Kaia's POV
"Magandang tanghali po, Nay," bati ko kay Nanay Ising nang maratnan ko siya sa kusina.
Yes, noontime na nang magising ako. Hindi man lang ako ginising ni Livv na mukhang kanina pa tapos maligo kasi nakabihis na siya at patapos na rin magluto ng brunch.
"Magandang tanghali din, hija. Mabuti naman at gising ka na. May inihanda kami nitong kaibigan mo para may makain kayo mamaya sa piknik ninyo doon sa may talon," pagbabalita ni Nanay Ising sa akin.
"Picnic? May picnic po tayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tumingin ako kay Livv, hoping for some answers pero nagkibit-balikat lang siya.
"Kayo lang mga anak. Bukas na ang alis ninyo pabalik. Ngayon lang ang oras na meron kayo para makaligo doon. Sakto at hindi pa tapos ang selebrasyon ng kasal kaya wala masyadong tao doon. Masosolo ninyo ang lugar. Hindi ba't mahilig kayong mga kabataan na kumuha ng mga litrato? Sinabi sa akin ni July na huwag kayong hayaang umuwi nang hindi nakakapunta sa may talon," mahabang paliwanag ni Nanay Ising.
Akala ko pa naman ay matututunan namin na magtanim dito, hindi pala. Pero okay na rin iyong magliwaliw kami sa falls. Sa totoo lang ay parang nasa bakasyon lang kami ni Livv dito.
"Si July po, Nay?" naisipan kong itanong.
"Kaninang alas singko ng umaga lumuwas, hija. Sa bus na raw siya matutulog tutal apat na oras ang biyahe. Hindi ko na kayo ginising kanina dahil alam kong pagod kayo kagabi," sagot ni Nanay Ising habang naghahain. Si Livv naman ang naglalagay ng mga plato.
"Sige na at maghilamos ka na doon para makakain ka na ng tanghalian. Baka nagugutom na iyang tiyan mo. Tanghali na at wala pang laman," pagtataboy ni Nanay Ising sa akin kaya pumunta na ako sa banyo.
Nang saluhan ko sila sa mesa ay nakahanda na rin ang mga baso ng kape. Matapos magdasal ni Nanay Ising ay nagsimula na kaming kumain.
Pang-apat na araw na namin dito kaya kahit papaano ay sanay na kami na kumakain nang nagkakamay. Kung nahihirapan man si Livv ay hindi siya nagrereklamo. Sobrang bagal nga lang niyang kumain dahil mas marami pang nahuhulog na pagkain kaysa napupunta sa bibig niya.
So far ay wala kaming naging problema sa tyan pagkatapos ng unang experience ko noong unang araw namin dito. Huwag na ninyong itanong kung gaano ko kadalas silipin ang waterpot para makasiguradong ako lang ang nagrerefill ng tubig na laman nun.
"Nay, iyong mga kabataan po ba na nakasama namin kahapon ay nag-aaral din?" naisipan kong itanong habang kumakain kami.
"Oo, hija. Katulad ni July ay nagtatrabaho rin sila kapag walang pasok. Iyong iba dito sa bukirin, iyong iba naman ay sa siyudad na katulad ng anak ko. Sabay-sabay rin silang nagsibalikan sa bayan kaninang umaga," sagot ni Nanay Ising sa akin.
"Gaano po ninyo kadalas makita si July?" tanong ko.
Kasi kung working student siya, malamang ay kahit bakasyon ay nasa city siya.
"Iyong batang iyon ay umuuwi nang walang pasabi. Kapag gustong umuwi dito ay basta-basta na lang susulpot na tila kabute dyan sa may pintuan," sagot ni Nanay Ising habang ako naman ay naglalagay ng tubig sa baso ni Livv.
"Thank you," mahinang usal ni Livv bago nagpatuloy sa pagkain.
She's awfully quiet kapag nasa hapag.
"Saan po balak magtrabaho ni July?" singit ni Livv na ikinaangat ng aking kilay.
"Iyong batang iyon ay gustong magtrabaho sa ibang bansa. Mas malaki raw ang pasahod kaysa dito sa Pilipinas," sagot ni Nanay Ising.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...