Kaia's POV
Nanghihinang napaupo ako sa desk na siyang pinagdalhan sa akin ng HR staff kanina. I'm literally inside the CEO's office right now. Iyong mga plaques of recognition, trophies, and awards na nakalagay sa display ay wala na. I used to come to this place when I was a kid. Minsan dito pa nga ako naglalaro. I know that this is part of the progressive change pero nakakapanghina pa ring makita na wala na iyong nakaugalian. Iyong miniature na lang ng company building ang naiwan dito sa loob.
Pumasok ako ng opisina bago mag-alas otso ng umaga. Sinabihan akong maghintay dito dahil kakausapin daw ako ng boss. I'm a probationary employee kaya medyo nagtaka ako kung bakit ako ipinatawag. Malabo namang tanggalin niya ako sa trabahong hindi ko pa nasimulan.
Muli akong napatingin sa aking relo. It's already 11:34 a.m. Kanina pa ako nakatunganga dito at walang ginagawa. Dinampot ko ang stress ball at iyon na lang ang pinagkaabalahang ibato sa pader. Bumabalik naman sa aking kamay at dahil masyadong empty itong opisina, wala akong mababasag.
Napatayo ako nang diretso nang bumukas ang automatic door at pumasok ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Una kong napansin ang ingay ng suot niyang sapatos na pwede ng gamiting pangsaksak sa tulis ang takong. Tapos iyong dress niya na hapit sa kanyang katawan. She had her hair done up. May hawak siyang maliit na bag sa kanyang braso. She looked different from the woman I met in college. Major upgrade.
Sandali lang kaming nagkakilala pero... ah, basta.
Tinanggal niya ang suot na sunglasses habang naglalakad. She walked like she owned the place, which she actually does. She carried herself well. Kahit na mukha siyang bata ay may aura siya na nakaka-intimidate.
This woman I'm looking at right now is not the same woman I met years ago. Kung dati mukha lang siyang galit, ngayon naman ay mukha siyang respetadong tao na kayang magpabagsak ng kumpanya sa isang idlap.
Dinaanan niya lang akong parang hangin at dumiretso sa kanyang malaking mesa. That's a different table from what my mother used to have. Nanatili lang akong nakatayo at naghintay na matapos siya sa ginagawa niya. Pagkarating kasi niya ay tumutunog na telepono agad ang bumungad sa kanya.
I stood for another fifteen minutes kaya pinaglaruan ko na lang ang stress ball sa kamay ko habang nakatitig doon. Ayokong tumingin sa kanya. Baka mamaya ay isipin niyang nakikinig ako kahit hindi naman dapat.
Nag-angat lang ako ng tingin nang mapansin na tumatagal na ang usapan nila. Baka naman pwedeng pumunta na muna ako sa workstation ko. I wasn't expecting what I saw. There she was, looking at me with an unreadable expression on her face habang magkasiklop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Mukha siyang diktador na nakaupo sa trono.
Napaayos ako ng tayo. Napansin ko ang pagsulyap niya sa hawak kong stress ball kaya itinago ko iyon sa aking likuran. I don't know. I just felt like she caught me doing something which I should not?
Napalunok ako kasi iyong bunganga ko ay ayaw bumukas. Paano ko ba siya babatiin? Siyempre ako dapat ang mag-initiate ng conversation kasi siya ang boss.
"Good morning, Ma'am," pormal na bati ko sa kanya. "Kakausapin niyo daw po ako sabi ng HR?"
Nanatili siyang nakatitig sa akin. Ang alam ko ay proper dress code naman ako. Kung may mali sa suot ko, dapat sana ay sinita na ako ng HR staff kanina, di ba? I'm an architect kaya naisip ko na magsuot ng pants at button-up polo. Baka kasi bigla akong isabak sa field. At least, hindi ako mahihirapan.
"Ma'am?" untag ko sa kanya nang tingnan niya lang ako na parang walang interes.
"Do you think the distance between us is suitable for us to communicate without me needing to raise my voice?" malamig na tanong niya kaya napalunok ako.
BINABASA MO ANG
Flawed (5th)
Romance"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the dance floor of our destiny. So, dance wisely, for the rhythm you set today may be the melody you fin...