Teacher's Camp

257 4 0
                                    

Teacher’s Camp

This happened around 2016-2017 if I remember correctly. Holiday season na. Eh kami ng pinsan ko gustong gusto namin pumunta ng Baguio. Mga 16 or 17 years old ako nun tapos malapit na yung birthday ko. Supposedly nung birthday ko aalis kami pero umulan ng malakas kaya na postpone. Napag bigyan naman ako the day after Christmas. Ginising kami ng maaga tapos yun nga, aalis na daw papuntang Baguio. Super spontaneous na alis.

So pag dating ng Baguio, wala na talagang hotels na nag-accommodate since puno na nga. So todo search sila sa Google tsaka sa FB kung san pa meron. And then, nakita nila may available pa daw. Sa Teacher’s Camp.

Finally, nagkaron na kami ng tutulugan. Since holiday season at marami ngang tao, binuksan nila sa Teacher’s Camp yung isang malaking house. Parang Admin Building yung tawag. Yung nakuha namin, isang malaking room na ang daming beds. Luma na yung bahay and made of wood. So after iwan yung mga gamit namin, gumala muna kami.

Malamig na sa Baguio that time. Nagagalit yung nanay ko kasi hindi ako nagsusuot ng jacket. For me naman kasi, sakto lang yung lamig. So kinagabihan after gumala, bumalik na kami. Ugali pa namin mag rosary nun bago matulog. So gabi nga, patulog na. Nag rosary muna kami. Tapos sobrang ingay ng paligid. Madali kasi akong ma bother ng noise. Tapos inis na inis ako that time.

Sari saring tunog naririnig ko. Coming from everywhere. Manipis lang yung pader, technically, it was just a wooden wall that separates us from the other rooms. Tapos yung wooden wall pa, hindi fully covered. Sa pinakataas, may opening so talagang dinig mo yung mga ingay galing sa labas or sa kabilang kwarto. Yung unang noise na naririnig namin, lumang music. Parang galing sa gramophone. Hindi ko na nga maintindihan at ma-appreciate yung kanta kasi sobrang nakaka bother na.

Matutulog na ko nun. Nakapikit na ko tapos halos isang oras na ata, hindi parin ako makatulog. Paikot ikot lang ako sa kama. Hindi ko na alam kung anong oras na yun. Yung tugtog kanina, non stop tapos ang lakas pa. Samahan pa ng tunog ng hilik na nang gagaling sa kabilang kwarto. Sobrang lakas. Tapos may tunog pa ng naglalakad pabalik balik na galing sa second floor, tapos naka heels pa. Inis na inis ako kasi bakit naman naka heels pa maglakad eh parang madaling araw na? Sa sobrang inis ko, bumangon ako. Yung tsinelas ko, pahapyaw kong binato dun sa pader. Sabi ko pa “Ang ingay! Magpa tulog naman kayo!”

Gising pa yung mga kasama ko nun. Tapos pinagsabihan pa ko ng nanay ko. Pumikit nalang daw ako. Nakaupo lang ako sa kama, nang maya maya biglang may umihip na malamig na hangin sa paligid ko. Yung hangin, parang bumalot sakin. Hindi ko yun pinansin kasi nga alam ko namang malamig sa Baguio. Tapos maya mayang konti, bigla na kong nilamig. Totally, nanginginig na sa lamig. Tapos hindi ko mapigilan kaya may slight panic yung pinsan ko. Pinatabi niya ko matulog sakanya tapos naka hug siya sakin para mawala yung lamig.

The next day, na-overhear namin yung mga tao sa kabilang kwarto. Turns out, wala palang natutulog sa kwarto next to us. Bali 3 rooms, tapos yung gitna hindi occupied. Eh sobrang sure ako na dun galing yung ingay eh. Tapos bakante din pala yung taas. Nakausap namin yung isang staff.

After ng long break, pag pasok ko, nagkamustahan kami ng friends ko tapos nakwento ko nga na nag Baguio kami. Binanggit ko na wala kaming matulugan tapos sa Teacher’s Camp kami nag stay. Natigil silang lahat na parang nagulat. Dun ko lang nalaman na marami pala talagang nagpaparamdam sa Teacher’s Camp dahil haunted yung lugar.

Kayo ba? Meron din kayong experiences sa Teacher’s Camp?

#Ltapreal



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now