Supervisor

161 4 0
                                    

Supervisor

First time ko pong magppost dito sorry na agad kung medyo magulo at mahaba. Gusto ko lang pong ishare itong kwento na to na nangyari mga 14-15 years ago na ang nakalipas. Yung mom ko meron siyang supervisor. Kinekwento niya na parang may 3rd eye nga daw yun.

May time na nag-company outing sila paputang ilocos and nakasakay sila sa bus. Yung boss niya may katabi na officemate nila. Tapos parang nasisikipan daw yung katabi ni supervisor. Then nahintatakutan nalang sila kasi pagbaba nung nakarating na sila. Sabi ni sipervisor wag kang matatakot ha pero meron kasi tayong katabi sa upuan. Parang nakisiksik daw (dalawahan lang yung upuan nung bus).

Another kwento siguro nangyari ito nung sumunod na taon nakalimutan ko na. Fiesta sa hometown ng mom ko inimbitahan niya yung mga kasama niya sa work dun sa bahay ng lolo at lola ko. Siyempre automatic na kasama si supervisor doon. Normal na fiesta lang, kain, manonood ng parada at PICTURAN.

Nagdaan ang ilang araw. Yung mom ko may inuwi siyang envelope na may printed pictures na kuha mula sa mga nokia na lumang cellphones. Tiningnan ko yung pictures kasi curious lang ako kung ano yung pictures from the fiesta. Then may isang picture don na close-up picture na mukhang selfie ng lalaki na duguan yung mukha tapos medyo blurred na parang nagoverlap sa isa pang picture na ang background ay poste, sky at konting bubong ng building.

Tinanong ko sa nanay ko ano ba yung picture na yon sino yon? Ang tagal kong tinititingan kasi di ko magets bakit may ganun eh fiestahan dapat yung pictures. Sinagot ako ng nanay ko di mo ba makita kung ano at san yung picture na yan. Sabi ko hindi. Dun niya inexplain.

Sabi niya picture yon nung supervisor niya gamit cellphone. Mahilig kasi si supervisor magpicture at ipapaprint para ipadala sa asawa niya na nasa province. Hindi pa uso ang fb noon. Ang pinicturan talaga nung supervisor is yung pumaparada nung fiesta sa harap ng bahay ng lolo at lola ko. Pero nung pinrint niya nagulat sila na yung original shot ay parang napatungan ng mukha ng kung sinong duguan na lalaki.

Kaya inuwi ng mom ko yung envelope with pictures kasi ipagtatanong niya sa mga kakilala niya sa hometown kung kilala nila yung tao na yon. Turns out yung duguan na lalaki sa picture ay patay na at naaksidente dahil bumangga sa poste doon mismo sa harap ng bahay ng  lolo at lola ko. Tiningnan ko ulit yung picture familiar nga yung poste at building kamukha nung nasa tapat ng bahay.

Ayun lang, hindi ko alam kung ano ba talaga nangyari sa pagkakaprint ng picture na yon pero nakakakilabot parin siya pag naiisip ko. Wala narin kaming balita dun sa supervisor niya na yon.

Gusto ko sana ilagay yung picture dito pero hindi ko na alam kung nasaan yun at para narin siguro sa privacy at ikakatahimik nung tao o entity na nasa picture na yon.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now