Haunted family

74 1 0
                                    

Haunted family

Thank you po sa lahat ng nagpayo at nagpray for us sa initial sharing ko about my son. Part1 on comment sec pag naapprove

Here's an update na mejo mahaba and hopefully is magkaron kami ng katahimikan kahit pano 😅 looooong read ahead

Madami akong nakwentuhan ng story na to bukod sa page.
Isa pala sa circle of friends ko ay empath and he said na sinabhan sya ng gabay nya na kausapin ako. Mabigat nga daw ung pakiramdam nya samin and sa bahay. I sent him a picture of our house from the outside and ito nga daw yung tipo ng bahay na sobrang daming attached spirits na ayaw nyang pasukin.

I sent him a picture of my son and nabigla sya at napatanong if may lahi daw ba kaming baylan or aswang. Natawa pa ako kasi sure akong d kami aswang 😅
Sobrang liwanag daw ng anak ko sa paningin nya at malamang e ganun dn sa entities kaya sila lumalapit.
So nagtanong tanong ako sa mga kamag anak namin sa father's side dahil sure akong walang possibility sa mother side at buong angkan nila ay born again, some are pastors, some are bishops pa nga.

May isa akong tita na nagrespond and nagconfirm na ang lola nga daw nila e manggagamot and mukang common occurrence sa side of their family na sinusundan ng entities
After ko ikwento ang situation namin, agad nya kaming inaya pumunta sa Batangas last Wednesday kung nasan yung kaibigan nilang manggagamot.

D pa kami nakakapasok sa bahay ng manggagamot nagpupumiglas na yung anak ko, but he later calmed down nung dinasalan sya ng manggagamot. D namin knwento sa kanya ang situation namin, sya ang kusang nagsalita about sa nangyayari samin. She confirmed na bukas ang third eye ng bata kaya lalong napagkakatuwaan. Pero sabi nya better to leave it as is.

May dala akong tatlong St Benedict's medal. Isa sakin, isa sa anak ko, isa sa inaanak ko (ibang kwento naman itong inaanak ko) na dinasalan nya for our protection.

Lahat ng sinasabi nya samin galing sa Gabay na kausap nya na tinatawag nyang lolo. Maririnig mo sa kanya ung conversations nila kasi magtatanong sya tapos unti unti nya ring sasagutin. Ang sabi nya is lapitin daw talaga kami. Kaya din daw ang bigat ng buhay ko lately is because sobrang dami ng nakasunod sakin and some of them wants to take me too. Binubulungan daw nila ako kaya lagi akong galit sa partner ko kahit hindi naman dapat. Pinapahina din nila ako para mag let go sa attachments ko sa mundo. Akala ko depressed lang ako kasi I've thought on several occasions na gusto ko ng mam.tay and akala ko anxious lang ako kaya lagi akong galit 😅

Bukod sa St. Benedict's medal, pinagpray nya din kami. Pero she advised na hindi lang makakalapit samin ung entities pero they will still be there waiting for us at home so much better if pupunta sya mismo dito sa bahay namin to get rid if them. She had us prepare several items as alay para pakiusapang umalis ung mga nasa bahay.

I went back to Batangas ng Friday para sunduin ang manggagamot, yes po kahapon lang kaya ibang level yung pagod ko ngayon. Since everything feels calm na e nagdecide ako na itype itong update.

Sa mga nacurious sa last post ko kung saan ito, sa Buhay na tubig po ito sa Imus. I'm pretty sure most of the locals here knows na dati itong hagisan ng mga sinalv@ge and such. Hindi ko sya alam syempre I was from QC talaga. Hindi ko dn naikwento kay nanay (manggagamot) pero madami na syang nakikita nung nasa vicinity na kami lalo na nung papasok na sa subdivision.
Pagstop ng sasakyan namin sa harap ng bahay namin napahinto sya. Napakarami daw sa bahay namin and some of them are walking between the first and second floors pa. At home talaga sila LOL.

Pag pasok ni nanay sa bahay bgla sya napahawak sa tenga nya at nakakabingi daw. 1st time nya raw makapanggamot ng more than 3 entities ang laman ng bahay. Halo halo ung laman ng bahay namin, may mga tahimik, may mga nanghihingi ng help, meron ding malevolent. Pero ung iba mukang nakatunog na parating sya at umalis daw.

I'm not that good with story telling ha. After naming kumain, nagstart na sya magprepare para sa pagpapaalis. Nagstart dun sa alay na nilagay sa ilalim ng puno sa harap ng bahay namin. May food, may habano (yosi), glass of water. Dinasalan nya ung buong bahay namin mula sa kwarto ng anak ko, kwarto ko, sa hagdan... Minamarkahan nya ng pulang lipstick ung mga pader namin ang term nya is isinasagrado. Pagdating nya sa cr namin mejo napahinto sya kasi may babae daw na paulit ulit nagpapakita na nanghihingi ng dasal. Kaya mas matagal syang nagdasal dito at nagsabiy sya ng tubig na dala nya galing sa bundok. Ang mejo intense is yung kusina namin. Habang nagdadasal sya unti unti nyang inaalis ung mga suot nyang accessories, may mga moment na bglang nagiging intense ung dasal nya usually kasi more on oabuling pero nagkakaroon ng times na pasigaw sya nagdadasal at may paggrowl in some instances. Yung hand gestures nya sa palagay ko is pinapalabas nya kung ano man ung mga nasa bahay namin. Ginawa nya to hanggang makalabas sya sa bahay na nagdadasal. Nung nakarating sa labas, tsaka sya nag tulos ng 7 candle. 3 sa gitna forming a triangle, 4 naman outside the triangle forming a square.

Pagoda talaga si nanay after pero tinapos nya sa paglalag@y ng isa pang st benedict sa harap ng pinto namin.
Sabi nya kahit wala na sila sa bahay, best to move nalang talaga ulit somewhere else kasi nga the whole vicinity is mabigat and if nakahanap ako ng gsto kong place kahit ivideo call ko na lang daw sya so she can check kung ok ba yung place and if decided na kami sa new place is babalik sya para isagrado ulit ang bahay. Mukang everytime we move, required na ganun ang bahay namin since lapitin talaga kami. 😅

Nagpausok din kami ng insenso kamangyan around 6pm. Grabe yung pagod nung natapos na lahat, I felt a sense of relief at nakatulog na agad ako.

PS
2 weeks ago na talaga itong post kaso naaauto decline at napagod nko hanapin ung error ni fb 😅 naalala ko lang ulit dahil nanaginip ulit ako. This time yung lalakeng entity nasa gate na lang namin at sobrang labo ng tingin ko sa kanya. Dahil protected na kami? Mahina na ang signal?


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now