LAST GOODBYE

1.2K 19 1
                                    

LAST GOODBYE

It happened 10 years ago nadin nakakalipas, when I was in high school, I did not expect na magiging muse ako, at darating ang napakaraming manliligaw saken 😁😁 natatawa nanga lang ako kase andami den nag papa picture saken sa school at nakakakilala kahit na transferee lang ako, madalas den akong isali sa mga beauty pageant sa school, hindi naman po ako kagandahan basta ewan kopo kung paano nangyare.

FF. Sa dami ng nanliligaw saken nung mga panahon nayun, meron isang taong hanggang ngayon may special na pwesto sa puso ko, his name is francis, please guys hindi ako magaling mag kwento sa ganitong paraan, pero sa personal with actions pa, kaya sana pag pasensyahan nyo nalang.

Ayun nanga, kung ano si francis kabaligtaran ko naman, sobrang layo talaga namin sa lahat ng bagay, kung ako masipag at focus sa pag aaral sya naman absenero at parang walang pake sa academics status nya, sabi den nila marami natutuwa at nagagandahan sa itsura ko, sakanya naman madaming naiines at nanglalait kase di naman daw sya kagwapuhan at palaaway pa. Palakaibigan ako at sya naman lagi nasasangkot sa mga rambol, pero marami den naman syang kaibigan. Tuwing pumapasok sya wala syang ibang tinatabihan kung di ako lang, pinapaalis nya palagi yung katabi ko, wala kaming ginawa kung di mag kwentuhan, palagi syang nag papatawa, minsan hinahatid nya ako sa bahay namin, at binibilhan ng food pag break time na namin hahahaha, alam nyo na pag high school ligawan, anjan yung papaypayan kasa room, bubuhatin yung mga gamit mo, aantayin ka umuwe pag Cleaners ka, pinaka hindi ko malilimutan yung pag tatanggol nya palagi saken kapag may mga nag babalak manakit saken, yes madami akong kaibigan that time at the same time may mga naiines den saken na mga gangster sa school ng diko alam kung baket, nakipag suntukan nadin sya para saken, mga ganung bagay. Dahil nga lagi na kami mag kasama kahit maraming teachers ang naiines sakanya, alam nasa room na nanliligaw sya saken, masaya ako pag mag kasama kami sa room, kaya lang alam ko din sa sarili kona ayoko mag ka boyfriend ng siga, palaaway at parang walang pangarap sa buhay, kaya sa kalagitnaan palang ng school year, tinapat kona sya na wala akong balak mag boyfriend pa, nag patuloy parin sya pero mas nag effort sya, andon yung lagi nasyang pumapasok, dina sya nakikipag away (Wala na kami nababalitaan, gumagawa nadin sya ng mga assignments and dina sya masyadong napapagalitan ng mga subject teachers namin, kaya hinayaan nalang nila na tumabi saken si francis, pero dahil wala talaga akong balak sagutin sya at inamin ko sakanya yun sa ikalawang pagkakataon, doon nasya nag umpisa lumayo, bumalik sya sa pagiging absenero nya or pag cu cutting nya ng classes namin, kung pumapasok man sya sa iba nasya tumatabi, minsan sa mga tropa nya sa likod, minsan naman sa secretary namin na maganda talaga, nasaktan ako nung una, namiss kosya pero hinayaan kosya, dahil bata pa kami ng mga panahon nayun at ayoko pa talaga mag boyfriend nung mga oras nayun, natapos yung school year, nalaman kong nag open high sya, which is parang minsan lang yung pasok nya, so dina kami masyadong nag kikita, everytime mag kakasalubong kami sa school, lagi nya ako iniiwasan kung minsan titignan nya ako and then aalis nasya ganung eksena, minsan naman nahuhuli kosyang nakatingin parin saken tapos sabay iiwas ng tingin, hindi ko alam kung ano bang nasa isip nya pero lahat ng yun hinayaan ko, madalas kodin syang nakikita sa tapat ng bahay namin (computer shop kase tapat ng house namin)  na nakatambay kasama mga barkada nya ng disoras na ng gabi.

Huling pagkakataon na nagkausap kami sa personal, yung lumabas ako ng bahay para mag pa load, mga 10pm nadin yun ng gabi, nag paalam ako kay mama since di naman kalayuan ang tindahan at matao pa sa labas, pakiramdam ko may sumusunod saken, pero di naman ako nag kamali, nagulat ako nung sinabayan na ako ni francis ng lakad.

Him : Kamusta kana? (Ang payat payat nya, mukha nanga syang adik na tambay, amoy yosi pasya)
Ako  : Ayos lang.
Him : Wag kana lalabas ng ganitong oras, hindi safe, lalo na hindi palagi nakabantay ako, oo binabantayan kita kahit di kita pinapansin.
Ako : Kaya pala naging officially tambay kana sa shop ni kuya R.
Him : (Tumawa) Basta mag iingat ka palagi, at wag kana lalabas ng ganitong oras, ayoko mapahamak ka.
Ako : Sige na uwe na ako samin nag pa load lang talaga ako, uwe kana den.

Hinatid nya ako for the last time sa gate namin, buti nga disya naabutan ni mama at papa. I know to myself na kahit ganun si francis, mabuti syang tao.

Ilang buwan lang den, lumipat den kami ng bahay dahilan para di na talaga kami mag kita. ilang taon pa nakalipas, ng mag chat saken mga classmates ko, stating that francis is already dead, pinatay sya, pinag babaril daw sya ng anonymous riders, dahil sa nag tutulak daw sya ng drugs, nabalita den yun sa news, para akong na napahinto, natulala at napatulo nalang yung luha ko, hindi lang kase sya manliligaw para saken, parang boy bestfriend na kase turing ko sakanya, buong araw ko syang naisip, to the point na 4am na ako nakatulog, and doon ko sya napanaginipan.

sa panaginip ko, nakita kosyang naka barong pero buhay na buhay syang naka ngiti saken, madilim yung paligid pero sya maliwanag, kitang kita kosya, alam ko na patay nasya, kaya diko alam mararamdaman ko.

Ako : Diba patay kana? (Hindi sya sumagot, pero inabot nya dalawa nyang kamay na para bang gusto nya akong yakapin, pero dahil natakot nga ako, nagdesisyon akong tumakbo palayo sakanya pero para nya akong hinahabol, naka ngiti parin sya at yung mga kamay nya ay walang pinag bago naka ganun parin, pero mas natakot ako kase disya tumatakbo, nakalutang sya, takbo lang ako ng takbo sa dilim hanggang sa nung lingunin ko ulet sya hindi nanya ako sinusundan pero nakatingen parin sya saken at nawala na yung ngiti nya at napalitan ng lungkot. Hanggang sa nagising na ako, umaga na pala, pawis na pawis ako, at pagtingin kosa braso ko may malaki akong pasa.

Hanggang ngayon admin, diko alam kung anong ibig sabihin nung panaginip nayon pero iniisip ko nalang baka way nya yun ng pag papaalam saken.

Kung asan man sya ngayon sana payapa nasya, at sana alam nya na masaya ako na nakilala kosya. Maraming salamat posa pag babasa nyo at pasensya na kung napahaba.
Senny♡


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now