Kaia's POV
Wala sa sariling nagtitipa ako ng chords habang pinagmamasdan ang pinsan kong sirena na lumulusong sa tubig. Nasa gilid ako ng pool habang hinihintay siyang umahon.
"Kailan mo bibitawan 'yang pangarap mong maging isda?" panunukso ko sa kanya nang tumigil siya sa paglangoy at humawak sa gilid ng pool.
Ngumiti lang siya sa akin at umiling. She's literally wearing a mermaid's tail habang parang uod na lumalangoy sa tubig.
"How's your shoulder?" tanong niya matapos uminom sa juice na dinala ko dito.
Iyong kasambahay ang gumawa. Ako lang ang nagpresintang magdala dahil nababagot ako sa kwarto ko. Linggo ngayon at wala naman akong dapat na tapusing plates. Bawal rin munang magpractice. Bawal ring uminom dahil may mga gamot na ibinigay si Doc.
"Medyo okay na. Hindi na sumasakit," sagot ko sa kanya. Kumuha ako ng pagkain niya at kumagat pero agad ko rin iyong iniluwa. "What the hell is this?!"
"Vegan burger," nakangiting saad niya bago kunin ang kinagatan kong sandwich.
"Tigilan mo ang pagpapanggap. That tastes like crap," komento ko at uminom na lang sa kanyang juice.
Packing tape.
Iniluwa ko rin iyon dahil ang sama ng lasa.
"Anong klaseng lason yan?!" gulantang na tanong ko sa kanya.
"Tomato and ampalaya shake," simpleng sagot niya pero sukang-suka na ako.
Kulang na lang ay uminom ako ng tubig kung saan siya nagtatampisaw ngayon. Buti na lang at inabutan niya ako ng drinking water.
Good gracious! Ano ba itong pinsan ko? Kung anu-anong unknown na recipe ang kinokunsumo.
"Tigil-tigilan mo na 'yang pagda-diet mo, Sammie. Maganda ka naman at maganda rin ang katawan mo kaya pwede ba, kumain ka nga ng normal. Baka isipin nina Tita at Tito na hindi ka namin pinapakain nang maayos dito," reklamo ko sa kanya.
Ewan ko ba dito sa babaeng ito. Mukhang conscious na conscious sa figure niya, eh hindi naman tabain.
"You're just saying that because you're my cousin," nakasimangot na depensa niya.
"Hindi no! Kahit tanungin mo pa iyong lalaking may-ari ng pagawaan ng toothpaste," pagsalungat ko sa kanyang sinabi.
Kumunot ang kanyang noo sa narinig, "Who?"
Tsk. Mahina talaga ang baby giant na iyon. Mukhang wala pang ginagawang move dito sa pinsan ko.
"Wala. Ang sabi ko ay kumain ka nang tama at huwag ka ng magdiet. Baka kapag nasobrahan ka sa diet ay biglang mawala ang huling litra," pag-iiba ko ng usapan.
Ayoko ngang ilakad ang Taylor na iyon dito kay Sammie. Swerte naman niya.
"Why are you so mean? Just because you don't gain weight even if you eat too much doesn't mean everyone has the same metabolism as you," himutok niya habang kumakain pa rin ng lason niyang tinapay.
"Sino ba ang nagsabing mataba ka? Iyong tatlong bibe na palagi mong kasama?" tanong ko sa kanya at mukhang kilala niya kung sino ang tinutukoy ko dahil may paninita ang kanyang titig.
"No. I just don't want to get fat. Have you seen the news? Obesity is one of the common problems in the US right now," depensa niya pa.
"Oh, tapos? Nasa Amerika ba tayo?" Wala talagang kwenta ang mga rason niya minsan kaya ngayon ay hindi na siya makasagot. "Tsk. Tigilan mo 'yan, Sammie. Sasabihan ko ang mga kasambahay na bawal ka ng ipagluto ng lason mo. Palagi ka namang nag-eexercise at hindi ka naman malakas kumain kaya hindi ka tataba."
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...