Kwentong Geneva
Naalala ko lang ito dahil tag-lamig ngayon. Sabi ng iba, yun daw mga lugar na medyo malalamig tulad ng UK, usually madaming ghost stories kasi parang mas nare-retain yng memories sa cold atmosphere, not to mention yng old buildings na gawa sa bato. Yng material na bato daw kasi parang mas kinakapitan ng energy at nage-echo yng past events, nagre-replay.
Swerteng nakabisita ako sa Geneva 2x last 2012 to attend some UN Human Rights Council trainings. Hectic ang sked at takas2x lang ang pasyal. Kanya2x kaming diskarte kasi iba rin ang trip ng ibang lahing kasama ko. Buti na lang may nakasama kaming medyo sanay na sa Geneva and knows his way around.
Sinundo kami ng contact nyang rent-a-car sa pensionne house namin sa Hotel Silva. Sabi ni driver, buti daw di kami pinagStay sa Hotel Cornavin kasi yng last grp daw nya napuyat dun, hindi nakatulog ng maayos. Maingay daw kasi, kalampagan ng gamit at furniture, para pang may humihila ng kadena sa hallway.
So byahe na kami sa nearby villages around Lake Geneva. Punta kami sa Vaud kasi nandun yng Castle Chillon na pinagmamalaki nilang tourist spot. Itinayo ito sa parang maliit na island at tatawirin mo yng isang makitid na foot bridge, gawa naman sa matibay na materyales pero pang-pedestrian lng talaga. Matagal na itong castle, kaya ang disenyo e medieval pa. Fortress daw ito, bantay sa borders ng mga karatig na bansa at states o kingdom nung unang panahon. Mga Dukes of Savoy daw ang tumira dun at ang white lady na nagpapakita dun ay si Duchess Agnes of the Savoy family. Ginawa ring prison yng castle ng mga kaaway ng Savoys, isang monk daw ang ilang taon kinulong dun dahil pinagbintangan na nagsimula ng revolt para paalisin ang Savoys at ibalik sa Bernese locals ang pamamahala sa lugar. Marami pang tinorture at pinahirapan dun tulad ng Jews na pinagbintangang nag-poison ng tubig nila nung nagkaroon ng epidemya ng cholera. Pami-pamilya raw ng Jews ang hinuli, kahit napaamin, pinatay rin. Kahit mga bata at sanggol daw di pinatawad. May mga kababaihan rin na pinagbintangang witches kaya hinuli, kinulong at tinorture. No wonder yng mga sensitive ay may nararamdaman at naririnig na hagulgol kapag bumaba sa dungeon area. Yng kasama ko, sabi nya may mga ungol at impit na iyak daw sya narinig dun sa baba. May bumulong pa daw sa kanya kaso di nya maintindihan yng lingwahe. Pero mabigat at oppressive din talga sa baba, nakaka-claustrophobic. Ako naman, may cold spots na naramdaman in and around the castle kahit walang open window at sarado yng rooms. Sabi na naman nung driver namin, may reports pa nga raw ng turistang nakakita ng old Roman soldiers dun.
Yung Moundon Jail naman sa Vaud din, ancient prison din. Yng lupang kinatayuan, medieval times pa kasi nga naging Roman settlement yng lugar ng Vaud mismo. Creepy feels din dun, kasi daw basta old jail, daming naiiwang strong emotions - lungkot, galit, hopelessness, nakaka-depress. Yng mga tiga-Vaud ayaw nilang makilalang "haunted" tourist destination, altho di naman nila tinatanggi na kasama sila sa mga scariest places in Switzerland.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.