Away sa Lupa

521 4 0
                                    

AWAY SA LUPA

1/1
True to Life Story
(Trigger Warning: Mürdér)

Hi! It's me again - Xiao Min. Alam kong maraming naguluhan sa una kong kwento na ""BANGKAY SA SAPA"". Nais ko lang linawin na si Aling Norma at Dennis ay mag-stepmother/son hindi po mother-in-law, namali lang ako ng nagamit na term since minadali ko lang itype yung kwento ko at aminado naman po ako na hindi ako magaling when it comes to story-telling. Walang hustisyang nakamit si Belen dahil wala naman pong kinasuhan at nagkaso, dahil sarili nyang pamilya ang mismong gumawa ng krimen. Sa mga ayaw po maniwala sa kwento ko ay wala po akong magagawa. Pero iyon po ay tunay kong karanasan at nakabase lang sa aking natatandaan sa edad kong iyon.
----
Ang ikukwento ko po ngayon ay may kinalaman parin sa pamilya ni Belen. Ilang buwan nga matapos ang nangyari sa aking Kaibigan ay umalis na sina aling Norma sa aming nayon kasama ang mga anak nya, ngunit naiwan doon sina Mang Badong at mga anak nya na sina Dennis at Carlo dahil may lupain sila doon na sinasaka, hindi pa alam ni Mang Badong ang tungkol sa relasyon ni Dennis at ng kanyang asawa ng mga panahong iyon (pero maaaring may pagdududa na dahil nga sa mga espekulasyon tungkol sa pagkamatay ni Belen).
FAST FORWARD

Si Mang Badong ay may isa pang kapatid. Ito ay si Mang Danny, kakalipat lang ng pamilya ni Mang Danny sa aming nayon galing sa kalapit na barangay. Malawak ang lupain ng kanilang yumaong  magulang ngunit mas malaki ang parte ng lupa na ipinamana kay Mang Danny (hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit). Pansamantalang nakatira sina Mang Danny sa kanilang lukaran (lugar kung saan pinoproseso ang kopras), kasama nya doon ang kanyang asawa na si Aling Mending at dalawang anak na sina Arnel at Joseph. Doon muna sila tumira dahil nagpapagawa pa sila ng bahay. Ang kanilang lukaran ay nasa makalampas din ng sapa ilang metro ang layo sa bahay nina Belen.

Malamig na ang usapin tungkol sa pagkamatay ni Belen dahil wala namang nakasuhan sa pangyayari. Graduate na ako sa high school ng mga panahong iyon at namalagi muna ako sa bahay para tulungan sina itay bago pa man ako pumasok ng kolehiyo sa kabilang bayan.

Isang gabi ay parehong nilagnat ang aking itay at ang aking sinundang kapatid na si Ate Lumen, maramil ay dahil sa panahon sapagkat tag ulan noon.  Si inay ang nag aabayad sa kanila samantalang ako naman ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Naghuhugas ako ng pinggan ng gabing iyon ng bigla akong nakarinig ng nagtatalo talo sa may kinaroroonan ng lukaran nina Mang Danny. Sinabi ko iyon kina Inay, dinig na dinig namin ang malinaw na sigaw ng isang babae ""Ano ba kayo, tama na..."" . Biglang nawala ang tinig ng babae kasabay ng isang putok ng hinihinala nami'y baril. Hindi na nag usisa si itay dahil nga masama ang kanyang pakiramdam kaya't pinili nalang nyang magpahinga kesa lumabas pa ng bahay.

Kinabukasan, bandang alas dyes ng umaga ng mapansin namin na may nagkakagulo sa lukaran nina Mang Danny. Kwento ng isa naming ka-nayon, nakita ang bangkay nina Mang Danny, Aling Mending at anak nitong si Arnel. Mabuti na lamang daw at pumunta si Joseph sa dati nilang bahay sa kabilang nayon bago pa man maganap ang krimen.

Brutal ang pagkamátày ng mag anak. Si Mang Danny ay may malaking butas sa balikat, si Aling Mending naman ay may tama ng bala sa ulo, simula sa may baba nito tagos sa may tuktok ng kanyang ulo. Samantala si Arnel naman ay lumabas ang bituka dahil sa pinagtataga ito sa katawan. May mga pumuntang pulis sa lugar ngunit walang umandar na kaso, tanging si Joseph nalang ang natira sa pamilya ni Mang Danny na isang menor de edad pa ng mga panahong iyon at walang muwang sa nangyaring krimen. Si Mang Badong naman ay tahimik lang sa sinapit ng kanyang kapatid.

Lumipas ang ilang taon at naibenta nina Mang Badong ang kanilang lupa kasama na ang lupain ni Mang Danny (Hindi din sakin malinaw kung paano nila naibenta iyon). Kinalaunan din ay umamin si Carlo sa ilan naming ka-nayon na sila ang pumatay sa tatlo, kasama nya si Mang Badong at Dennis. Ngunit dahil wala namang nagsampa ng kaso kaya't hindi parin sila nakukulong hanggang ngayon. Si Joseph naman ay halos nawalan na daw ng bait dahil sa nangyari, nagpakalayo layo na raw ito at ang sabi pa ay napariwara na rin ang buhay.

Matapos maibenta ang lupa ay umalis na rin sa nayon ang mag aama ni Mang Badong, nabalitaan nalang din namin na naghiwalay na sila ni Aling Norma, at si Dennis na ang kinakasama ng huli.

END

-Xiao Min


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now