Kaia's POV
Ako lang ang naiwan sa practice room dahil iyong mga kasama ko sa fencing team ay nagsiuwian na. Past six o'clock in the afternoon na kasi at hanging five o'clock lang ang practice kapag Sabado. We had a few bouts pero lahat ng ka-sparring ko ay madaling mabasa ang mga kilos. Sa huli ay hindi ako nahirapan kahit na ilang buwan rin akong hindi nakapaglaro.
Si Coach Trisha naman ay galit pa rin sa akin kaya sabi niya ay hindi muna siya makikipaglaro sa akin during practice. Kaya heto ako ngayon, nakikipaglaro sa dummy at nag-iimagine na lang na gumagalaw ang kalaban.
"Argh! Uwi na tayo, Kaia," nayayamot na aya ni Sammie sa akin.
Don't ask kung bakit siya nandyan dahil wala rin akong idea. Pag-iinarte lang ang alam nyan sa buhay at hindi mahilig sa sports.
Tumigil ako at hinarap siya, "Bakit ka kasi nandito? Wala ka namang gagawin. Umuwi ka na."
"Because it's a Saturday and we have a family dinner to attend to. I promised Tita Mikee that I will make sure you will come with me this time. Tara na kasi. Wala na mga teammates mo oh. Hangin na lang ang kalaban mo."
"Just give me one more hour, Sammie."
Muli kong itinuon sa aking ginagawa ang aking atensyon. Ayoko talagang umuwi sa bahay dahil ayokong makita na naman ang pagmumukha ng lalaking iyon. Nagagalit lang ako sa tuwing humihinga kami ng parehong hangin.
"But dinner is at 7:30 p.m., Kaia. We need to hit the road by 7:00 p.m. if we want to make it on time," muli niyang pangungulit.
"Mauna ka na. Susunod na lang ako."
"No! You're coming with me. Kilala kita. Uuwi ka na namang late sa bahay para hindi kami makasalo."
Ayan, kulang na lang ay magpadyak siya sa inis.
Sasagot pa sana ako nang bumukas ang pintuan at may lumabas na babaeng nakasuot na ng full fencing equipment. May dala na rin siyang sarili niyang sword. Hindi ko makita ang mukha dahil suot na niya ang kanyang mask pero alam kong babae siya dahil kita naman sa hubog ng kanyang katawan.
Kunot noong sinundan ko ang kanyang mga kilos na parang walang pagmamadali lang itong pumunta sa bout area. Ikinabit niya ang chord sa kanyang katawan bago ako itinuro gamit ang hawak niyang fencing sword.
Tumaas lang ang isang kilay ko.
"Match. 15 pts," anunsyo ng boses na mukhang gumamit pa ata ng voice changer.
"What do I get?" tanong ko sa kanya habang lumalapit sa aking mask.
"Nothing because you will lose," kumpiyansang sagot niya.
"I'm guessing you have no idea who you are challenging, Miss." Tumingin ako kay Sammie na nakakunot na rin ang mga kilay. "Be the referee and for the love of God, be fair."
Tumingin siya sa akin na tila ba may naisip na magandang ideya.
"Kung mananalo ka, uuwi na tayo. Kung mananalo siya, I will leave you alone here," parang tangang suggestion niya.
Hello? Obvious naman na ako ang mananalo dito. Lahat ng fencing team members ay alam ko na ang galawan kaya wala sa kanila ang mas magaling kaysa sa akin. Kung iyong varsity nga ay natalo, ito pa kayang mascot na 'to?
"No, let's make it the other way around. Kung mananalo siya, sasama ako sa'yo pauwi pagkatapos ng laro. Kung mananalo ako, uuwi ka na dahil nabubwisit na ako sa pangungulit mo. Ano? Deal?"
"Ang unfair naman!" protesta niya pa bago muling tingnan iyong manok niya.
"Take it or leave it, Sammie," muli kong saad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...