Kaia's POV
Pasalampak akong humiga sa aking kama bago yakapin ang aking malambot at mabangong unan.
God, how I missed my bed.
I'm starting to appreciate almost every little thing I have at home. Iyong thermostatic valve ng shower ko, iyong dimmer switch ng mga ilaw sa kwarto at higit sa lahat, iyong soundproof na kwarto ko.
Hapon na ng Friday at kakauwi lang namin mula sa farm. Dumiretso ako kaagad sa kwarto ko kanina para maligo. Hindi ko nga namalayan na nakaidlip pala ako sa loob ng bathtub. Pagkatapos magbihis ay nandito na ako ngayon at handa na namang matulog.
Well, that was the plan. Bumalik na naman kasi sa alaala ko iyong naging pakikitungo ni Livv sa akin pagkatapos naming maligo sa waterfalls. Akala ko ay ayos kami pero biglang ayaw na niya akong kausapin. Buong gabi hanggang sa kinaumagahan ng uwi namin ay iniiwasan niya ako. Kahit tingnan nga ako ay hindi niya magawa.
Weird.
Pwede naman niyang sabihin na hindi niya sinasadya iyong paghalik sa akin o kaya naman ay sabihin niya na nabigla lang siya. Kaso wala eh. Bigla na lang siyang nanlamig. Talo niya pa yung panggabing simoy ng hangin sa kwarto namin doon sa bahay nina Nanay Ising.
Ang gulo niya sa totoo lang. Makatulog na nga lang.
"Kaia, wake up!" sigaw ng boses na may kasama pang pagyugyog sa balikat ko.
Tinabig ko lang ang kung sinumang gumigising sa akin bago ko takpan ang aking tainga ng nakapa kong unan. Kita na ngang kakapikit lang eh.
"Come on, we're going to be late," frustrated na saad niya bago tangkaing tanggalin ang unan mula sa pagkakatakip sa aking mukha.
"Go away. I want to sleep," I mumbled.
Nagtagumpay siyang kunin ang unan na ginamit kong pantakip kaya dumapa na lang ako para ibaon ang aking mukha sa isa pang unan na hinihigaan ko.
"Kaia, dali na kasi," makulit na pamimilit niya bago ako hampasin ng unan sa likod. "Gising na dyan."
"Sammie, please leave me alone," I grumbled bago takpan ng aking mga palad ang aking dalawang tainga.
"I can't. I won't. Milana invited us to hang out and we will be late kung 'di ka pa babangon dyan. Come on, get decent already," pamimilit niya ulit habang pilit tinatanggal ang aking mga palad mula sa pagkakatakip sa aking mga tainga.
"Hard pass," pagmamatigas ko.
"It's Livv's post-birthday celebration," pagbabalita niya matapos tanggalin ang aking dalawang kamay sa aking mga tainga.
The mention of her name made me awake. Iminulat ko na ang mga mata ko bago siya tingnan. Nakaupo siya sa gilid ng aking kama at bihis na bihis na.
"Aren't you tired from the immersion?" tanong ko sa kanya dahil ready na namang magpakalasing ang pinsan kong 'to.
"I am, but it's Livv's post-birthday celebration. Wala na nga tayong party para sa kanya tapos now we will ditch Milana's invite pa," pagpapakonsensya niya sa akin.
I rolled my eyes. Kasalanan ko ba 'yon?
"Fine. What time na ba?" tanong ko sa kanya bago bumangon.
"It's 8:37 p.m. already kaya hurry up na. Don't shower na. We'll be late na talaga." Itinulak pa ako ni Sammie sa walk-in closet ko.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na kami. Iyong sasakyan ko ang ginamit pero nakasunod sa amin ang kanyang sasakyan na minamaneho ng kanyang bodyguard.
"Seriously?" naiiling na tanong ko nang tingin siya nang tingin sa screen kung saan nakaflash ang address ng pupuntahan namin. "Sammie, I'm not going anywhere, okay? There's no way in hell for me to ditch them kung nandito ka sa sasakyan ko."
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...