"GR.NO.125808"
Taong 1995 ----- Madaling araw palang ay nag pasya na kaming magkita-kita ng mga kaibigan ko sa labas ng aming bahay. Balak kasi namin pumunta sa tambayan namin doon sa Tangke ng tubig sa 'bundok' (ito ang tawag namin dito dahil isa din ang Lores Subdivision sa highest peak ng bayan naming Antipolo.) para mag laro ng camping pero nung pag punta namin sa itaas ay pinagbawalan kaming dumaan ng mga tanod. Maraming tao non at parang may pinag kakaguluhan. Pinilit pa namin makita yung kung anong pinagkakaguluhan nila pero sobrang daming tao ng bigla akong hawakan sa braso ng kapatid ko.
"Umuwi na tayo." Sabi nito sakin.
Mas matanda sakin ang kapatid kong ito at dahil pasaway ako, tinabig ko lang yung pagkakahawak nya sabay sagot ng "edi umuwi ka na. Mag ca-camping nga e."
Ilang segundo ko din tinitigan yung kapatid ko dahil kahit hinawakan nya na ang braso ko ay duon sya nakatingin sa mga nagkakagulo.Sa pagkakataong ito, humarap sya sakin at hinawakan nya yung dalawang balikat ko. Doon ko lang unang nakita yung kapatid ko na ganon ka-seryoso ang itsura habang sinasabing: "Di mo ba ko naiintinidihan!? Sabi ko uuwi na tayo!!" Pasigaw nyang sabi sakin na parang takot na takot. Hindi na ko tumutol non kaya sumunod nalang ako sa kanila at sabay sabay kaming bumaba hanggang sa narinig ko na nagsalita yung kuya ko "Nakita mo din ba?" Tanong ng kuya ko sa isang kaibigan namin. "May nakatayong babae, ang daming dugo. Naaksidente ba yon?" tuloy nyang tanong habang mabilis na nag lalakad papalayo. Alam kong ayaw nya iparinig sakin yon dahil bata pa ko pero siguro dahil sa kaba ay di nya namalayan na nasa likod nya lang ako. Nakikinig.
Huminto sya saglit.. Tsaka hinanap ako at hinawakan ng mahigpit sa kamay bago tuluyang mag lakad ulit. "Deretso lang kayo, wag na lang lilingon kung saan." sabi nito. Nanginginig ang kamay nyang hawak-hawak ako at inaalalayan nya ko pababa. Deretso lang din ang tingin ko pero di ko maiwasan makita yung nasa kabilang gilid ng kalsada. Babae, Nakatayo ito at yung puting damit ay puro mantsa ng dugo. Agad kong binaling yung tingin ko at dineretso ang pag tingin Sa aking nilalakaran habang bumubulong ng "Hindi to totoo. Hindi ka totoo." Hanggang sa malampasan namin ito.
Nung nakauwi na kami ay nilagnat ang kuya ko ng sobrang taas at pag tapos nga ng araw na yon ay kumalat na yung kwento-kwento tungkol sa nakita namin ng kapatid ko.
Kung gusto mo malaman ang kwento sa likod nito, you may search it on google:
(Go to Google, search the title of the story above.)
PS: To all readers, Pasensya na po at hindi ko pa po matapos yung ELEKSYON. Gawin ko po agad pag may free time ako. Salamat po at GOOD DAY mga ka LtaP!
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.