Kwento ni Sharla 1
Lately nakatagpo ako ng mga co-workers na marami rin kwentong paranormal. Kagabi during meal break, may naShare na travel-related experience si Sharla.
Nagbyahe raw ang family nina Sharla sa Bicol region. Land trip lang sila instead of plane, at may sariling sasakyan na dala with driver. Somewhere between Quezon and Camarines Norte, may nadaanan silang long road na wla masyadong ilaw o kabahayan. Dahil night trip sila, bihira rin kasalubong o kasabay na ibang sasakyan.
Katabi ni Sharla yng sister nya, at ugali nyang kayakap yun kapag natutulog. So magka-hug sila 2 sa may likod ng driver. Diretso yng daan, hindi zigzag, hindi rin rough dirt road.Bigla na lng daw nag-fly open yng door sa side ng sister nya. Kng di raw nya kayakap yun, baka nahulog sa daan. Nagising silang mga pasahero dahil sa bugso ng malamig na hangin sa loob ng sasakyan. Nagulat rin yng driver kaya ilang metro na medyo may liwanag, tumigil yng driver para isara yng pinto. Nagbulungan sila nung katabi nung driver na parang pahinante nya...meron daw gusto makisakay. Nagsalita ng malakas yng driver na parang may pinapababa at sinabihang hindi raw pwede sumama sa kanila. Sinara nya yng pinto at sinabihan sina Sharla na siguraduhing naka-Lock. Hindi kasi ito basta sliding door, mabigat at hindi basta mabubuksan kng matagtag lng sa daan. Nung nakadaan sila sa isang bayan, tumigil muna sila dun sa gasolinahan na may kainan para magpagpag. Delikado daw kasi bka sumama pa rin kng ano man yun. Nakakwentuhan nung driver at pahinante yng tindera, at sa Bicolano dialect, sabi ni Manang na may mga nagpaparamdam daw talga dun sa daan na yun.
Another Kwento ni Sharla: Story 2
May kwentong law school din si Sharla. Dahil UST law sya, tumira sya sa mga student dorm sa Sampaloc area. Ilang floors din yun, matagal na naitayo, pero matibay naman. Yng 3rd and 4th floors usually binibigay sa mga senior graduating na busy sa review o thesis. Minsan puro mga graduate school students, mga nagma-Masters or nasa law school ang nasa 4th.
Nung magrereview na for the Bar Exams si Sharla, nilipat sya ng landlady sa 4th para daw di sya maistorbo. Puro Accounting grads na nagrereview rin for the Board exams ang ksama nya dun.
Minsan daw nanaginip sya ng isang babae na di nya kilala. Medium length hair, balingkinitan yng katawan, medyo dark-skinned. Nakatayo daw sa may pintuan nya, nakangiti lng. Parang binabati syang kaibigan altho di naman nya mamukhaan. Kinaumagahan, habang nasa communal kusina sila ng landlady at ilang kaFloor, Nakwento nya yng weird dream nya.
"Ay, napanaginipan mo sya? Buti di nagpakita sa iyo..", patawang sabi ng isa. "Nagpapakita raw sya talga sa mga nagrereview dyan sa 4th...minsan nakatayo sa hallway, minsan makakasalubong sa stairs," dagdag pa ng isa. "Di naman sya nangaano...swerte pa nga raw sya, kasi lahat ng pinagpakitaan na reviewee, pumapasa sa Boards," sabat naman ng landlady.
"Pero, sino po sya? Anong kwento, kasi modern yng damit nya," tanong ni Sharla. "Dating boarder namin sya dito. Mabait at masipag na estudyante all her 4yrs ng college. Dito rin sya nagstay until board review nya sa Accountancy. Kaso before the Boards, biglaang umuwi sa probinsya kasi nagkasakit ang tatay. Naaksidente yng bus nila papuntang norte at isa sya sa napuruhan. After that, nagparamdam sya sa mga dormmates na mageexam. Lahat nung pinakitaan nya, pumasa ng Boards."
Swerteng tanging si Sharla lng ang Bar reviewee na pumasa dun sa dorm that year.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.