Chapter 31: Hanz

1K 48 1
                                    

Kaia's POV

I took the liberty to take a bath habang wala pa iyong kasama ko. Gusto ng mga magulang niya na dito na lang muna kami magpalipas ng gabi. Isa pa, sa tingin ko lang naman, ay gusto rin siyang kausapin nang masinsinan ng kanyang mga magulang.

Natapos na akong maligo at lahat pero nakatunganga pa rin ako habang nakaupo dito sa napakalaki niyang kama. Wala akong pamalit na damit at ayoko namang pakialamanan ang kanyang closet. Tapos ko ng tingnan ang interior nitong kwarto niya. Hindi sa feelingera ako pero feeling ko talaga ay si Mommy ang nagdesign ng mansion nila. Feeling ko lang naman.

Tumingin ako sa digital clock na pasado ala una na ng umaga ang nakaflash na oras. Anong oras kaya matatapos ang paglilitis sa kanya? Wala pa naman siyang abogado. Willing naman akong samahan siya para dalawa na kaming nasasakdal. Hay. Napabuntong hininga na lang ako. Simulan ko na kaya bilangin kung ilan ang dami ng tiles dito sa kwarto niya? Iyong ceiling na lang pala ang tititigan ko kasi carpeted ang buong kwarto.

Tumihaya na ako sa kama habang naiwang nakaapak sa sahig ang aking mga paa. I'm so exhausted at gusto ko na talagang matulog. Ayokong tanghaliin ng gising bukas kasi bad impression iyong tinatanghali ng gising sa ibang bahay. I covered my eyes with my forearm para kahit papaano ay hindi masilaw sa mga mata ang liwanag. I can't turn off the lights kasi mangangapa siya sa dilim pagpasok niya.

Hindi ko na namalayan kung ilang minuto o oras na ba ang lumipas. Nagising na lang ako nang marinig ko ang ingay ng gumaganang hairdryer. Pagbukas ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang kanyang nakasimangot na mukha. Nakasuot na siya ng pantulog. Hawak niya sa kanang kamay ang wireless na hairdryer.

"Are you seriously going to sleep with your hair still wet and in this uncomfortable position?" tanong niya bago ibaba sa tabi ng aking ulo ang hawak.

What? Did you expect na patutuyuin niya ang buhok ko habang tulog ako? Sabay-sabay tayong mangarap. Ginamit niya ang ingay ng appliance para gisingin ako.

"Go to the bathroom if you plan to dry your hair," utos niya bago sumampa sa kama.

Bumangon na ako at kinuha ang ipinahiram niyang gamit pantuyo ng buhok.

"I was actually waiting for you," saad ko na sinagot niya lang ng pagtaas ng isang kilay. "Ahm, wala kasi akong dalang damit."

Obvious naman, di ba? Tanging iyong suot ko lang kanina sa katawan ang meron ako. Hindi naman pwedeng iyon ang gamitin kong pantulog kasi uncomfortable. 

"First door to your right - you can find what you need in there, imy closet," matipid na sagot niya bago kumuha ng dalawang unan at nilagay sa tabi niya.

"You know, I can sleep on the couch if you're not comfortable," suhestyon ko habang inaayos ang nalihis kong bathrobe.

Wala akong suot na panloob. Wala namang nasilip. Kung meron man, ayos lang kasi walang interes itong kausap ko.

"It's too late for me to hear dumb suggestions; I want to rest," malamig na turan niya.

Iintindihin ko na lang ang ugali niya. Baka kasi sinabon siya kanina sa family meeting nila. 

"I'm just suggesting. Baka lang hindi ka makatulog nang maayos kapag may katabi kang ibang tao," malumanay na depensa ko sa aking suhestyon.

"Do you see any couch inside this room?" sagot niya habang nakasandal sa headboard.

Base sa suot niyang nightie ay sa tingin ko naman kumportable siya sa presensya ko. Kasi kung hindi, dapat sana ay hindi iyan ang suot niya. Wala siyang brassiere kasi bakat ang dalawang umbok sa may bandang dibdib niya tapos nangalahati lang sa kanyang hita ang haba ng tela ng pantulog niya. May nakikita akong dapat kong makita bilang legal niyang asawa. 

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon