Makatawid

146 5 0
                                    

Eto entry ko for today

Back in 2014 nag inuman kami sa bahay ng TL ko sa antipolo. Cherry hills to be exact. Yes, that same cherrry hills na gumuho wayback 1999.

Most naman ng residents daw dun aware sa nangyari nung gumuho pero mura kasi ang pagkakabili nila sa mga properties nila kaya wala silang pake sa mga mumu mumu na yan. Gaya ng TL ko at family nya..di naman sila "sensitive" mag asawa sa ganun except for their 7yr old kid.

So bilang madami na kong experiences sa mga katatakutan ineexpect ko na meron magpapakita o magpaparamdam kasi nga cherry hills. Di ako nagkamali..  Habang nag iinom kami, bumaba yung daughter ng tl ko from her room, takot na takot, umiiyak at puro putik yung pajamas.

So tinanong nung tl ko kung bakit puro sya putik, sabi nung bata meron daw isang babae at isang bata na puro putik, hinihila daw sya.

Syempre mejo nakainom na ko kaya doble lakas ng loob ko, i asked permission mula sa tl ko na tignan yung room ng anak nya. Pag akyat ko wala dun yung sinasabi ng bata. Pero anlakas ng amoy ng lupa na basa.. Alam nyo yung amoy na pag umulan tas tumama sa lupa? Ganun yung amoy.. Sinundan ko yung amoy yung source ay nasa loob ng closet.

Hindi takot o kilabot ang naramdaman ko kundi lungkot. Matinding lungkot (I can sense emotions from entities) parang nag flashback sakin yung nangyari sa kanila. Natutulog silang mag nanay nung nag landslide kaya di sila naka alis at nalibing ng buhay.

I asked them (mumu) na wag na gambalain yung bata. In return, ipagdadasal ang mga kaluluwa nila para matulungan silang "Makatawid".

Sinabi ko yun sa tl ko and pinagdasal at pinagtirik nila ng kandila yung mag inang kaluluwa. Mga 1 month din yata nila ginawa until wala nang nararamdaman o nakikitang kakaiba yung anak nila. Bumalik din ako dun to check if the spirits are gone. And yes, nakatawid na nga sila at peaceful na yung bahay.

Yan lang muna, magtatrabaho muna ko hehe.



📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now