Kaia's POV
Three weeks into the second semester pero iyong pagod ko pang tatlong taon na. Parang nag-usap kasi iyong mga professors namin na bigyan kami ng maraming plates at requirements. Tapos may iba pa kaming minor subjects na ayaw magpahuli kasi importante din daw sila. Minor na nga ang tawag pero kung magbigay ng assignments, akala mo magagamit namin sa trabaho.
Lulugo-lugo akong naglakad papunta sa aking sasakyan nang 'di sinasadyang may nakita akong dalawang tao. Hahayaan ko na sana kung hindi lang pamilyar iyong mukha ng lalaki na parang galit na galit at gusto ng manakit. Hindi ko nakikita ang kausap niya kasi nakaharang ang malaking poste ng parking area. Pero nakikita ko na mahigpit ang pagkakahawak niya doon sa kamay ng babae.
Tsk. Ito talagang Paul tite na 'to, ang daming alam sa buhay. Siya iyong professor namin sa Anthropology na binitawan ko.
Hindi na ako nagdalawang isip at nakialam na ako. Wala lang. Trip ko lang ngayong gabi na makialam sa mga bagay na wala namang kinalaman sa akin. Bakit ba?
Masyadong busy iyong Paul kaya hindi niya ako napansin na lumapit na pala sa kanya. Mahina ang pagsasalita niya kaya hindi ko masagap ang tsismis.
"Uy, Paul. Naligaw ka ata ng parking. Doon sa kabila ang-" natigilan ako nang makita kung sino ang babaeng hawak ni Paul sa kamay.
It was Livv.
Nag-iwas siya ng tingin nang makita ako. Ito ang unang pagkikita namin matapos ang nangyaring insidente isang buwan na ang nakalilipas. We stopped sharing the same class at hindi na rin ako sumasabay na makikain sa kanila. Iyong mga blockmates ko na ang kasabay ko recently kasi pati lunch time ay ginagamit namin para gumawa ng assignments.
Bumitaw si Paul bago ako harapin. Napangiwi ako nang makita ang peklat sa kanyang mukha. I didn't know na ganun pala kalala ang nangyari sa kanya. 'Yan ba yung gawa ko? Nasira ko ang pangit niyang mukha.
"Miss Carvajal," matapang na bati ni Paul sa akin bago ayusin ang dala niyang brown envelope na ngayon ko lang napansin.
Well, the surname is no news to Livv kaya hindi na ako natatakot. Lahat naman ng profs ay alam ang apelyido na 'yan pero mas kilala ako bilang Herrera dahil kinasusuklaman ko ang taong nagmamay-ari ng last name na 'yan.
"Mister Roderick Paul Latitih, what's up?" nakangising balik-bati ko na ikinadilim ng kanyang mukha.
Sumulyap ako sa paligid, wala akong nakikitang mga guard dito. 7 p.m. pa lang ah.
Akala ko ay susugurin na niya ako pagkatapos ng sinabi ko. Naglakad lang siya papunta sa aking tabi bago hawakan ang aking balikat at pisilin iyon nang may halong galit.
"You should show your professor some respect, Miss Carvajal," mahinang saad niya, sapat lang na marinig ko. "Hindi pa kita nasisingil sa ginawa mo sa akin. Be nice to me and who knows, I might just forget and forgive everything you've done."
I didn't bother to look at his ugly face dahil ang attention ko ay nandoon kay Livv na parang may pag-aalalang nakatingin sa kausap ko. No, scratch that. She looked like she was afraid of something na hindi ko alam.
"Respect begets respect, Paul. Don't expect me to sing praises of you when you keep harassing students," mahina pero madiing sagot ko sa kanya.
Tumawa siya nang malakas bago lumingon kay Livv, "Was I doing anything that you didn't like, Livv?"
Tumaas ang kilay ko sa narinig. Livv? First name basis. Ang kapal naman ng mukha.
Tiningnan ko si Livv na hindi man lang makatingin sa akin nang diretso.
"No," maikling sagot niya.
Parang lahat ata ng galit sa katawan ko ay biglang sumiklab. Suddenly, I wanted to punch someone's face. Is Livv doing the things that she did to me to this guy? Worse, is she doing this guy?
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...