1404

296 3 0
                                    

So sinipag ako ulit magkwento. 😄

1404 Part 1

Nung nagwwork pa ko sa isang hospital overseas nakatira ako s isang condo with 2 housemates. Tig-iisa kami ng bedroom and akin ang master’s para solo ko CR. Yung 2 housemates ko mga lalaki (mas gusto ko na yon para di madrama at walang kyeme sa bahay). Magkakasama rin ksi kami sa work and parang mga older brothers ko na sila so magdecide kami n tumira na lang sa isang bahay para tipid, tutal lagi nman kami wala. Tawagin natin silang kuya 1 and kuya 2.

So anyway, one day si kuya 1 ay umuwi galing duty from hospital. Mga around 6:30pm na yon, takipsilim. Inakala ni kuya 1 nasa bahay ako dahil nung nag “Hi” siya me narinig siyang sumagot ng “hello.”  So pasok siya room niya, nagbihis at nagpuntang kitchen para magluto. Me naaninag raw siya na anino from room ni kuya 2 so akala rin niya nasa bahay. So luto siya dinner. Btw, si kuya 1 pala pag nagluto mejo disaster s kitchen 😂 and nakaopen lahat ng door ng cupboards (take note kasi importante to) at makalat ang utensils sa counter (pero nililinis naman pagkatapos kumain). Yung kitchen mismo me door with glass paneling in between sa dining; so dahil glass, me kalso kami lagi don para di biglang sumara at mabasag ang glass. Walang bintana ang kitchen so binubuksan rin namin ang backdoor para kahit papano me ventilation. Pero despite that, HINDI mahangin sa kitchen kasi mejo looban ito sa buong area ng condo (gets niyo na ba ang area and scenario? 😜).

Anyway, so pagkaluto niya kumatok sya sa rooms namin para mag imbita kumain (thoughtful siya). Katok siya s room ko pero walang sagot. Check niya ang knob and nakalock. Katok and silip siya s room ni kuya 2 and narealize niya walang tao. Nagtaka siya. Imposible naman papasok ako s room ni kuya 2 (yung anino n nakita niya kanina). So naisip niya tawagan ako instead na katukin ulit ang room ko.

Ang siste, at that time ang duty ko eh 6pm-1am (weird ang shift namin 😁) at si kuya 2 ay off day so gumala somewhere. So all the while mag isa lang siya sa condo. Pagsagot ko ng phone ask niya kung nasan ako. Sabi ko nasa work, so of course nagulat siya kasi akala raw niya nasa room ko ako. Sabi ko wala kanina pa ko umalis. At that moment binabaan niya ako agad ng phone and di na siya tumawag pa. Weird yon kasi di siya ganon, pero dahil busy di ko na naisip kamustahin siya until nung gabi na. Pag uwi ko tinawagan ako ni kuya 2 and sabi niya meet raw nila ni kuya 1 ako sa isang hawker center malapit sa min (parang carinderia na malaki, ganern, pero mas malinis and maraming stores na nagtitinda). Pag dating ko don nagkwento si kuya 1.

So habang kausap niya pala ako s phone nasa me hallway siya ng mga rooms, and bigla raw nagsimatayan ang ilaw s hallway. Dahil madilim naglakad siya towards the dining and kitchen na me ilaw and sakto raw sumara yung cupboards, kumalansing ang mga utensils na nasa counter, BUMUKAS yung ilaw at exhaust ng hood, and biglang sumara ng malakas yung door ng kitchen. 😱😱😱 So ang nagawa na lang niya is napa “P*+@n9 !*# p@k $#!+” at tumakbo palabas ng condo. 🥶👻🏃🏽‍♀️ Take note na ang taong to malaking tao (parang si Hagrid sa Harry Potter) at di nagpapaniwala sa mga multo. Pero at that time napakaripas siya palabas while swearing, sumakay ng elevator na buti na lang raw nasa floor namin nakatambay, at nagpakalayo layo sa building ng condo namin. 😆 Dahil phone lang ang hawak niya at that time ang naisip lang niya is tawagan si kuya 2 para umuwi na to at samahan na lang siya kumain sa hawker center.

Pag uwi namin nakita naman namin yung huling scene na knwento niya bago siya nagsprint out. PERO ang hallway me ilaw na ulit, and ang room ko was hindi nakalock at mejo nakaopen pa nga ng konti yung pinto. Sure daw siya talaga na nakalock yon kanina. Balik na kami ulit s rooms namin pero si kuya 1 eh hindi na nakatulog at nag facetime na lang sa misis niya hanggang umaga. 😜 After that event matagal ulit bago siya nakapaglagi mag isa sa condo.

O nga pala: nagtataka ba kayo bat 1404 ang title? Yan ang unit number ng condo namin. 14th floor, house #4. Sa Chinese raw eh malas yan dahil ang ibig sabihin ay death. 14 is malas na samahan mo pa ng 4 di double whammy, and nag iinvite raw ng evil spirits and kamalasan ang numbers na to. Lately ko na lang napagnilaynilayan yan nung nakalipat na ko ng ibang bahay. 🤔

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now