ENGKANTO
Since ang dami kong nababasang story tungkol sa mga Engkanto, let me tell you my brother’s story. (Member dito Kuya ko and I got his permission to post his story. Hihi!) Mahaba ito so please bear with me.
First year high school ako (year 2009/2010 ata ‘to) at 5am pa dapat ang gising ko, pero nagising ako dahil sa kaguluhan. Napabalikwas ako ng bangon, medyo antok pa pero kitang-kita ko yung Tatay namin na halos hindi na makarga yung Kuya (tawagin nating Kuya E) kong walang malay. Mukhang sobrang nabibigatan yung Tatay namin sa pagbuhat to the point na sayad na si Kuya sa lapag. Mind you, malaki ang pangangatawan ng Tatay namin. Nagbubuhat ‘yon sa Gym kaya imposibleng hindi niya kayang buhatin ng maayos si Kuya E. Sa likuran nila ay ang Nanay naming nag-aalala.
Inihiga nila si Kuya E sa kama, hindi aabot ng isang dipa magmula sa akin. Ginigising siya ng Nanay namin pero hindi siya magising. Nagpapanic si Nanay. Samantalang ako, walang kaalam-alam sa nangyari kaya nagtanong ako. Nahimatay raw si Kuya E bigla bago pa makapasok ng CR. Pinatawag nila ang isa ko pang Kuya (Panganay sa aming tatlo. Tawagin natin siyang Kuya T), dumating siya at pilit nilang ginigising yung kapatid naming wala ngang malay.
Bilang madaling mainis at aligaga na rin, niyuyugyog na ni Kuya T si Kuya E. Pero wala, hindi talaga siya magising-gising. Kumuha rin sila ng parang katinko para ipaamoy, tinatawag ni Nanay sa pangalan si Kuya E pero wala talaga. Ilang minutong ganoon ang nangyayari. Pinapanood ko lang sila, hindi ko kasi alam kung ano ang maitutulong ko. Hanggang sa bigla siyang nanginig. Parang lamig na lamig. Nagsasalita ang Kuya E, “Ang lamig! Ang lamig!” Mahina ngunit klaro. Nakapaikit pa rin siya. Kaya binalutan si Kuya E ng kumot, pero hindi pa rin sapat. Malamig pa rin daw. Nakailang balot na kami ng kumot sa kaniya pero nanginginig pa rin siya.
Nasa sulok ako ng kwarto, nakatingin sa kanila at inaabangan ang mga susunod na mangyayari. Sinampal na ni Kuya T si Kuya E para magising. At nagising nga siya, ang kaso takot na takot ang mukha niya. Sabay turo sa pinto at sigaw “Sino ‘yan?! Sino ‘yang babae?!” Napatingin ako sa pinto, pero wala naman akong nakita. Dito nakaramdam din ako ng takot. Shet. May babae raw sa pinto. Takot na takot ang Kuya E habang niyayakap siya ng Nanay, paalisin daw ang babaeng nasa pinto.
Pinatawag ni Nanay ang kaibigan ni Kuya E na kasama niya bago umuwi sa bahay. Pinatawag din niya ang mangtatawas sa lugar namin. Dumating ang kaibigan ni Kuya E. Nag-inuman pala sila magmula kagabi, kaninang madaling araw lang bago mag-3am nang ihatid niya pauwi sa bahay si Kuya E. Dumating na rin ang mangtatawas. Hinipo niya ang Kuya na nakapikit at nanginginig. Humingi ng palapaspas ang manggagamot at rosaryo. Napatingin ang Nanay sa akin, “A! Kuhanin mo yung rosary doon sa altar sa taas! Dalian mo!”
Natulala ako sa narinig ko. Sa isip ko, bakit ako? Hindi ko alam na naiyak na pala ako. “Oh bakit ka umiiyak? Dalian mo na at kuhanin mo na ang rosary!” Tanong ni Nanay. “Eh kasi sabi ni Kuya E may babae daw sa pinto!” Sagot ko naman. Takot na nga akong gumalaw, papapuntahin pa ako sa altar para kuhanin yung rosaryo. Ang altar ay nasa second floor ng bahay namin, hindi pa ito masiyadong tapos. Kwarto pa lang ni Kuya E ang meron at ang ibang bahagi nito ay mga gamit ni Tatay ang nakalagay. Ang altar ay nasa gilid ng kwarto ni Kuya E. Madilim halos buong parte ng second floor. Pinandilatan ako ni Nanay kaya kahit ayaw at takot, wala akong nagawa. Tandang-tanda ko pa yung paghinga ko ng malalim bago nagmamadaling tumakbo paakyat sa hagdan, diretso sa Altar para kuhanin yung rosaryo.
Pinahawak kay Kuya E ang rosaryo at hinampas siya ng palaspas ng mangtatawas. Uma-aray ang Kuya E kahit na hindi naman ganoon kalakas ang paghampas sa kaniya, saka malambot na rin ang palaspas gawa ng ito ay luma na. Tinanong ng mangtatawas kung ano ang huling ginawa ng Kuya E. Inihatid ng kaibigan niya si Kuya E bago mag-alas tres ng madaling araw, hinahanap na kasi ito ng Nanay at kako tama na sa inom. Nakalakad naman ng maayos ang Kuya E papunta sa CR, ngunit bigla na lang daw itong nahimatay bago pa makapasok. Ang kwento ng kaibigan ni Kuya E, nagsuka na raw ito sa creek. Pagbalik raw ng Kuya E sa pwesto niya, napansin niya na parang kakaiba na ang aura nito. Dito niya na raw napagpasyahan na ihatid si Kuya E dahil tapos na rin ang inuman, inakay niya pa ito. Inilagay niya ang kamay ng Kuya para umakbay sa kaniya. Nagulat siya daw parang ang bigat daw. (Ang Kuya E ay payat at katamtaman ang taas, samantalang ang kaibigan niya ay mataba at medyo may kataasan sa kaniya ng kaunti.)
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.