Chapter 18: July

1.5K 56 2
                                    

Kaia's POV

Naalimpungatan ako sa malakas na pagtahol ng aso. Ang alam ko ay wala kaming alagang aso sa bahay. Pagbukas ko ng mga mata ko ay ang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin. Napabalikwas ako ng upo.

Wait.

After a few seconds ay doon pa lang nag-sink in sa akin na wala pala ako sa bahay. Immersion pala namin. Tiningnan ko ang katabi ko. Empty bed. Bigla akong kinabahan at natakot.

Fuck. Nasaan si Livv?

Kung anu-anong worst scenarios na ang pumasok sa utak ko. Tumayo ako at lumabas ng kulambo. Nang sumilip ako sa siwang ng mga bintana ay sobrang dilim pa rin sa labas kaya kinailangan kong kapain ang phone ko para may flashlight. Nang makita ko ang hinahanap ko ay halos tumakbo na ako palabas ng kwarto.

Bukas ang main door. Sinubukan kong tingnan ang pintuan papunta sa bathroom pero nakasarado ito. Tumakbo ako ulit papunta sa main door para lumabas.

Shit. May mga bandido ba dito na nangunguha ng tao pagkagat ng dilim? Bakit wala akong narinig na ingay o kahit kaluskos man lang? Don't tell me nag sleep walk si Livv?! Kailangan ko siyang hanapin at baka hindi pa nakakalayo.

Paglabas ko ay nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil iba ang tahol ng aso. Parang ungol kapag magtatransform na yung wolf. Oh, God. Sana hindi totoo ang pinagsasabi sa'kin ni Taylor na mga kalahating tao at kalahating paniki na tao. Kahit na natatakot ay tinibayan ko na lang ang aking loob. 

Liliko pa sana ako nang makita ko siyang naglalakad pabalik ng bahay habang dala-dala ang kanyang phone na ginawang flashlight.

"What the hell, Livv? Bakit ka lumabas nang ganitong oras?" kinakabahang tanong ko sa kanya bago siya nagmamadaling akayin pabalik sa loob.

Good gracious! Wala talagang kinakatakutan ang babae na 'to. Napakakalmado lang na naglalakad mag-isa sa labas. Paano kung may smoker na kapre dito tapos kunin siya para gawing asawa? O kaya naman ay mga nuno sa punso tapos mapagkakamalan siyang si Snow White? Sa puti pa naman niya ay hindi malabong mangyari iyon. Sabi ni Taylor at iyong mga seniors naming pugak ay may nangyari na daw na ganung insidente. Naikwento daw ng kanilang naging foster parents. 

"I need to use the bathroom," sagot niya na parang may pagtataka pa sa mukha. "Why do you look like you are being chased by a serial killer?"

Pagkapasok niya ay agad kong isinarado nang maayos ang pintuan. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid para makasiguradong kami lang talaga ang nasa loob. 

Hindi ako takot sa serial killer. Mas takot ako sa mga kwentong kababalaghan na ipinasok ng kuya niya sa kokote ko. May ipinakita pa kasi na mga larawan kaya ang hirap na hindi maniwala. Bwisit talaga ang lalaki na 'yon. 

"Bakit hindi na lang iyong pintuan sa kusina ang ginamit mo? Akala ko nag sleepwalk ka," mahinang tanong ko habang sumusunod sa kanya kahit sa totoo lang ay hindi pa tuluyang kumakalma ang puso ko.

Ayoko namang isipin niya na kalaki kong tao ay takot ako sa mga ibang elemento kahit na iyon naman talaga ang totoo. Bawas angas points kasi iyon at baka maikwento niya doon kay Taylor. Baka sabihin ng lalaki na iyon na nagpapanggap lang akong hindi takot nung nagkwekwentuhan kami. Nagpanggap naman talaga pero kahit na. 

Never show your weakness to any man because they will take advantage of it. Iyan lagi ang paalala ng Dad ko na hindi ko makasundo. 

"This door is nearer than that one," sagot niya bago umakyat sa hagdan. Tumigil siya saglit at lumingon sa akin. She's trying to read my facial expression. "Are you sure you're alright? You look tensed."

Mabilis akong umiling para itanggi ang paratang niya, "Kinabahan lang kasi akala ko napano ka na."

May gulat na rumihistro sa kanyang mukha pero agad rin siyang nag-iwas ng tingin. Tumango lang siya bago nagpatuloy sa pagpasok sa kwarto. Nakasunod pa rin ako sa kanya. Ako na rin ang naglock ng bedroom door namin.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon