Guniguni

127 2 0
                                    

Guniguni

Isa ako sa mga taong mahilig magbasa at manood ng mga nakakatakot, at isa rin ako sa mga taong mabilis matakot.

Hello mga ka LTaP! Gusto ko lang po i-share ang na experience ko bilang Assistant Librarian sa isang University sa Manila at nangyari po ito noong 2018.

Sa 2nd floor ako naka assign, ang pinsan ko ay sa 3rd floor at ang kaibigan niya ay sa 4th or 5th floor ata. Kung tutuusin, creepy tingnan ang library lalo na kapag nakapatay ang ilaw, isa sa nakagawian na po kasi ay pagpatay ng ilaw tuwing lunch break.

Simula ng makapagtrabaho ako sa may aircon naging pala-ihi na ako, at isang challenge sakin ang pag cr ng mag-isa. Maganda naman ang cr, malinis at maraming ilaw na nakabukas, pero kahit ganun ay nakakatakot pa rin vibes. One time kasi, sa kalagitnaan ng pag-ihi ko narinig ko ang paggalaw ng pintuan sa katabi kong cubicle. Nasabi ko sa isip ko " Sa wakas, may kasama na rin ako ". Naging payapa ang pakiramdam ko nun at nung matapos ako ay agad akong naghugas ng kamay at lumabas. Habang naglalakad ako papasok ng library dun ako napaisip, hindi ko naman narinig na bumukas ang pintuan ng cr kaya imposible na may kasama ako. Ang pintuan kasi ng cr kapag binuksan mo ay may tunog kang maririnig kaya alam mo talaga kapag may papasok. Nung mapag tanto ko yun, natakot ako pero isinawalang bahala ko na lang yun. Nag c-cr pa rin naman ako pero naghihintay na ako ng kasabay.

Pangalawa kong naging experience ay sa loob ng multimedia room, sa loob lang din mismo ng library. Mayroon kasi pina encode at pinahanap sakin ang si Head C. Nung una akala ko makakasama ko ang si Head B, hindi pala. Tapos na sya sa gawain niya kaya naiwan ako mag-isa. Habang nag hahanap at the same time nag e-encode, narinig ko biglang may tumunog. Sa gulat ko nun ay napalingon agad ako sa likod ko pero wala naman ako napansin. Binalewala ko lang yun at pinagpatuloy ang pang ta-type. Naisip ko baka yung keyboard ko ang may gawa ng tunog.

Maya-maya narinig ko na naman na may tumunog, at sa pangalawang pagkakataon ay dun na ako natakot. Alam niyo yung matunog na keyboard? Magkasunod na tatlong tunog ang narinig ko nung time na yun. Tumayo talaga ang mga balahibo ko sa braso at sa batok. Nasabi ko bigla na "Please lang po, wag niyo naman ako takutin patapusin niyo po muna ako sa ginagawa ko". Nawala rin naman ang tunog at nagmamadali kong tinapos ang gawain ko.

Dahil sa nangyaring yun ay kinuwento ko na ito sa pinsan ko. Sabi niya sakin wag ko na lang daw pansinin dahil kapag pinagtuunan ko daw ng pansin, baka lalo lang daw ako takutin.

Ang huli ko naman nang naranasan ay ang malala. After lunch ng sabihin sakin ni Head A na may meeting daw silang tatlo at baka matagalan. Binilinan lang nila ako na patayin ang ibang ilaw kapag kapag wala ng studyante, at bukod dun ay iniwanan din ako ng gawain ni Head B. Pinagamit niya sakin ang computer niya.

4:30 na ng hapon ng mawalan ng estudyante kaya  gaya ng bilin nila, pinatay ko na ang ibang ilaw. Sa pwesto ko na lang at sa tapat ng mga pintuan ang may nakabukas na ilaw. Sa isip-isip ko nun hindi ako matatakot. Malakas na ang loob ko at may isang oras at kalahati na lang bago mag uwian. Nung una panatag ako, pero di rin pala magtatagal yun.

5:15 ng nakita akong parang may nakatayo sa peripheral ko sa kanan. Dun kasi ang pinaka madilim dahil wala talagang ilaw na nakabukas. Nag umpisa na akong kabahan. Pinagpatuloy ko lang ang pagta-type pero nawala atensyon ko sa monitor ng bumigat ang vibes sa paligid. May naririnig akong iba't ibang tunog sa likuran ko. Gusto kong lumingon pero natatakot ako na baka may makita ako. Tumigil na rin ako sa ginagawa ko at nagdasal ng paulit-ulit.

Hanggang sa nagulat ako ng bumukas ang pintuan sa harapan. Dumating na pala si Head B. Sa pagkakataong yun ay gusto kong maiyak. Nakakatakot.

Natawa sya ng makita ang reaksyun ko.
Sabi niya "Umuwi ka na, mag aala sais na. Kung hindi mo natapos yan, bukas mo na lang gawin. Wag mo na hintayin sina Head A at Head C kasi dala na nila ang gamit nila." Sumagot naman ako ng sige po mam. Ginawa ko nga ang sinabi niya.

Feeling ko hinintay niya akong matapos na maligpit ang mga ginamit ko nun. Pansin ko kasi na may dala na rin syang gamit habang nakatayo sa may pintuan kung saan sya pumasok kanina. Habang nagliligpit ako bigla syang nagsalita na nakapagpatakot talaga sakin. Sabi niya "Kung natakot ka kanina, wag mo na lang pansinin. Ganun talaga dito. Pero kung takot na takot ka na talaga, malapit lang ang pintuan. Lumabas ka na lang". Tapos bigla syang natawa. Nagdalidali na talga akong lumabas nun dahil hinihintay na rin ako ng pinsan ko at ng kaibigan niya.

Habang nasa jeep pauwi, nakwento ko yun sa kanila. Sabi sakin nung kaibigan ni ate na pinsan ko, pinaglaruan lang daw ako lalo na nung babae na nakaputi.

Pasensya na kung mahaba. Maraming Salamat po


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now