Chapter 34: Corporate Affair

1K 43 2
                                    

Kaia's POV

"Ah, shit!" bulalas ko nang maramdaman na may kasama na pala ako dito sa loob ng shower room.

I'm literally naked at nagsasabon ng katawan nang biglang tumabi si Livv sa akin nang hubo't hubad at nagsimula ng magkalikot ng temperature regulator ng shower. Tumalikod ako sa kanya habang nakayakap sa sarili.

"We're both going to be late if I will wait for you to be done," inaantok na sagot niya bago buksan ang tubig. Hindi ko nakita pero narinig ko ang lagaslas ng tubig. Sinarado ko kasi kanina. "I have a meeting at nine."

God! This woman is going to be the death of me. How can she just casually walk in here kung alam niyang may ibang taong naliligo?!

Alam kong may meeting siya at nine o'clock because I'm her bloody secretary for Christ's sake. Mabilis lang naman akong maligo kaya nauna ako. Usually kasi ay siya ang nauuna kaso ang himbing ng tulog niya kaya hindi ko na muna ginising. Pahirapan pa ngang kumawala mula sa pagkakalingkis niyang parang sawa. Kahit maglagay pa siya ng Great Wall of China sa gitna namin ay useless pa rin kasi tatawid pa rin siya sa side ko ng kama at doon magsusumiksik.

Binilisan ko na lang ang pagsasabon ng katawan. At ang siste ay parang nananadya pa ata. Inabot niya ang shower gel na nasa aking harapan kaya iyong dibdib niya ay tumama sa aking likuran.

I can feel God's gift to her!

Dear Lord, grant me strength. Medyo sobra na po itong pagsubok Ninyo sa akin. Alam naman Ninyo na ilang taon na rin akong walang...

Nevermind!

Umiwas na lang ako at tumapat sa shower head para magbanlaw habang siya ay hindi ko na alam ang ginagawa. Nag-iwas ako ng tingin. Ayoko namang pumikit kasi baka madapa ako dito no.

Pagkatapos ay halos takbuhin ko na ang pintuan nitong shower room para lang mawala sa presensya niya. Nag-iinit ang katawan ko, ang aga-aga. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya nang muntik na akong mawalan ng balanse sa sobrang pagmamadali kong makalabas.

I was tying my robe habang naglalakad nang mabilis kaya ayun, muntik na akong matisod sa sarili kong mga paa.

Peste.

I can't lock the door kasi iisa lang ang pintuan papuntang shower room at comfort room kung saan may toilet bowl. Never naman siyang pumasok sa loob ng shower habang nandoon ako. In the past one month na magkasama kami, pumapasok siya para gumamit ng banyo kahit na nasa loob ako ng shower stall. It was okay kasi wala naman siyang makikita pero iyong ngayon?

Ewan ko sa kanya!

Pagkatapos naming magbihis ay pumasok na kami sa opisina. We didn't have the time para magluto pa ng breakfast. Ako ang driver at nasa likod pa rin siya habang may binabasa sa kanyang iPad.

"Dadaan ako sa drive-thru para bumili ng breakfast natin," tawag ko sa kanyang pansin.

Nag-angat siya ng ulo at tiningnan ang kanyang relo. Kumunot ang kanyang noo. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na.

"Mabilis lang 'to. Aabot ka sa meeting mo on time. Promise," sagot ko bago iliko ang sasakyan sa isang coffee shop drive-thru.

Kasi kung hindi ko 'yan bibigyan ng breakfast, mainit na naman ang ulo sa meeting mamaya. Baka may mapaiyak na namang staff na haharang sa daanan niya. Sa totoo lang ang moody niya. Minsan siya pa mauunang mag greet sa mga janitor or anyone na nasa maintenance department, tapos madalas naman ay naka silent treatment ang mga project manager. Iyong ang haba-haba na ng sinabi sa harapan niya pero tititigan niya lang hanggang sa aalis na lang sa harapan niya at mapapakamot na lang sa ulo. Minsan nga ay nagdadala pa ng suhol para sa akin iyong iba para lang isingit sila sa oras na mabait ang boss namin.

Flawed (5th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon