Chapter 9: Favor

1.3K 57 1
                                    

Kaia's POV

"We need a vocalist," problemadong saad ni Taylor na tumigil sa ginagawa niyang plates.

Nasa drawing room kami para gawin ang assignment sa isang major subject namin. Katabi ko siya dito sa may malapit sa bintana na pwesto. Medyo maraming tao ngayon dito dahil bukod sa amin ay gumagawa rin ng kani-kanilang plates ang mga junior at senior namin.

Tumigil ako sa ginagawa at lumingon sa kanya. "Akala ko ba drummer na lang ang kulang ninyo, bakit ngayon ay pati vocalist na rin?"

Ibinaba niya ang kanyang hawak na lapis at inilapit sa akin ang kanyang upuan. May distansya naman kaya hindi niya deserve hampasin ng drawing tube ko.

"I didn't find anyone who plays drums. I asked the ladies, but no luck," sagot niya kaya mas lalo akong nagtaka. Bumuntong-hininga muna siya bago magpatuloy. "So, I'm going to do it. Ako dapat ang vocalist pero I can't sing while playing drums."

"Huwag na lang tayo sumali. Hayaan mo na," kibit-balikat na suhestyon ko pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko. Ang seryoso ng mukhang nakatitig ito sa akin. "Hoy! Problema mo?"

"Troy will be joining the battle of the bands," seryosong saad niya na mas lalong nagpalito sa akin.

Mukha siyang baby damulag na gustong mag-amok ngayon.

"Sinong Troy at ano naman ang pakialam ko sa kanya?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang pag-igting ng kanyang mga panga. Kulang na lang ay madurog ang kanyang mga ngipin na alagang-alaga ng toothpaste na gawa sa kanilang factory.

"He likes Sammie and he plans on making a move on her," sagot niya at iyong mga mata niya ay kulang na lang umapoy.

"Eh di good for her," maikling sagot ko sa kanya.

Ano bang ikinagagalit niya kung magka-lovelife ang pinsan kong habulin ng mga lalaki? Sammie is beautiful kaya hindi na ako nagtataka kung may mga nagkakagusto man sa kanya dito sa university. Normal lang naman iyon.

"He is a douchebag. Sammie will not be safe with him," defensive na sagot niya. "As her friend, it's my job to protect her."

Hinawakan ko ang kanyang mga braso para alisin mula sa pagkakahawak sa aking mga balikat. Hindi niya namamalayan na napipiga na niya ang aking buto. Siraulo talaga 'tong lalaki na 'to.

"Tapos anong kinalaman ng pagsama natin sa battle of the bands para maprotektahan mo ang pinsan ko?" tanong ko sa kanya. "Let's not forget the fact na may nakabuntot na tatlong bodyguard sa babaeng iyon 24/7."

Nagulat ata siya sa tanong ko dahil tumikhim siya bago dumiretso ng upo. Napasuklay na rin siya sa kanyang buhok.

"...Sammie," pabulong na pag-amin niya na halos hindi ko na marinig.

"What?" untag ko dahil pangalan lang ng pinsan ko ang narinig ko. "Anong sabi mo?"

Muli siyang tumikhim bago seryosong sinalubong ang aking mga mata.

"I like Sammie," malakas na pagkakasabi niya sa baritonong boses kaya napalingon sa amin ang mga kasama namin dito sa drawing room.

Puro mga lalaki naman kaya walang problema.

"Eh di ligawan mo. Ang dali-dali ng problema mo," sagot ko bago mag-roll ng eyes sa kanya.

I don't gatekeep my cousin. She can date whoever she wants basta hindi siya babastusin nang walang consent.

"I want to crush Troy in the battle of the bands," desidido niyang hayag. "And to do that, I need to form a band. I need a vocalist, Kaia," pagbibigay diin niya.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon