FAMILY HOUSE
Sa bahay kung saan kami lumaki, sobrang daming kababalaghan na nangyari sakin, di lang sakin, kundi sa aming lahat na nakatira doon, pati sa mga dumadalaw sa amin. Baka yung iba e gawin kong part by part. Magkwento ako ng ilan sa karanasan namin na naaalala ko pa.
Year 1995 nang makalipat kami sa sariling bahay nila mama at papa. Sobrang tuwa namin noon kasi dati kung saan saan lang kami nakikitira, probinsya o kaya sa pinagtrabahuhan ni mama (nangatulong kasi siya noon sa Tondo).
Itong subdivision na nalipatan namin ay kalikuran ng sementeryo. Well, actually dating sementeryo din yung Subdivision na namin. Naconvert lang yung ilang ektarya into housing.
Sabi ni Tatay (tito namin siya na albularyo, tatay lang tawag namin kasi siya naging second father din namin na kinalakihan since yung papa ko ay nasa ibang bansa) yung kinatitirikan daw ng bahay namin ay daanan ng mga kaluluwa at iba pang elemento. May katapat kaming eskinita na diretso sa mismong sementeryo, may harang lang na malaking pader.
🚚🚚 📢 MISTERY TRUCK ❓
Sa sala kami natutulog. Naglalatag lang ng banig at comforter si mama. Sama sama kaming 4 doon natutulog. Hindi naman kami nakatapat sa pinto matulog, medyo bandang gitna kami naglalatag tapos tapat ng bintana sa sala. Pero may time na inurong ni mama yung higaan sa malapit sa pinto. Tapos nakaharang kami sa daanan. Di ko sure kung bakit inurong ni mama nung time na yun, bata pa kami nun e. E di kasarapan ng tulog namin. Nagising ako ng madaling araw kasi narinig ko na may malakas na busina ng trak. As in parang nasa pintuan lang namin. Napabalikwas pa ko sa pagkakahiga sa gulat e. Narinig din pala ng nanay ko. Sumilip siya sa bintana sabay sinara. Kinabukasan kinuwento niya sa tita ko, si tita naman ni-relay kay Tatay. Sabi niya, nakaharang daw kami sa daanan, sa susunod huwag na raw kami doon hihiga. Pinapaalis pala kami. Biruin mo yung trak na bubusina ng malakas ng madaling araw. 🫣
Hindi lang naka-experience nun pati mismo si tita. Nakitulog siya sa bahay non. Alam ko siya talaga katuwang ng mama ko sa pag-aalaga samin bago niya napangasawa si Tatay. So ganun din story niya, dahil natutulog lang kami sa sala at wala naman kaming kama noon, kami naglatag don sa pwestuhan namin, si tita naman don banda sa may pintuan. Nagising din siya ng madaling araw dahil din sa busina ng trak na narinig niya. No choice siya, lumipat din siya ng latag niya.
☄️ FLYING HANGER ❓
Naiwan kaming 3 magkakapatid sa bahay. Elem pa lang bunso namin non, ako naman high school na. Tapos si kuya (special child siya) high school na rin noon.
May tindahan kami, sinarado ni mama yun kasi umalis siya. Alam ko namalengke siya non sa Marikina pa. Inaabot siya ng 2 hanggang 3 oras na nawawala sa bahay. So nung una, masaya lang kami naglalaro sa salang magkakapatid. Tapos si kuya nakita ko natulog muna. Kami na lang 2 ng bunso naiwang naglalaro. Sobrang ingay namin. Ganun naman talaga pag naglalaro e. Sigawan, tawanan, hampasan tapos magkakapikunan. 🤣 Nag-aaway na kami at talagang sigawan na, nang biglang may lumipad na hanger sa amin. Buti hindi kami tinamaan pero malaks pagkakahagis. Hinanap ng mata ko agad si kuya pero tulog na tulog pa rin siya. Nagtitignan kami ni bunso, natigilan kami sa ingay. Sabay kumaripas kami ng takbo papunta sa tindahan. Nagtulakan pa kami sino magpupunta sa pinakasulok. Grabe yung takot naming dalawa. 🤣 Feeling ko naghyper ventilate pa kami. 😂 Hindi namin alam saan nanggaling yung hanger na yon. Kinuwento namin sa mama namin. Tawang tawa siya samin kasi sabi niya, multo lang pala magpapatigil samin sa pag-aaway. 🤣⚡⚡ PITONG ARAW NG KAMALASAN ⚡⚡
Ito talaga real na real. Hindi ko lang matandaan kung bakit sinabihan nanay ko na magkakaroon ng 7 araw na sunud-sunod na malas daw, sabi ni Tatay yun. So kada araw may nangyayari talaga. Ang pinaka natatandaan ko, una, muntikan na mabangga yung sinasakyan ng nanay ko. Ikalawa, nabasag ng kusa ang salamin ng mga aparador namin. Ikatlo, kusang nagliyab yung kalendaryo namin na sanhi ng muntikang pagkakasunog ng buong bahay namin. Ika-apat hanggang ikapito ay hindi ko na tanda. Bata pa kasi kami nito. Grabe yung dasal ng nanay ko nun. Buti na lang talaga walang nangyaring masama samin non. Si papa non grabe din pag-aalala samin. Mabuti na lang talaga at ginabayan kami ni Tatay that time.
Sunod kong ikukwento yung Doppelganger sa bahay. Naramdaman at nakita namin siya at hanggang ngayon nandun pa rin siya sa bahay ng nanay ko, ginagaya pa rin niya ang bunso namin. Si bunso ang ginagaya niya simula nung nagdalaga siya. Payat niya pa noon, ngayon medyo lumaki siya pati korte ng katawan niya kuhang kuha niya. Medyo mahaba mahaba kasi yun. Like for next part kung gusto niyo pa. 🤣
-------
DOPPELGANGER NI SISTERNagsimula itong gumagaya sa kapatid ko nung bata bata pa siya. May kwarto pa kami sa likod ng bahay nito. Doon namin palagi nakikitang naglalabas masok itong gumagaya sa kanya.
Maliligo na ko ng araw na iyon, naisipan ko munang pagkatuwaan yung bunso namin since matatakutin siya, pero mas malala yung pagkamatatakutin ko. Kumuha ako ng shampoo sa tindahan namin at pagpasok ko ng sala, nakita ko yung kapatid kong pumasok sa kwarto sa likod. E di syempre, ako na may masamang balak, gugulatin ko sana siya paglabas niya. Narinig ko pang nagkakalkal siya sa loob kaya sabi ko hintayin ko lumabas. Naghintay talaga ako sa labas mga 3minuto rin yon, sabi ko pa baka di mahanap yung hinahanap niya. Hanggang sa nainip na ko. Patayo na sana ako sa gilid ng poste na pinagtaguan ko nang marinig kong magbukas ang gate namin at kumakanta pang pumasok yung kapatid ko. Ako, sa sobrang taka ko, at medyo kinilabutan, naglakas loob na buksan ang kwarto. Pero laking gulat ko ng makita kong walang katao tao sa loob. 🥹🥹🥹 Nanigas talaga ako sa pagkakatayo doon. At tinanong ko ang kapatid ko kung kanina pa ba siya umalis. Sumagot naman siya na kanina pa mga 3 oras na raw siya nasa labas at naglalaro ng chinese garter. Kinuwento ko sa kanya yung nangyari. Pero hindi talaga siya naniwala. Hanggang sa sunud sunod na ang pagpapakita nung nanggagaya sa kanya saming nakatira sa bahay.
--Karanasan ng Papa namin--
Ito ay base sa kwento ng aking nanay. Ang papa namin ay hindi naniniwala sa mga unseen elements, be it ghost, aswang, tikbalang, kapre, duwende, etc. Kabaligtaran niya kami ni mama na naniniwala since pakiramdam ko bukas din 3rd eye ko ng mga panahong nakatira pa ko sa bahay (o sadyang matindi lang talaga sila magparamdam?)
Hanggang isang araw, siya na mismo nakaranas ng doppelganger ng kapatid ko.
Nakapagpalagay na kami ng second at third floor. After ito ng Ondoy, ayaw na ni Papa na maulit yung wala kaming matakbuhan nung oras na bumabaha na. Mga panahong ito nasa abroad pa si Papa. First time lang din kami binaha sa buong stay namin sa lugar namin. Inabot hanggang bubungan namin noon. Kaya napagpasyahan na nila magpataas ng bahay.
Magtatanghalian na. Malapit na matapos ni mama ang niluluto niyang sinigang. Si papa, kapag ganyan, nagsisisigaw na yan. Nagtatawag na ng mga kakain. Bago mailapag ang pagkain sa mesa, dapat nandun na kami. Nung araw na ito, wala ako sa bahay. So ang ineexpect ni papa na bababa ay ang 2 kong kapatid at yung 2 mga anak ng bunso namin. Nasa hapag na yung mga apo, yung nanay na lang wala. Sige tawag nang tawag si papa. Umakyat siya sa kwarto, at nagkakatok don. Sa inis niya, binuksan niya ang pinto pero laking gulat niya na walang tao. Wala ang kapatid ko. Sabi ni mama, nakalimutan siguro magsabi na aalis. Pero pinilit ni papa na nakita niyang pumasok ang kapatid ko sa kwarto bago pa siya magtawag. Pilit talaga niyang sinabi na kinausap pa niya pero di naman daw sumagot yon at dumiretso pumasok sa kwarto.
Pagdating ng kapatid ko, dun niya kinumpirma na alas-6 pa lang ng umaga e umalis na siya at di nakapagpaalam gawa ng tulog pa sila. Don lalo namutla yung tatay ko. At simula non, kapag kinakausap niya yung kapatid ko tinatawag niya talaga sa pangalan. Sa susunod kapag hindi daw siya nilingon, hahabulin daw niya at pagagalitan. 😜
Akala namin, hanggang pakita pakita lang siya, pero hindi. Kasi nagbibigay rin siya ng sakit samin kapag nahahawakan niya kami. Yes, nahahawakan at nakikipag usap pa yan siya samin. Pero bihira. As in bihirang bihira. At ang nakaranas naman ng pagkakasakit ay yung mga anak ng kapatid ko at pati mismo asawa ko. Kwento ko na lang sa sunod na part. 😊
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.