Kaia's POV
Habang nakikinig sa napili kong musika gamit ang aking AirPods ay eksperto namang minamaniobra ng aking kaliwang kamay ang manibela ng aking sasakyan. Papasok pa lang ako sa building ng parking area para sa mga estudyante.
First week ng klase ngayon kaya magkahalong kaba at pangamba ang nararamdaman ko. Noong nakaraang academic year ay hindi ako nag-enrol dahil nagpagaling ako sa hospital. Nakayanan naman ng gamutan ang natamo kong mga sugat sa katawan kaya buhay pa ako ngayon. Tatlong buwan lang naman ako sa ospital pero tumagal ang rehabilitation para bumalik ang function ng aking mga braso at binti. Sa awa ng Diyos ay ito at nakakapagmaneho pa naman.
Dapat sana ay third year na ako sa kursong kinukuha ko pero dahil nga sa nangyari ay second year pa lang ako. Iyong mga kaibigan ko ay nasa third year na lahat. Wala naman sa aking dugo ang pagiging clingy kaya okay lang. Normal lang naman ang kabahan sa first day of school lalo na't kung wala pang kakilala.
Napangiti ako nang makita na walang sasakyang nakapark sa parking space na madalas kong ginagamit noon. Ayokong mag assume pero nakakatuwa na kahit nawala ako ng ganoong katagal ay nirerespeto pa rin nila ang nagawa ko para sa school.
Kakapatay ko pa lang ng makina ng sasakyan at bababa na sana nang marinig ko ang sunud-sunod na pagpito ng sasakyang nakaharap sa akin. Ang agresibo ng paghampas nito sa pito at hindi tumitigil.
Alam ba ng babaeng ito na bawal pumito kapag nasa loob ng school ground?
Lumingon ako sa paligid at nakita ang malaki at malinaw na No Blowing of Horn na sign. Napapikit ako para humugot ng pagtitimpi dahil ang letseng anak ng palaka na ipinaglihi sa biik ay ayaw tigilan ang pagngawa ng kanyang sasakyan. Isang mahabang pagpito pa ang kanyang ginawa.
Ang aga-aga sinisira niya ang araw ko!
Pabalang kong tinanggal ang suot kong AirPods at ipinasok sa loob ng suot kong hoodie jacket. Lumabas ako mula sa sasakyan para harapin ang bitsesang entitled na babaeng ito na akala siguro ay siya lang ang tao dito sa mundong ibabaw.
Kahit nakita na niya akong nasa labas ay patuloy pa rin siya sa pagbusina.
Anak ng kalapating ipinaglihi sa kababawan!
Ako na ang lumapit dahil mukhang wala talagang balak na lumabas at makipag-usap bilang tao ang gagang ito. Nakakailang hakbang pa lang ako ay pabalang na nitong binuksan ang kanyang sasakyan at lumabas.
Sinadya kong tumigil sa paglapit nang makita ang kanyang pagmumukha. Iyong mga kilay niya ay kahit wala siyang gawin ay nagmamaldita na. Sinamahan niya ng sama ng loob kaya nakabusangot na ang kanyang mukha na halatang galit na galit.
Kung hindi ko lang alam ang pinasukan kong university ay iisipin kong nasa maling lugar ang babaeng ito. Huhulaan ko ang kurso nito, 100% sure na Cosmetology. Parang pumasok lang ata sa school para mag-inarte. Ang ikli ng skirt na suot tapos seethrough pa ang pang-itaas. Nag two-piece na lang sana siya tapos nagdala ng salbabida. May pool naman dito sa school at pwede siyang magpool party.
"Excuse me, Miss. That's my spot you are occupying," pang-aakusa niya at nagcross pa ng arms.
Occupying occupying. Of course, I occupy space because I am a matter who matters a lot to this school.
Lumapit ako dahil ayokong sumigaw. Lumalapit na rin ang mga security guard na nakaduty.
"You are excused," kalmadong saad ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko ng ingudngod ang kanyang magandang mukha sa kanyang manibela. "And FYI lang, Miss Feeling May Ari ng Mother Earth, walang reserved parking dito. Kahit sinong estudyante ay pwedeng magpark basta walang naunang sasakyan."
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...