.

Nauna akong bumaba para maalalayan siyang lumabas. Doon ko lang narealize na hindi intimate ang celebration. Ang daming sasakyan na nakapark.

Shit.

Inilahad ko ang aking kamay na siyang tinanggap niya. She looked so calm nang maglakad na kami papasok. Maganda siya sa suot niyang nakasisilaw na pulang gown na may slit na aabot na sa waist niya. Maputi si Livv kaya bagay sa kanya ang kulay. Iyong buhok niya ay nakalugay lang. As usual ay sobrang taas na naman ng suot niyang sapatos. Sana sinabihan na lang niya ako na bawasan ang height ng heels ng shoes ko. Willing naman akong mag-adjust para hindi ganito kataas lagi ang suot niya. Iyong diamonds na suot niya ay sakto lang para bilhin ang buong pagkatao ko.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon