Librito
May nagkwento na dito about sa librito at itong kwento ko ay about sa lolo ko na father ni mama.
Si lolo ay isang mang gagamot, ginagamot nya yung may masakit ang tiyan dahil sa "sibang". Gamit nung tinatawang dito samin na " nganga', mama' " , hindi ko alam kung anung tawag nun sa ibang lugar basta yung nginunguya yung bunga (Bunga de Jolo) tapos ipupunas yung laway sa tiyan. Marunong din c lolo mag ventoza at maghilot ng mga may pilay pro hanggang dun lang ang kaya nya.
Isang araw may naging kaibigan c lolo na tikbalang at binigyan sya nito ng librito. Ayon kay mama sabi ni lolo ang laman raw ng librito ay mga orasyon pero hindi cla pinapayagan ni lolo na basahin ang nakapaloob sa librito dahil unang-una di daw nila un maiintindihan at pangalawa, sakanya lamang ipinagkatiwala ang librito. Dahil sa librito nakakapagpagaling na c lolo sa pamamagitan ng "pagtatawas". Inoorasyonan nya din yung librito tuwing semana santa, di ko lang sure kung good friday un o black saturday.
Isang araw habang nagoorasyon c lolo, natulala c mama dahil nakita nya itong lumulutang. Hindi makareact c mama subalit nung pumasok daw c lola sa kwarto, napasigaw ito kaya nagulat c lolo at bumagsak. Alam din ni lolo kung anu ang karamihan na mamamatay sa paparating na taon. Noon kasi di pa uso ang paputok kaya naririnig ni lolo ang parang putok daw kapag inilapat nya ang kanyang tenga sa lupa. Nangyayari lang yun kapag bagong taon pagpatak ng alas dose, halimbawa kapag may pumutok sa bandang silangan, sa darating na taon karamihan ng mamatay ay mga bata (halimbawa lang po yan ha) kaya nakakapagbigay rin sya ng warning sa iba.
Maraming naging abilidad c lolo nung mapasakanya yung librito. Minsan kasama pa ni lolo yung tikbalang na mangbinwit ng isda at pag uwi ni lolo ang daming isda na dala nya sabi ni mama. Naririnig pa raw ni mama ang takbo ng kabayo kapag paparating ito at gayun din kapag umalis na sila. Tuwing 12noon at 6pm daw umaalis c lolo kasama ang tikbalang dahil un din ang oras ng pag labas ng mga elemento na di natin nakikita.
Sabi ni mama mapagbiro daw ang kaibigan ni lolo dahil sa tuwing uuwi si lolo palagi nalang inuubusan nito ng sinaing c lolo. Isang araw sa sobrang inis ni lolo ibinato nito ang kaldero dun sa tikbalang at simula noon hindi na ulit ito nagpakita kay lolo. Sa pag alis ng tikbalang dala na rin nito ang libritong ipinagkatiwala nya kay lolo. Pero kahit wala na ang librito kay lolo nakakapagpagaling parin sya ng mga may sakit at si lolo rin ang nagsabi kay papa na merong itim na dwende sa bahay namin.
#LTaPReal
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.