Caregiver Story

148 5 0
                                    

Caregiver Story

Kwento ito ng isang caregiver ng isang bedridden patient sa ospital. Nakausap sya nung maid namin na nagbabantay din dun sa uncle naming naConfine ng matagal dahil sa slow deterioration gawa ng stroke.

Professional caregiver si Manang. Nagpapalipat-lipat lng sya ng alaga kung namamatay na. Kilala sya sa ospital at lagi nga rekomendado for families na yng loved one ay wlang bantay o magaalaga. Wla syang formal training pero nasanay na lng, at ang importante ay may compassion talga sa may sakit.

Kwento nya meron daw siyang inalagaan at binantayan na matanda na madalang bisitahin ng kamag-anak. Minsan may dumalaw na pamilya, umamin sila na hindi kasi naging maganda ang relasyon nung matanda sa kanila. May kaya nga raw, pero nung yumaman ay mas inuuna pa ang ibang tao kaysa tulungan sila kahit man lng sa pag-aaral. May kinakasama dati na ginastusan nya ng husto, pati buong pamilya tinulungan raw, pero nung nagkasakit na, bigla sila kinontak at pinasa uli sa pamilya kasi di naman daw nila responsibilidad alagaan sya. Masama rin daw talga ang ugali ng matanda - naninigaw, mapagmura, mapang-api. Madamot din daw talaga at mahilig mang-gipit ng nahihirapan na sa buhay.

Habang tumatagal, madalas na mawala sa sarili yng matanda kasi may dementia at Alzheimer's nga. Sumisigaw at nagagalit na bakit daw may pasok ng pasok sa kwarto nya na di nya kilala. Laging may tinuturo sa corner ng room, minsan sa pinto malapit sa CR. "Sino ka? Bakit ka nandito..di ka naman duktor!", "Nandito ka na naman...bakit mo ako ginugulo?" Yan daw ang mga sambit nya kahit wla naman ibang tao sa room. Unti2x na nagshutdown yng organs ng matanda, nilagyan na ng tubo sa lalamunan kaya di na makapagsalita. Pero dahil conscious pa naman, nakakapag-handsignals pa minsan. At agitated nga kng magda-dapithapon na, mga alas-6pm, tinuturo na naman yng corner ng room. Laking gulat daw ni caregiver Manang ng minsan nga mabaling ang tingin nya, "Ano na naman ba, wala naman tao..." natigilan daw sya kasi may malaking dark shadow sya nakita, parang korteng matangkad na tao kung saan nakaturo yng matanda. Soon, madalas na tulog yng matanda, drifting in and out of consciousness na, hanggang ma-comatose. One night, habang inaayos at chinechek nya yng mga tubes ng matanda, bigla raw bumukas yng mata ng matanda at pumaling ang ulo facing the door. Napatingin din sa direksyon na yun si Manang, at nakita nya uli yng tall, dark shadow. Sobrang natigilin daw sya at nabalik lng sa sarili nung tumunog yng life support machine. Nag-flatline na pala yng matanda.

After nuon, nakakuha uli si Manang ng pasyenteng aalagaan at dun uli sa room na yun nailagay. Pero wla naman na sya nakitang dark shadow uli.



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now