Chapter 52: Freed

1.5K 59 3
                                    

Kaia's POV

Sa halip na tumunganga sa loob ng mansion nina Livv ay pinasimulan na namin ang pagpapatayo ng aming bahay. Iyong lupain ni Livv ang gagamitin pero ako ang gagastos sa pagpapagawa ng bahay. Nagpapasalamat na lang talaga ako at wala akong ginalaw sa trust fund ko kasi nakakahiya naman kung titipirin ko si Livv. Sanay na sanay pa naman iyon sa malawak na espasyo.

Dahil wala naman akong ginagawa ay ako na ang nagbabantay ng construction. Iyong design ay nagconsult ako kay Mommy. Hindi naman siya nagalit sa'kin kahit na medyo natagalan bago ko siya makausap ulit. Kinakausap pala siya nina Tita Sky at Engineer Kiera. Mas nauna pa nga niyang nalaman ang tungkol sa ginagawa ni Livv kaysa sa akin. Yup, Livv talked with my mother about everything nang hindi ko nalalaman. Kaya pala hindi nag-aalala si Mommy. Nakausap ko siya noong nasa Maldives kami. Nangangamusta lang siya at hindi naman nagalit.

Anway, back to our house construction. Palagi akong nakasuot ng face mask at sunglasses para hindi ako makilala. Kakasimula palang ng construction kaya wala pang masyadong natatapos. I wasn't joking noong sinabi ko na may sariling barangay sina Livv. Nalaman ko kasi na lahat silang magpipinsan ay may option na dito tumira. I think it's an excellent idea kasi maganda ang seguridad dito sa loob ng family village nila.

Malapit ng mag-isang buwan at ang balita sa akin ni Atty. Hya ay baka next week daw ilalabas ng korte ang hatol hinggil sa aking kaso. Panigurado naman daw na acquitted ako kaya hindi ako dapat mangamba. Tambak daw ang dami ng kaso sa judge kung saan na raffle ang kaso ko. Ah, basta. Wala na akong alam sa mga legal technicalities na 'yan. Hihintayin ko na lang ang update niya. 

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang maramdaman ang mahinang pagtapik sa aking balikat. Nang lumingon ako ay si Livv pala. Nakasuot pa siya ng pang-opisina. Yes, may bago siyang secretary at pumapasok na rin siya ulit sa trabaho. Kahit naman noong nasa Maldives kami ay lagi pa rin siyang nagtatrabaho. Ang kaibahan lang ngayon ay mukha na ulit siyang fresh.

"Hey," malambing na bati ko sa kanya kahit na nagtataka ako kung bakit nandito siya sa bahay.

Alas diyes pa lang ng umaga eh.

"I got something for you. Make a guess," nakangiting saad niya na halatang excited.

Wala naman siyang dala na kahit ano. Iyong mga bodyguard lang sa kanyang likuran na parang robot ang kasama niya. Isa sa mga kondisyon ko para payagan siyang magtrabaho ulit ay ang mga 'yan na dapat nakasunod sa kanya sa lahat ng oras.

"You sealed a deal today?" panghuhula ko.

"Nope. Make a better guess. Something not work-related," parang batang iling niya kaya iyong bangs niya ay sumayaw rin.

Kahit ilang buwan na iyong bangs niya ay naninibago pa rin ako. Mas mukha siyang bata kapag ganyan ang hairstyle niya.

"Hmnn. Bati na kayo ni Taylor?" muli kong hula sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

Lagi kasi silang nag-aaway na parang aso't pusa. Tapos itong si Livv ay pati suot ng kapatid niya pinapakialamanan. Nagpapasalamat na lang ako kasi sinusunod siya ni Taylor kahit na medyo labag sa loob ng huli. Noong isang araw nga ay pinagsuot niya ng Barong Tagalog papuntang opisina. Noong umayaw si Taylor ay ayun, umiyak. Kaya si Engineer Kiera ay sinuhulan na lang ang anak na sundin si Livv.

Tsk. Tama si Taylor, hindi siya ang favorite na anak.

"We argue endlessly. Try again," muli niyang saad kaya napaisip ako.

Ano ba ang magpapasaya sa kanya nang ganyan?

"Oh, Cece will stay the night?" nakangiting saad ko.

Wala pa akong anak, pero meron ng sagabal sa bebe time namin. Sa gitna namin ni Livv natutulog ang pinsan niya kapag nag-oovernight minsan sa amin. Ako naman ay hinihintay lang silang makatulog bago ilipat si Cece sa aking tabi para ako ang nasa gitna. Kasi naman iyong asawa ko, nananapak pa rin kapag tulog. Ayoko namang magkaroon ng trauma ang bata na ipinaglihi ata sa jigsaw puzzle.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon