Mga Kababalaghan sa Kabukiran
Ang mga pangyayaring ito ay naganap sa farm/kabukiran ng tita at tito ko nung mga panahong nakatira pako don, I just wanna share my different creepy and weird encounters
- Harvest time ng mga pananim nila noon which is mais , syempre ako kasama mga pinsan at tropa ko ay tumulong para may share din kami . Nung sumapit na ang gabi ay nag relax na kami sa mga nakapile na sako ng mais after namin kumain , then after non sabi ng tropa ko ay maghanap daw kami ng gagamba , so ayon pumasok kami don sa lupain na pinagharvesan ng mais (hindi pa naararo so nakatayo padin yung mga puno ng mais) kasama sila at mga pinsan ko , marami kami mga around 8 kami non , may kanya kanyang dalang flashlight , okay naman yung ilang minuto ng paghahanap namin until umabot na kami sa kalagitnaan ng lupain (medyo malaki at malawak yung lupain) , dito na nagsimula ang weird encounter ko/namin , may tumatakbo na sobrang bilis sa paligid namin , since nakatayo pa yung mga puno ng mais is di mo makikita ng maayos kung ano or sino yon kahit pa may flashlight kapa , yung takbo is sobrang weird , sobrang bilis to the point na if iisipin mong mabuti is hindi pang normal na tao , nakaramdam na ako ng di maganda so sumigaw ako para marinig ng mga pinsan ko at tropa ko
Me : ""Ooy wag kayong takbo ng takbo , mahihirapan tayo makakuha ng gagamba neto""
Them : ""Ha? Di naman kami tumatakbo ah, ang hirap kaya tumakbo pag ganito yung lupa tas may mga puno pa ng mais""and dun na tumayo balahibo ko , 8 kami nasa gitna ng maisan , kahit may flashlight kaming dala , at kahit sumigaw kami is hindi hindi kami maririnig (kasi nagpapamusic din sila doon) or makikita man lang ng mga kasama namin na andon sa malaking kubo na kung saan andon yung mga pile ng sako ng mais
Yung isang kasama namin is nakaramdam nadin pala , so nagsabi siya na bumalik na raw kami pero dapat sama sama kami so ayon tinawag ko mga pinsan ko and naghawak hawak kami ng braso lahat pabalik , buti nalang walang nagpanic ni isa sa amin at nagsitakbuhan ng kanya kanya , nakabalik naman kami ng maayos , pero sabi ng tropa ko na taga doon buti nalang daw di pa kami nakalagpas doon sa parang kagubatan sa dulo , kasi if ever daw na may mahablot samin don is napakaimposible na maibalik pa kung sino man yon , mga dayo daw yun for sure , dayong Asw*ng .. Di na kami ulit lumayo pa sa kubo after non , humiga nalang ulit kami don sa mga sako ng mais at nagkwentuhan pero di mawala sa isip ko yung mga nangyari kaya napatitig ako ulit sa bandang area na yon , sa dulo ng area na yon is maraming puno ng niyog at mga ibat ibang puno pa at sobrang liwanag ng buwan ng gabing ito , hindi naman malabo ang mata ko at hindi naman ako lasing ng mga oras na yon pero pagtingin ko roon ay may nakita akong lumilipad na tila uwak na dumapo sa isang puno ng niyog , sounds normal right ? pero mula sa kinaroroonan namin at sa pwesto nung puno is sobrang layo like literal , na sa sobrang layo is yung puno is parang stick nalang kung titignan , if ganon kaliit yung puno sa distansyang yon bat kitang kita parin yung kung ano mang lumilipad na yon , ibig sabihin sobrang laki din nung lumilipad na yon , at for sure hindi normal na tao yon ..
- Pumunta kami ng ibang baryo ng mga panahong ito para kumuha ng mga niyog at kahoy , tatlo kami kasama pinsan ko at tropa ko , hapon kami naparoon at inabot na kami ng gabi dahil sa pagkakarga , ang dala nga pala namin is tractor na may trailer , mga around 8PM na kami bumyahe pauwi , nung pauwi na kami nagtanong yung tropa ko if may dala daw ba kaming lubid which is meron naman , yung pinsan ko yung driver and kami ng tropa ko is nandon sa trailer , nung nasa byahe na kami sinabi niya itali daw namin isang paa namin sa anything na bakal na part ng trailer which is ginawa ko naman and hindi nako nagtanong kasi may idea na ako kung para saan , after naka 30 mins na kami sa byahe is dadadaan na kami sa part na walang mga poste at ilaw at walang mga kabahayan pero nung papunta na kami don is nag aalulong na yung mga aso na madadaanan namin , which is papatay malisya lang ako kasi ayokong matakot , baka sa ingay lang ng tractor kaya ganon yung mga aso. Nung nasa kalagitnaan na kami ng kadiliman is may weird na nangyari na naman , sobrang lakas ng hangin , like hindi siya hangin dahil sa mabilis yung takbo namin , yung direksyon ng hangin is pababa and hindi siya tuloy tuloy , mawawala siya and babalik nanaman , malakas yung hangin na parang kung may ano sa itaas namin , napatingin ako sa tropa ko , sabi niya wag na wag raw akong lilingon or titingin sa taas or likuran sabay hawak ng mahigpit sa bakal ng trailer , sinigawan din namin ang pinsan ko na bilisan yung pagmamaneho , ininda namin ng ilang minuto ang ganong sitwasyon na may takot hanggang sa umabot na kami sa part ng baryo namin na may mga bahay at ilaw ng poste , nung nakalagpas na kami don , sabay non yung pagkawala ng mysteryosong hangin na iyon at nakahinga na kami ng maayos . Sabi ng kaibigan ko is baka sinundan or takutin lang daw kami kasi taga ibang baryo kami , which is Asw*ng nga raw ulit .
- Gabi , around 7PM Mangingisda daw kami sa sapa , kasama tito ko at kapitbahay namin pero since inaantay pa namin ng pinsan ko yung kaibigan ko is sabi namin susunod nalang kami , malayo layo yung sapa kung tutuusin , higit kumulang isang oras ang lumipas is dumating na yung kaibigan ko na may dalang fish-net at timba at umalis na kami after non , nung nasa na daan na kami around 8PM yung letsugas na pinsan ko is sinabi na sa shortcut na raw kami dumaan which is um-oo namin kami ng kaibigan ko , shortcut nga naman talaga kung tutuusin kasi isang lupain ng maisan lang lalagusan namin is papuntang sapa na talaga , nung malapit na kami don sa maisan is nagpaalam muna kami sa bahay na nandon , na makikiraan lang kami kasi pupunta kaming sapa , which is sabi naman ng may ari nung bahay at nung lupain na okay lang (kasi kilala naman kami) , pero may sinabi siya na magiingat daw kami kasi maliwanag ang buwan , nung nasa kalagitnaan na kami ng maisan naramdaman na naman yung hangin na pababa yung ihip pero saglit lang na para bang may lumipad o dumaan sa ibabaw namin , nakaramdam na ako ng takot ng mga oras na yon , ewan ko sa mga kasama ko if sila din , nung malapit na kami sa dulo ng maisan may napansin akong sobrang weird nung lumingon ako sa mga mais kaya huminto ako , tas sabi ko ""bat may manok na nakapatong sa puno ng mais"" sabay inilawan ko ng flashlight which is yes manok nga , hindi maliit kundi talagang yung adult na manok na parang panabong pero maitim tas nakapatong sa puno ng mais (which is napakaimposible kasi sobrang lambot ng puno ng mais , kahit nga siguro katamtamang laki ng manok pumatong sa ganon is matutumba or mababali if ever) , sa mismong pangyayaring yon first time ko makita yung tropa kong parang namumutla kasi ang lapit namin dun sa manok sa puno ng mais , sabay sigaw niya ng ""TAKBO"" , sa sobrang gulat namin ng pinsan ko is napatakbo kami ng mabilis hanggang sa nakalabas kami don sa maisan at napunta na kami don sa daanan talaga papuntang sapa which is may mga bahay bahay nadin at ilaw , sa awa ng diyos buti na lang isang direksyon lang ang tinakbuhan naming tatlo at hindi kami nagka hiwahiwalay , natanong ko sa tropa ko bat sobrang takot niya nung mga oras na yon , sabi niya ay first time niya raw makakita ng ganon , malaking maitim na manok tas nakapatong sa puno ng mais , which is dun na nagsink in sakin na oo nga naman di pwede yun ah , saka sobrang lapit daw namin kaya natakot siya na baka if kung ano man yon is sobrang dali niya kaming masaktan or kung ano man ang balak niya..
Eto lang muna since sobrang haba na , marami pa akong creepy encounters sa lugar na yon , pero eto yung mga iconic talaga for me , kwentong Asw*ng kumbaga pero di ko pa naman sila nakikita like harap harapan talaga , altho naniniwala ako since naeexperience ko yung mga ganito , so far sa lugar na yon may mga kung tawaging bantog na Asw*ng , and since dayo lang ako sa lugar na yon kaya siguro pinagtritripan nila ako or kung ano
Silhouette
📜Spookify
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.