Stuffed Toy

92 1 0
                                    

"stuffed toy"

this happened to me and my boyfriend months ago,
a little info about me, i sell stuffed toys from japan for over a year now.
we usually get our stocks from Japan sites or Thrift stores in Japan. we get them delivered to us via cargo.

so 3 months ago, a box arrived after a month.
its the usual lang. Sorting / packing / checking kung kanino yung item.

the thing about this box is lahat ng items doon is sold na even before ito iship pa-PH. kasi they were pre-orders sa site.

But for some reason, there was an item na walang owner, walang name na nakadikit or nakasulat sa plastic.
so i asked my friend (na taga receive ng items sa japan) to check sa list namin kung kanino yon.
surprisingly sabi niya sakin wala daw record nung stuffed toy na yon doon. this rarely happens kasi so i thought na it was weird. iniisip ko baka naligaw lang ganon or freebie sa japan seller.

after i was done sorting i picked it up the stuffed toy sa floor, bigla akong nahilo. i couldnt explain the feeling but one thing's for sure. first time ko yon nafeel. sabi ko baka pagod lang or ngalay kasi almost 3 hours akong nakaupo sa floor. so nagligpit na ko.
after this, i went to bed to rest.

minutes later, nagising ako
for some reason my first instinct was to check the box were i left the stuffed toy but it wasn't there anymore.
kinalkal ko hanggang ilalim but wala talaga. inisip ko baka napatong ko lang somewhere so hindi ko na pinansin.

i started feeling na parang may nakatitig sakin, it was so unsettling. sobrang uncomfy.
nag check ako ng windows but wala namang tao.
then pagtingin ko sa may door ng kwarto ko i saw myself sleeping with the doll beside me.

after non nagising ako ulit. it was a dream. then..
pag talikod ko NASA LIKOD NG ULO KO YUNG STUFFED TOY NAKAUPO AND NAKAHARAP SA MUKHA KO.

tumakbo ako palabas ng kwarto papunta sa living room and i called my boyfriend. i asked him if umuwi ba siya. he said no.
minura ko siya sa phone kasi akala ko pina prank niya ko, but he was so firm na hindi talaga siya nakakauwi pa. nung mga moment na to i was terrified na. kaya pinauwi ko na siya.
hindi ako bumalik ng kwarto until nakauwi yung bf ko.

nagkwento ako sakanya ng nangyari, tinatawanan nya pa ko, sabi niya baka daw siya yung pinaprank ko.
til nakita nya na namumutla ako, kaya pinakalma nya ko
inalis niya yung stuffed toy from our bed, nilagay nya sa ref namin na hindi ginagamit.

after awhile nakatulog ako ulit katabi ng boyfriend ko,
to be honest natatakot akong matulog kasi baka managinip nanaman ako. and i did.
but this time iba siya, it was a boy crying HOLDING THE EXCACT SAME STUFFED TOY.
tapos nagising nanaman ako, sobrang hingal na hingal ako.
but, instead na matakot ako umiyak ako ng umiyak, hindi ko alam kung bakit.
umiyak nalang ako bigla walang tigil.
nagulat yung bf ko kasi hindi naman ako iyakin.
tinanong niya sakin kung bakit pero hindi daw ako sumasagot iyak lang ako ng iyak.

after awhile, tumigil din daw yung pag iyak ko.
then i fell asleep again. thankfully wala nang panaginip.

but a day after nagffb ako, i came across a shared post of my mom. it was from years ago it was a picture of my brother that i've never seen before.
it was him holding the same stuffed toy.
then pumasok sa utak ko, děǎth anniversary ng brother ko...

andami kong questions, siya ba yung nagpaparamdam sakin? or it was a different entity?
how did the stuffed toy end up sa box namin?
til now hindi pa rin mawala sa utak ko lahat, pero next time hindi ko na kakalimutan yung anniversary.

-
-if you're wondering kung nasaan na yung stuffed toy. binigay ko ito kay mommy. so far wala naman daw nangyayaring kakaiba. peaceful yung stuffed toy doon, and i hope pati din yung brother ko,,

-------

This is the continuation po, and yung mga nangyari before namin ibigay kay mommy yung stuffed toy.

hindi na po nakakalungkot yung mga susunod na nangyari.

1). a day after this, dumalaw ako sa puntod ng brother ko with my Bf.
this time dala dala namin yung stuffed toy.
nag tirik kami ng kandila.
kinausap ko yung puntod ng brother ko.
sa naaalala ko, tinanong ko kung bakit and kung siya ba yung nag paparamdam sakin.
after ko magsalita nawalan ng apoy ang kandila,
pero walang hangin. binaliwala ko lang baka nagkataon lang. pero nung mga panahon na yon lumamig talaga kahit 3pm palang. tirik pa ang araw.
kumain nalang kami at hinintay na maubos ang kandila, yoon kasi ang sinabi samin ni mommy.

after nito, lumabas na kami ng Bf ko sa loob ng cemetery.
bitbit niya ang stuffed toy,
bago kami umalis sabi ko punta muna kami sa malapit na tindahan para bumili ng panulak (soft drinks) so nilagay ng Bf ko yung stuffed toy sa front seat ng sasakyan.

5 minutes later, bumalik na kami sa car
and yung stuffed toy is nasa likod na, malapit sa bintana. näpamüra nalang talaga ko sa takot.
sabi ko pa "tama na beh nakadalaw na ko" tapos tumatawa pa ko. hinayaan ko nalang sa likod. pero natatakot ako naka dumungaw sa rear view mirror ko HAHAHHAA
sa mga sandali na yon bago ako mag drive napa dasal nalang talaga ko na ingatan kami.
while driving pauwi may nakita kaming banggaan ng tricycle at motor.
iniisip ko kung umalis siguro kami agad at di nag soft drinks baka kami yon.

2). during work hours namin ni bf around 2am na ata, nagpadeliver kami ng food. lagi na to kilala na kami almost lahat ng riders saamin kasi lagi kami nagpapadeliver ng ganong oras.
gutom kami kaya andami naming inorder, total of 4 meals. minutes later dumating na yung rider
syempre may small talks, sabi nung rider sa bf ko:
rider: boss dami mong order ngayon ah
(sabay silip sa loob ng bahay)
rider: Ahh kaya pala may bisita
nagtaka yung bf ko, sabi niya: wala naman bro gutom lang talaga kami kasi hindi pa kami kumakain.
tinignan lang siya nung rider, then lumabas agad siya ng gate. pagkasakay nya ng motor saka siya nagsabi ng thank you na parang nag mamadali na ewan.
later on nag msg yung rider, akala namin yung usual na "thank you boss godbless"
pero ang msg nya samin ganito,
"sir sana nag bibiro lang po kayo na wala kayong bisita kasi may nakita po akong lalaki na nakatayo malapit sa pinto"
hindi na namin to pinansin pero kita ko sa mukha ng bf ko na takot siya.

3). 4 days nang nasaamin yung stuffed toy.

umalis kami ng bf ko around 8am para makipag kita sa mga friends ko.
before kami umalis nilagay ko yung stuffed toy sa loob ng ref (ito yung ref na hindi ginagamit)
meron kasing lock yon kaya doon namin nilagay. nasira yon before hindi na gumagana yung magnet.
normal yung araw namin after umalis ng apartment. normal hang out with friends.
pero paguwi namin, nakasalubong namin yung kapit bahay namin.
sabi niya sakin "umalis pala kayo teh? may naiwan ba sa loob ng bahay nyo? may kumakalabog kasi kaninang tanghali. may bagong aso ba kayo?"
i told her na wala naman, baka daga lang or may nakapasok na pusa.
after nung small talk na yon binuksan ko na yung gate, inayos ng bf ko yung trash bags sa labas.
binuksan ko na yung lock ng pinto pero nakashut pa din, pagpasok ng Bf ko sa gate tumalikod ako and sinara ko yung gate. pag lingon ko nakabukas na yung pinto (mejo wide open na) . tinanong ko si bf if binuksan nya ang sabi niya hindi pa daw.
pag pasok ko parang may humila ng hair ko. tapos pagtingin ko sa baba andon yung stuffed toy. at bukas na bukas yung ref.

4). 6th day na, dito na ko nag decide kung anong gagawin ko doon sa stuffed toy.
tinawagan ko si mommy, nag kwento ako sakanya kung ano yung mga nangyari the past few days.
sabi ng mommy, picturan ko daw. so nag attempt akong picturan pero parang hindi payag. every time na icclick ko yung press i feel na parang merong nakatingin sa likod ko. so sinabi ko kay mommy.
suggestion ni bf na mag Vc daw kami. so ayon ang ginawa namin. pero ang sabi ni mommy wala daw siyang makita. kaya napraning na ko.
nilagay ko sa container yung stuffed toy at pumunta kami kila mommy.
nakita naman niya, akala niya daw imagination ko lang, kasi may mga taong ganon kapag namätäyän.
impossible naman kasi matagal na dë*ds ang brother ko.
ang ginawa ng mom ko nilagay nya yung stuffed toy malapit sa picture ng brother ko katabi ng Bible at rosary.
sabay banggit ni mommy na "alam mo anak ang kapatid mo noon camera shy, hindi siya pumapayag mag papicture talaga, kaya siguro hindi ka niya pinayagan."
after nito niyakap ako ni mommy at umalis na din kami.
after non wala na talagang nangyari sabi ng mom ko, baka gusto niya lang daw umuwi. pero same pa rin ng isipin ko before

"paano napunta sa box namin yung stuffed toy."


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now